Habang lahat kami ay nag sasayawan at kantahan ay bumalik din si Mr. Cho. Napahinto kaming pinanuod siya habang papalapit sa amin. Mukhang masaya siya. Sino kaya yung dumating at medjo na tagalan din siya sa pag balik.
"Sino ba ang dumating Hanuel at ang tagal mong naka balik?" Tanong nang asawa niya.
"May surpresa ako sayo Byeol mahal. Halikayo sa labas." Sagot ni Mr. Cho sa asawa.
Mag ka hawak kamay pa silang nag lakad palabas habang kaming pito ay naka sunod lang sa kanilang mag asawa hanggang kung saan sila dalhin nang mga paa nila.
"OMO" impit na tili ni Beka sa gilid.
"Yeni, anak." Tawag ni mrs. Cho sa dumating kanina.
Dahil nga huli ako nung sumunod sa kanila ay nasa likuran ako nila Beka at George na higit na matangkad kaysa sa akin kaya hindi ko kita kung sino ang nasa harapan. Pero nung narinig ko ang pangalan na tinawag ni mrs. Cho ay napa isip ako.
"Yeni? Hindi nman siguro. Sigurado akong sa dami rami nang tao sa SoKor ay iisang tao lang ang Yeni na kilala ko at anak nila Mr. At Mrs. Cho." Sa isip isip ko.
Lumingon si Beka sa akin na nanlalaki ang mga mata sa gulat. Anyari sa isang to parang naka kita nang multo!? Hinila niya ako pa unahan nginit paharap sa kanila nang mga kasamahan ko. Ako lang ang naka talikod sa kanila.
Isa isa kong tinignan ang mga reaction nila. Gulat! May nakakagulat ba sa bisita? Bakit ganto ang mga to? Tanong ko ulit sa sarili ko. Hanggang sa pina harap ako ni Beka kung saan andun ang mga bisita at ang mag asawa.
"Yeni, anak miss na miss kita. Bakit ngayon lang kayo dumalaw. Nakaka tampo kayo." Naka ngusong saad nang ginang sa anak.
"Naku mama, papa sorry na ngayon lang talaga na bakante ang schedule namin kaya eto dumalaw kami agad sa inyo. Miss na miss ko din po kayo." Si Yeni.
"Oh bisita niyo din ba sila tito, tita?" Tanong ni Haechi sa magulang ni Yeni na ikina balik nang mga kaluluwa naming magkakaibigan.
"Ah mga bagong trainie sa kumpanya sila Chi. Last day na nila dito ngayon at lilipat na sila duon sa bunkhouse nang kumpanya eh napag pasyahan nilang mag luto at mag salo-salo bago ko sila ihatid mamaya kaya nag kasayahan muna." Mahabang paliwagan ni mr. Cho
"Oh siya tara sa loob nang makakain kayo maraming niluto etong mga batang to nang matikman niyo na din at purong pang pinoy na putahi ang niluto nila. Ang sasarap. Tara." Anyaya ni mr. Cho
"Teka kayo lang bang dalawa? Asa si Chocol?" Tanong ni mrs. Cho
"Ayy anak nang Chi gisingin mo si Chocol Unnie malalagot tayo kanina pa tayo andito at patay na ang sasakyan panigaradong pawis yun." Tumatawang sabi ni Yeni kay Haechi.
"Tara na. Ma una na tayo sa loob alam naman nila papasok dito. Mama, Papa." Saad ni Yeni.
Nag lakad na sila patungo sa amin na ikinatinag naman namin. Biglang nag pulasan ang kumpulan naming pito at nag unahan papasok sa canteen kung saan kami nag kakasayahan kanina.
Bumalik kami sa kanya kanyang upoan at tahimik na nag aantay sa dalawa pang bisita na darating habang kanya kanya kaming nag uusap gamit ang mga mata namin. Alam kong kilala din nang mga kasamahan ko ang mga bagong dating. Sigurado yun. Hindi nman kami nag kakalayo nang edad nang mga kasamahan ko at kamong pito ay mahilig tumambay sa socmed.
Mas lalo kaming na tahimik nang dumating si Haechi at Chocol ngunit hindi ko inaasahan na tumabi si Chocol sa akin kung saan ang bakanteng upuan.
Miki- Layla - Ako- Chocol - Yeni - Mrs. Cho
Mr. Cho
Joyce- Mina- Beka- George- HaechiSitting arrangement namin lahat. Kaya hindi naka wala sa paningin ko ang impit na sigaw ni Beka patungkol sa kung sinong umupo kasunod ko. Silang anim alam kung gaano ko ka gusto si Chocol hindi lingid sa kanila yun. Kaya may mga ngiti sa labi ang anim kung nakikita niyo lang. Pawang mga kinikilig habang ako ay nilalamig. Hahahah.
"Yeni, Haechi, Chocol kumain na kayo habang hindi pa gaanong malamig ang pagkain. Kakasimula lang din namin kumain nung dumating kayo." Anyaya ni Mr. Cho sa tatlo
"At kayo din kumain na ulit kayo." Dagdag niyang sabi.
Sabay-sabay na ulit kaming kumain habang panay pa rin ang tapon nang tingin sa akin ng anim kong Kasama.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomanceSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...