MAYA'S POV:
Naka uwi kami nang matiwasay kagabi. Buti na lang hindi ako masyadong uminom at sina Yeni, natulungan pa nila akong akayin ang mga kaibigan kong lasing na lasing. Para namang mga broken tong mga to. Ilang taon ba tong mga walang alak at grabe maka inum.
Maaga naman akong nagising, body clock ko na talaga to inunahan ko pang magising si haring araw. Balak ko sanang mag jogging kahit sandali sa may tabing dagat. Tinignan ko muna ang mga kasamahan ko bago umalis. Bibili na lang ako nang makakain mamaya bago umuwi.
Naka baba na ako at nag simula nang mag jogging. May mga mangilan ngilan akong mga taong nag jo-jogging din.
30 minutes lang naman akong nag jogging at tumigil na muna ako at pinanuod ang sun rise. Ang ganda talaga. Peaceful ba. Hehe
Hindi na rin ako nag tagal at dumiretso na ako sa isang resto para mag order at i ti-take out ko na lang para dalhin sa room namin. Umakyat na din ako agad at pag pasok ko nakita kong gising na sina Yeni, Chocol at Chi.
"Oh gising na pala kayo, ang aga niyo naman?" Tanong ko habang isinasara ang pinto
Tumayo naman si Chocol para kunin ang ibang bit-bit ko.
"Maaga talaga kaming gumigising dahil sa call time namin pag may practise. Na sanay lang. Ikaw ba san ka galing. Ang aga mo din atang na gising?" Takang tanong niya habang nag lalakad kami patungong kusina.
"Ahh nag jogging lang ako saglit tapos nanuod nang sun rise jan sa sea side tapos dumeretso na akong resto para mag order nang pagkain natin." Ngiti kong sagot sa kanya.
"Sana ginising mo ako para masamahan kita." Sabi niya.
"Naku okay lang naman. May mga kasama naman akong nag jogging kanina kaya okay lang talaga." Sagot ko habang nilalabas ang mga pinamili.
"Yeni, Chi kape oh gusto niyo? Ikaw Choc?" Alok ko sa kanila.
"Sige. Salamat." Sagot nila sabay kuha nang kape.
"San tayo ngayon? Gisingin ko na ba sila para maka pag handa na? Eto tinapay baka gusto niyo din oh. " Tanong at alok ko sa kanila.
"Mamaya na siguro. Patulugin muna natin sila nang maayos at lasing na lasing ang mga yan kagabi." Sagot ni Chi
"Kaya nga eh. Nag tataka din ako bat nagpaka lasing ang mga yan parang ilang taon hindinnaka tikim nang alak. HAHA"
"HAHA. Okay lang basta masaya sila. Tsaka naka uwi naman tayo nang maayos kahit mga lasing pa kasama natin. " Si Yeni
"Buti na lang kamo at di kayo nagpaka lasing. Ang siste ay ako lahat mag dadala sa inyo pa uwi. Pano kaya yun?" Natatawa kong saad sa kanila.
"HAHAHA. Pansin ko nga kagabi na marami na nainum mo pero bilib ako sayo na hindi ka naging lango kagaya nila. Aba't todo sayaw kapa naman. HAHA" SI Chi
"Hindi talaga ako nalalasing Chi. Di ko din alam kung bakit. Kung ang iba ay konting galaw lang eh mas lalong nalalasing ako naman mas gusto ko yung gumagalaw ako at pinag papawisan kasi nawawala yung hilo ko. HAHAHA. Ang weird lang." Natatawa kong paliwanag sa kanya.
Madami pa kaming napag usapan habang kumakain nang magising isa-isa ang mga kasama namin. Inalok ko na din sa kanila ang pag kain nang magkalaman ang mga sikmura nila bago ko painumin nang gamot sa hang over.
Nang matapos ay kanya kanya na kaming gayak at aalis na din kami para ituloy ang galaan. Mamayang tanghali ay uuwi na din kami nang Busan at may pasok pa kami kinabukasan.
Naging masaya naman ang araw na yun para sa amin. Heto kami at nasa kotse na nakasakay at pa uwi na. Kanya- kanyang pwesto ulit at ang iba ay tulog. Habang kami ni Chocol ay nasa likuran pumwesto. Balak ko din matulog habang nasa byahe. Hehehe
"Pards ako na mag d-drive pa uwi. Palit tayo para maka pag pahinga ka din." Dinig kong sabi ni Chi kay Yeni.
"Sige sige goods yan." Sagot niya kay Chi
"Pagka hatid natin sa kanila uuwi na ba tayo agad or dadaan pa tayo kina tito at tita?" Tanong ni Chocol
"Pahinga muna siguro tayo sa bahay. Wala naman tayong sched bukas. Bukas na din siguro tayo umuwi nang Souel." Sagot ni Yeni
"Sige. Mas maigi. Ako na lang mag d-drive bukas pards." Prisenta ni Chocol sa kanila.
"Aba! Gusto ko yan. HAHAHA" Tawang sagot ni Yeni at Chi
Nakikinig lang ako sa usapan nila nangingiti din. Na pa isip ako. Bakit wala akong mga gantong kaibigan simula nung bata pa ako? HAHAHA. Nakaka inggit naman.
Ganun lang ang pa ulit ulit na tanong ko nang mapansin kong naka tingin si Chocol sa akin sabay tanong.
"Inaantok ka ba? Gusto mong matulog? Dito ka sa balikat ko patong mo ulo mo para kahit papano kumportable ka."
" Sige salamat." Sabay ngiti sa kanya.
Hindi na ako nag pakipot at dinadalaw na talaga ako nang antok. Sa aga ko ba namang gumising eh. AHAHA
Naka tulog nga ako kahit saglit. Pero na ramdaman kong sumasakit ang leeg ko kaya nagising ako. Narinig kong nag uusap ulit sina Chocol. Hindi na muna ako gumalaw at pinakingan ko ang pinag uusapan nila. Naka talikod sina Chi at Yeni kaya di nila napansing gising na ako.
Na curious lang talaga ako kasi narinig ko ang pangalan ko. Ako ba pinag uusapan nila?
"Pards kelan mo sasabihin kay Maya?" Si Yeni
"Nag hahanap pa ako nang tyempo pards. Natatakot ako baka pag sinabi ko sa kanya layuan niya ako." Chocol
"Hindi naman siguro pards. Sa konting panahon na nakasama at nakilala natin si Maya mabait at ma intindihin naman siya." Si Chi
"Oo nga pero iba kasi to Chi. Baka isipin niyang pinag lalaroan ko lang damdamin niya porket alam kong may gusto siya sa akin."
"Kaya nga sabihin at ipa intindi mo sa kanya kasi kung hindi yan at yan talaga ang iisipin niya sayo. Sabihin mo ba naman sa harap nang mga kaibigan niyang nanliligaw ka tapos babawiin mo nang walang matinong rason. Wag ganun pards." Si Yeni
"Na lilito din talaga ako pards. Alam ko nmana sa sarili ko na gusto ko siya pero may humahadlang lang talaga kaya hindi ko din magawa. Ma iintindihan niya naman siguro."
" Para sa akin pards hindi talaga tama pero sige ikaw yan eh. Suportahan ka namin sa mga disisyon mo pero wag mo asahan na pag tatakpan ka namin pag dumating ang araw na mag tanong siya." Chi
Buntong hininga lang ang narinig kong isinagot ni Chocol sa mga kaibigan niya. Ako naman ay nalilito at hindi makuha kung ano ang pinag uusapan nila. Inalis ko ang ulo ko sa balikat ni Chocol hindi ko pina halatang kanina pa ako gising at nakikinig lang sa usapan nila.
Hanggang sa naka uwi na kami ay iniisip ko parin ang mga pinag usapan nila. Na ligo na lang muna ako bago humiga at mag pahinga. Nag message akonsa GC namin na hindi na muna ako kakain at matutulog na ako nang maaga. At dahil alam nilang pagod ako, kaming lahat ay hindi na sila na ngulit pa.
Naka tulugan ko na lang ang isiping iyon.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomanceSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...