PART 5

977 16 0
                                    

Naka uwi kami kahapon galing sa aming bonding. Lingo ngayon at napag pasyahan namin na ngayong araw na kami lumipat para bukas ay trabaho na lang ang aming aatupagin.

Na una ulit akong magising. Kagabi pa naman handa lahat nang gamit ko kaya napag pasyahan ko munang mag joghing habang nag aantay sa iba kong kasama. Mamaya pa namang hapon kami aalis at ihahatid naman kami ni mr. Cho sa bago naming tutuluyan.

Nasabi na rin ni mr. Cho sa amin na tig iisa kaming container van pag dating sa factory. Ginawa yung kwarto pinag patong lang para ma minimize ang lugar. Ganun ang ginawa nyang kwarto nang mga trabahador niya para daw kahit papano ay may privacy pa rin pili na lang daw kaming pito nang kanya kanyang pwesto.

Na tapos akong mag jogging at pa uwi narin. Hindi na ako dumaan sa 7/11 at plano naming mag lutong pito nang pagkain pasasalamat sa mabuting loob na pinakita ni mr. Cho at nang asawa niya sa amin.

Dumiretso na din ako sa kwarto naligo at nag bihis at deretsong nilabhan ang maruming damit ko na ginamit ko ngayong umaga sa pag jojogging.

Lumabas na ako nang kwarto ko nang marinig kong gising na ang mga kasamahan ko. Nag batian lang nang good morning at deretso na kami sa canteen para mag agahan at mag plano kung ano ang lulutuin namin mamaya.

"Ano ba ang lulutuin natin mamayang pananghalian?" Tanong ni Joyce.

"Filipino foods kaya para naman matikman nila mr. At mrs. Cho yung pagkain natin." Sagot ni George

"Pwede naman. Isip tayo kung anong luto." Sabi ni Mini.

"Di na tayo lalayo sa Adobo, Afritada, kare-kare at pancit." Saad ni Beka naman.

" Sige yan na lang lutuin natin ako na sa afritada at adobo. Di ako ma alam sa kare-kare." Sabad ko naman.

"Eh pancit ante di ka din marunong?" Sabi ni Layla sabay tawa.

"Easy na sakin ang pancit kaso di ko naman alam kung magugustuhan niyo yung pancit na luto ko kasi gusto ko mejo masabaw." Sabi ko

"Ay bet ko yang masabaw na pancit ante kayo ba?" Ena

"Oo bet ko din yan" sabay na saad nilang lima.

"Okay na. Tara at mamalengke muna tayo para may mailuto ano? Di yung puro lang tayo plano at naka limutan na nating mamalengke." Tawang sabi ni Beka.

"Oo nga pala. O tara na. Mag paalam na muna tayo kay mr. Cho nang di tayo hanapin."

"Tara" sabay na sagot nila.

Nag lalagakad na kami pa puntang bus stop. Naka pag paalam na din kami at pinayagan na man kami ni mr. Cho. Buti nang sabay kami pito nang kung magkamda ligaw ligaw eh kami ding pito. Hahaha

Dumating kamo sa market at bumili nang mga kailangan. Hindi na kami nag tagal kahit na maaga at mahaba pa naman ang oras bago mag tanghalian. Matapos maka bili ay umuwi din kami agad. Marami rami rin ang napamili namin may tinapay, cake at prutas pang na dagdag.

Masaya kaming tulong- tulong nina Beka, Joyce at George na nag luluto at isa isa ding na tapos lutuin ang pagkain. Habang sina Mini, Layla at Miki naman ang naka toka sa pag hahanda nang lamesa.

"Luto na lahat. Handa na rin ang lamesa anong susunod?" Tanong ni Miki

"KAINANA NA!!!!" sabay naming sagot.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now