Dumiretso muna kami sa hotel nang maka baba nang barko. Malapit lang din naman sa pier ang hotel na pinag book kan nina Chocol.
Dali-dali na din kaming bumaba sa lobby. Lahat kami ay gutom na at past lunch na kami dumating. Nag lakad lang kami papuntang isang resto at napag pasyahang doon na kumain.
"Waaah. Ang sakit nang tyan ko sa sobrang busog." Si Ena
"Kaya nga eh ang sasarap nang pagkain nila." Miki
"Masaya kami na makita kayong masaya at busog." Ngiting sabi ni Yeni.
Bumalik muna kami sa aming kwarto at nag pahinga ulit. Mamaya na lang kami gagala pag medyo hindi na ma init. Kanya kanyang pwesto sa higaan. Buti na lang talaga malaki ang kwarto at pang family yung kwarto na binook kaya kasya kaming sampo.
May limang higaan kaya tig dalawa kaming mag kakatabi sa higaan. Malaki din naman ang kama at hindi lang dalawa ang kasya pero para maka tulog pa din kami nang maayos ay napag pasyahang tig dalawa na kami.
George - Beka
Mini - Miki
Joyce - Ena
Yeni - Haechi
Ako - Chocol
*Oh wag mag isip nang kung ano-ano at sila ang pumili nang gusto nilang katabi sa higaan. Ahahaha*
Hapon na din nang mag sipag babaan kami. Naka tulog kaming lahat sa pagod kaya eto. Tama lang din kasi hindi na mainit makakagala na nang matiwasay.
Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin namin ngayon baka mag meryenda na muna bago mag gala. Pero bukas naman ay maaga kami at pupunta kami sa doon sa famous na beach na nakikita sa mga KDrama..
"Ano gagawin natin ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Gusto niyo bang mag KTV bar mamaya?" Si Yeni ang sumagot
"Meron ba dito nun?" Si Miki
"Oo naman. Uso kahit saan sa Korea ang KTV kaya kahit dito sa isla ay meron yun." Paliwanag ni Yeni
"Sige doon tayo mamaya. Shot puno tayo. Ahahaha" si Mini
"May balak mag lasing pero baka iba balak mo bakla ah." Si Beka
"Hoyy maka paratang ka bakla baka ikaw nga eh may balak" turo niya kay Beka
"Ayy ante sorry pero di tayo talo-talo dito. Lalaki po gusto ko hindi mga nilalaki po." Parang nandidiri pang sabi ni Beka
"Anong nilalaki Beks?" Pa tawa tawa kong tanong
"Nilalaki feeling lalaki ganurn." Tawa niya ding sabi
"Hahahaha. Bagong word yun ah. Nilalaki." Joyce
"Tara na nga. Gala na tayo kaka selpon niyo yan." Ena
Sira ulo talaga tong si Ena. Ma isingit lang ba. Ahaha. Nag lakad lakad lang din kami habang inaantay ang oras kasi maaga pa din naman kung papasok agad kami nang KTV edi maaga din malalasing. Wag ganun. Ahaha
Mga 7pm na din nung pumasok na kaming KTV nag order lang din sina Yeni nang pang dinner bago mag iinum para may laman tyan kahit papaano. Nag si kainan na din kami nung dumating. At busog na naman mga tyan nang mga kargador. Ahahaha.
Nag simula ang inuman at kantahan. Hindi na muna ako sumali sa kantahan at nahihiya pa akong konti. Maya maya na siguro pag may tama na konti. Ahahaha. Pampalakas loob baga.
Ilang oras na din ang lumipas at nag simula na ngang malasing ang mga kasama ko. Nag si sayawan na nga ang iba habang ako tawa lang din nang tawa.
"Hoy ante kanina ko pa napapansin tawa ka lang nang tawa jan. Wala ka bang talent. Kanta ka nga dali." Si Beka na halatang lasing na.
"Teka saglit lang naman kasi. Pina una ko lang kayo may talent ako. Ahahaha"
"Oo talent mong bakuran si Chocol kahit nililigawan ka na. Hahahaha" dagdag niya.
Sira ulo talaga. Bat ko ba naging kaibigan to? Bat ba nag click agad kami simula pa lang? Takang tanong ko sa sarili ko.
"O sya akin na at kakanta ako. Sasayaw din ako tamo talaga."
Pumindot ako nang pwede kong kantahin yung pwede ko ding sayawin. Mukhang mapapalaban ako dito ah. Hahaha. Buti na lang nakapag shot na ako. Haha
"Okay guys makinig nang mabuti. Kung gusto niyong sumayaw sabay lang kayo sa akin." Sabi ko sa kanila habang nag P-play nang kanta.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomantikSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...