PART 26 - MERRY ANG CHRISTMAS

494 9 2
                                    

HAECHI'S POV:

Hiiiii ulit. AHAHAHA

Sinadya ko talagang sweet music ang ipatugtog ngayon pag ka tapos nang masayang exchange gift namin. Tumayo ako at inaya si Miki na sumayaw. Habang nag lalakad pa puntang stage ay dina anan ko si George at binulungan.

"Ayain mong sumayaw si Maya pards." Bulong ko sabay kindat sa kanya.

Hindi naman ako nag ka mali dahil tumayo nga naman si George at inaya si Maya na sumayaw saglit. Tinignan ko si Chocol nang hindi niya pansin. Naka kunot na ang noo at titig na titig kina Maya at George.

Sinadya ko yun dahil gusto kong makita kung ano ang reaction niya. Kanina nung hindi siya pinansin ni Maya ay nakita ko ang lungkot sa mata niya. Pero mas na aawa kasi ako kay Maya. Tsk

Hindi ganito ang Chocol na nakilala namin ni Yeni. Pina pahalagahan niya ang kung sino mang tao na naka ka apriciate sa kanya pero ngayon parang nag iba kasi siya. Hindi lang namin alam kung dahil ba to sa ex niya basta ang alam lang namin ay nasaktan niya si Maya.

Ilang beses na din naming naka sama si Maya at mga kaibigan niya. Everytime we see each other i can see in her eyes na may hinahanap siya lagi at na lulungkot ito pag di niya nakita.

Alam mo yung ang swerte na sana ni Chocol sa kanya pero binitawan niya pa. Kung di nga lang talaga kapatid ang turing ko sa kanya ako na ang manliligaw kay Maya.

Yes i like Maya more than friends. And no one knows about that even Yeni. I did'nt told her about whay i feel towards Maya.


Nagsasayaw na si George at Maya. Pinapanood lang sila ni Chocol. Napa ngisi ako nang alisin niya ang tingin niya nang humilig si Maya sa dibdib ni George na parang inaantok ito.


Nag selos ang gago. Kahit naman ako humigpit nang konti pagkakahawak ko kay Miki buti na lang hindi niya na pansin yun. Sino ba naman kasing hindi mag siselos sa porma nila. Tsk. Wrong move na damay pa ako sa selos.


"George exchange partner please." Sabi ko sa kanya.


"Sure." Abot niya sa kamay ni Maya sa akin.

"Tsk. Anong pakulo to ha Chi?" Tanong niya agad sa akin

"Uyy wala ah. Sinayaw ka lang eh!" Sabay ngiti sa kanya. "Antok kana ba?" Tanong ko

"Mejo. Na pagod din kasi ako sa pag luluto kanina. Tsaka maaga din kaming gumising kasi namili kami nang ipapanghanda." She explained


"Aahh. Kaya pala." Natahimik muna ako saglit. Nag iisip nang masasabi. " Ang galing mo kanina. Ang cool nang galawan mo. Ang angas panoorin. Tsk." Sabi ko sa kanya

"Tssss. Pero sabi ko nga hobby ko lang ang pagsasayaw Chi. Mag ka iba ang passion at hobby." Sagot niya sa akin


"Oo nga sabi mo bga diba. HEHEHE"


"Maya pano pag may nanligaw sayo? Mag papaligaw ka ba?" Tanong ko ss kanya


"Hindi ko alam Chi. Paarang ayoko muna kasing may manligaw hanggang hindi pa ako fully healed dito" Sabi niya sabay turo sa heart niya .



"Ayokong manggamit nang tao para kalimutan siya Chi. Mas gusto kong natural na nawala yung narardaman ko para natural din yung pagmamahal na ma ibibigay ko sa susunod na taong magiging parte nang buhay ko." Mahabang sagot niya habang naka ngiti.


Tama nga naman siya. Ang swerte lang ni Chocol dahil siya yung minahal ni Maya. At mas lalong ma swerte dahil kahit na sinaktan niya na si Maya ay mahal pa din siya neto hanggang ngayon.


Hindi naman talaga ako galit kay Chocol. Na iinis oo pwede pa. Gusto ko lang talaga siyang turuan nang leksyon para magising. Kung pwede nga lang head banging hinead bang ko na eh. AHAHA


CHOCOL'S POV:

Nandito ako ngayon malapit kung saan si Chi at Maya. Narinig ko din ang usapan nilang dalawa. Gustong gusto nang sabihin kay Maya ang totoo pero hindi ko alam kung paano.


Lumapit ako sa kanilang dalawa at tinapik sa balikat si Chi. Mag lalakas loob na lang akong isayaw siya ngayong gabi. Nilingon ako ni Chi gayon din si Maya na tumayo nang tuwid nang makita ako.


"Pwede ba kitang isayaw Maya?" Hindi pa man siya nakakasagot ay binigay na ni Haechi ang kamay ni Maya sa akin na agad ko din namang kinuha.



"Merry Christmas Maya" sabi ko sa kanya


"Merry Christmas din Choc" sagot niya. Ngumiti ako sa kanya. Na miss ko talaga siya. I wanna hug her tight.


"Kamusta ka?" Gulat akong napatingin sa kanya nang mag tanong siya ngunit naka bawi din ako agad.


"Okay lang naman. Ikaw ba?" Balik kong sagot sa kanya.


"Okay lang din naman. Pagod nga lang sa dami nang ginawa namin kanina." Sagot niya naman.


"Akala ko hindi mo na ako kakausapin. Masaya ako na maisayaw ka ngayong gabi."

"Pasko naman Choc. Pero sino ba naman ako para hindi ka kausapin. Ang akala ko nga ay hindi ka na makakarating pero andito ka kahit late na. Masaya akong andito ka." Mahabang sabi niya habang naka titig sa akin.


"Maya i just want to say sorry for everything. Sorry kung nasaktan kita hindi ko sinasadya." Hining tawad ko



"It*s okay Choc. Hindi naman natin hawak ang panahon. Hindi rin natin pweding i pilit kung hindi talaga pwede. Masaya na akong makilala at makasama ka sa personal." Ngumiti siya sa akin




"Closure na ba to?" Tanong niya habang natatawa pa. " Let's be friends Choc. Siguro naman kahit kaibigan ay p-pwede?" Tanong niya




Tumango ako at niyakap siya. Dahil kung hindi ko yun ginawa ay nakita niya nang tumulo ang akong mga luha. *Hindi ko deserve ang babaeng to Lord pero gusto kong ipilit na maging akin siya sa susunod mang mga buhay namin.*



MAYA'S POV:



Nang matapos ang tugtog ay bumalik na kami sa mga upuan namin. Ang haba nang araw na to para sa amin pero bilib pa rin ako sa mga kasama ko ang tataas pa rin nang mga energy.


Na patingin ako kay Chocol na nasa harapan ko lang naka upo. Namumugto mga mata niya. *Umiyak ba to habang nag sasayaw kami? Bakit hindi ko nakita? Bakit?* Tanong ko sa sarili ko.


Tumingin naman siya sa akin at nginitian ako. Naramdan niya siguro na naka tingin ako. Sinuklian ko lang din siya nang ngiti at nag iwas na nang tingin.



Wala naman na kaming ibang ginawa pa at nag usap usap na lang kung ano ang gagawin namin ngayong paparating na new year. Ngunit wala din namang naging sigurado dahil mga lasing na din kami.



Nang matapos ay nag kanya kanya na kaming pumunta sa mga kwarto namin at nag sipag tulogan. Mabuti na lang at wala pang trabaho mamaya kundi ay kami na siguro ang papalit sa casting nang train to Busan.


Nang maka pasok ako sa kwarto ko ay nag hilamos at sipilyo lang ako at nag palit na din nang damit. Humiga na ako sa kama at naka tingin na lang sa kisame.


*Tama naman siguro yung alok ko sa kanya kanina. Hindi rin ako makaka move on kapag nag kimkim pa ako nang sama nang loob sa kanya.* sa isip isip ko. Hindi ko na din namalayang naka tulog na ako dahil sa pagod at sa na inum kong alak.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now