MAYA'S POV:
Pag ka labas namin nang kwarto at agad kaming nakita nang mga kaibigan ko. Yung mga tingin nila ay nanunukso. At nag papaluan pang pabiro ang mga to sa isa't isa. Pwera kay George na titig na titig kay Chocol.
"Kakauwi mo lang dito Maya ha na i kwarto mo na agad si Chocol. Mission accomplished ba?" Si Beka
"Pinag sasabi mo Beka? Bibig mo pasmado talaga kahit kelan. Umulan nang pagka lakas lakas kagabi kaya hindi ko na pina uwi si Chocol sa kanila dahil delekado na masyado. Pagod din yan kahapon dahil siya ang nag sundo sa amin nila Yeni at Chi sa airport. Bibig mo talaga." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Tsaka hindi naman to ang unang beses na nag tabi kaming matulog ni Chocol ah. Ma issue ka kahit kelan." Dagdag ko. Na tawa namn sila sa sinabi ko kaya tinignan ko sila nang masama isa-isa.
"Deffensive masyado teh? HAHA. All we know balik na ang saya mo dahil makakasama mo nang matagal si Chocol this time dahil wala nang asungot na sisira sa inyo." Si Mini
"I-isang linggo lang ako dito guys. Uuwi din ako agad next week dahil hindi ko pwedeng iwan nang matagal ang negosyong na itayo ko habang nasa Pinas ako. Sorry." Naka yuko kung sabi sa kanila.
"Haaaaa? Pano yan eh may trabaho na kami sa monday? Di hindi din pala tayo makakapag bonding?" Si Miki
"Na i pag paalam ko na kayo kay Mr. Cho. Pinag bigyan niya ako. Sa Myerkules na daw kayo babalik nang work. With pay din yung absense niyo for how many days kaya makakapag bonding pa din tayo." Sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"Talaga? Ayy bet ko yan. Oh ano pa inaantay natin? Mag handa na tayo nang masimulan ang bonding nang maaga. Saan ba tayo ngayon ha Maya?" Si Ena
"Pupunta sana tayo sa Nami Island ang kaso at tanghali na kaya mag papabook na lang ako nang hotel malapit doon para bukas nang maaga ay maka tawid agad tayo papuntang Nami." Sabi ko sa kanila. Nakita ko ding nag liwanag ang mga mukha nila sa sinabi ko.
"Wooow. Nami Island talaga? Nasa bucket list ko pa naman ang lugar na yan. Tsaka siguradong maganda pa rin duon ngayon dahil nasa kalgitnaan pa lang naman nang Spring season. Ayy nakaka excite naman." Si Beka.
Ngumiti ako sa kanila. Lahat naman sila ay masaya. Nag si alisan na din sila agad para gumayak at mag handa nang mga dadalhin nila para sa aming trip nang sabihin kong nag text na si Yeni na papunta na sila ni Chi dito sa factory para sunduin kami. Habang si Chocol naman ay umuwi na muna para mag handa din nang dadalhin niya.
Hindi rin nag tagal ay dumating ang dalawa. Agad din silang lumapit sa akin at nakipag beso at yumakap. Nasasanay na talaga tong mga to.
Hindi rin nag tagal ay isa isa nang lumabas nang mga kwarto nila ang mga kaibigan ko. Handang handa na nga sila. Si Chocol na lang ang inaantay namin. Yes inaantay namin dahil isang sasakyan lang din ang dadalhin namin papunta so hotel.
"Hello pards. Asan ka na? Tagal mo naman ikaw na lang inaantay namin." Dinig kong sabi ni Chi. Tinawagan niya pala si Chocol.
"Oh sige bilisan mo at mag aalmusal pa tayo. Oo baka sa daan na lang siguro take out na lang. Oh sige sige ingat." Dinig kong dagdag niya pa bago ibaba ang phone.
"Bakit ba kasi late yun. Na tagalan ba yung umuwi kagabi Maya? Bakit parang tinanghali pa ata nang gising ang isang yun?" Tanong ni Yeni.
Sasagot na saba ako nang si Beka ang sumagot. "Naku Yeni. Hindi naman kasi umuwi yun no. Ngayong nang umaga umalis yun tabing natulog ang dalawang yan. Ewan ko na lang kung may ginawa pa ang mga yan bago mag situlog." Sulsol talaga tong baklang to.
"Huyy! Beka yung bonganga mo talaga apaka pasmado. Issue ka masyado beks." Sabi ko bago mag paliwanag kay Yeni.
"Ahh! So tabi nga kayong na tulog?" Paulit na tanong ni Yeni. "Oo na para sa ikakasaya niyo. Tukso pa more" inis na dagdag ko at nag si tawanan na nga silang lahat. Pati si Chi at George. Walang exempted.
Maya-maya lang ay dumating si Chocol na hindi pa man nakakahila sa dala niyang maleta ay sinalubong na nang mga kaibigan niya nang tukso. Kesyo tabi kaming na tulog. Nag ka aminan na ba daw kami ulit. Kami na ba daw. Andaming nilang tanong isa doon ay wala kaming sinagot. HAHAHA. Bakit ba p celebrity ganun.
Nasa daan na kami ay ganun pa din sila. Wala atang plano tumigil ang mga to kaka alaska sa amin. Tsk. Buti na lang ay nag salita si George na bumili muna daw kami nang maka kain dahil gutom na siya at hindi pa kami nag aalmusal lahat.
Napag desisyonan namin na tumigil muna sa 7/11 para doon na lang kami mag grocery nang dadalhin namin at kakainin habang nasa daan. Kanya-kanyang supot pag labas nang store. HAHA.
Pag pasok ko sa kotse ay nakita kong nasa may bintana si Chocol habang naka lean ang ulo sa salamin. Inaantok pa talaga to. Kinulang ata yung tulog niya. Tsk. Umupo ako sa tabi niya at ginising para kaka kain nang almusal na binili ko. Madami binili ko pang apat na tao para may extra pag nagutom ulit.
Nagising din naman agad siya at kinuha ang pag kain sa akin. Nag simula din agad siyang kumain. Kaming lahat actually. Naka balik na kaming lahat sa sasakyan. Hindi pa kami umaandar ulit. After namin kumain ay nag aya na ulit si Yeni na mag patuloy na kami. Pero bago yun ay nag palit muna kami ni Chocol nang upuan dahil alam niya daw na gusto kong nasa may bintana para makita ang labas.
Pero hindi nag tagal ay nalaman ko rin kung bakit niya ako pinalipat dahil gagawin niya lang palang unan ang balikat ko at bumalik siya sa pag tulog. Hinayaan ko na lang din naman siya. Habang ang mga kasama ko naman ay ma iingay at kinikwentohan nila ako nang mga nag yari sa kanila nung umalis ako.
May part na pa iyak na ako dahil na lulungkot ako. May part din na natatawa ako dahil sa mga kwento ni Beka. Pero habang tumatagal ang kwent nila ay napa ngiti ako nang sabihin nilang pa balik balik si Chocol sa factory para lang itanong kung may balita na ba sa akin.
Kahit konting balita lang daw. Isa din pala sa dahilan kung bakit hindi sinama ni Yeni at Chi si Chocol sa pag punta nang Pilipinas ay may tinapos pa etong klase niya. Sa tagal daw kasi netong hindi nag attend sa dance class ay tambak na ang trabaho niya.
Tinignan ko si Chocol na ngayon ay tulog sa balikat ko. Ang himbing nang tulog niya. Hinalikan ko din siya sa ulo bago alisin ang paningin ko sa kanya pero bago ko pa ma ibalik sa bintana ang mga mata ko ay tumama eto kay Chi. Naka ngiti lang siya sa akin. Alam kong nakita niya yung ginawa ko kanina. Ngumiti lang din ako sa kanya at tinanguan niya ako.
Alam ko na kung para saan ang tangong yun. Alam kong titigil na din si Chi sa ginagawa niyang panliligaw kuno sa akin. Hindi naman talaga inlove si Chi sa akin eh. Ramdam ko yun. Platonic love ang nararamdaman towards me. Kahit yung kay George alam ko yun. They treat me like a princess but i know they just do it cause they sees me as their sister.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomanceSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...