PART 18

501 9 0
                                    

CHOCOL'S POV:



Andito ako ngayon sa kwarto ni Maya. Kina-kausap siya kahit tulog.



"Mahal kita Maya. Mahal na mahal" sabi ko.


"Pero parang hanggang dito na lang siguro yung pagmamahal na nararamdaman ko sayo. May mga bagay na mahirap ipaliwanag Maya. Ayaw kong madamay ka pa sa mga mangyayari. Alam ko naman na ma iintindihan mo ako. Masayang masaya ako na nakilala kita. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung makita kita sa kauna unahang pagkakataon."



"Alam kong hindi mo naririnig lahat nang to pero gusto ko paring sabihin sayo. Huling beses na to Maya. Huli ko na tong kita sayo. Alam kong masasaktan sa bigla kong pag distansya sayo pero eto lang ang na iisip kong paraan para mas lalo kang hindi masaktan. "




"Kung darating man ang araw na magkita tayong dalawa ulit. Sana ako pa din. Gago na kung gago Maya pero sana ako pa din." Mahaba kong paliwanag sa kanya kahit na tulog siya.



After i confess to her. I was just watching her while asleep. She's like an Angel. Sleeping safe and sound. I really love this girl. Really.

*How could i forget you baby?* Tanong ko sa sarili ko.


Hinalikan ko siya sa may sintido niya bago tumayo at umalis. Hopefully you'll forgive me soon love. Hopefully.



MAYA'S POV:



Narinig ko ang pag sarado nang pinto. Umalis na siya. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kisame.


*What was that? I thought she love's me? Anyare? Bat nagka ganun? Ang sakit mo naman mahalin Choc.*


Kanina ko pa gustong umiyak pero walang luhang lumalabas. At ipinag papa-salamat kong ganun ang nangyari dahil kung hindi ay baka mag iyakan lang kaming dalawa dito.



Pero tang-ina ang sakit talaga. Bumangon ako at tumingin sa bintana. Nasa labas pa sila. Pero malayo na sa kwarto ko. Pa alis na din. Nakita ko pang kino-comfort siya ni Yeni at Chi. Umiiyak ata siya nakita kong yumugyog balikat niya at umiiling.



Gusto kong lumabas pero parang may pumipigil din sa akin. Wala sa sarili akong bumalik sa higaan ko at humiga ulit. Tinignan ko lang kung anong oras na. Madaling araw na pala. Kanina pa ba sila andito? Hindi na din ata ko makakabalik pa sa pag tulog neto.  Parang ayoko na din sumama mamaya. Gusto ko na lang dito sa kwarto at mag kulong. Hayss.




Pinikit ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Chocol na masaya at tumatawa. Parang bumalik yung mga araw na magkasama kami masaya at nag tatawanan. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha galing sa mga mata ko.



"Tsss. Hindi na ata kinaya nang mata ko ang bigat na nararamdaman ko. HAHA" para na akong buang na umiiyak at tatawa habang nakahiga at nag pupunas nang luha.




Ilang oras din ako sa ganung sitwasyon at hindi ko na pansin na naka tulog ako ulit. Na gising na lang ako nang gisingin ako ni Beka at Joyce.




"Bhe gising na baka mahuli tayo at maiwan ng bus." Si Beka. Alam ata niya kung anong nangyari kagabi. Hindi niya kasi ako padarag kung gisingin ngayon.




"Ante mas kailangan mo ngayon ang mag liwaliw. Wag mo munang isipin ang nagyari kagabi." Si Ena naman. May alam talaga tong mga to eh.



" Wala pa naman akong sinasabi bakit parang alam niyo ang nagyari kagabi?" Tanong ko sa dalawa.





"Maya kilala kita. Mababaw lang tulog mo konting kaluskos ay magigising na yun pa kayang sa ingay namin kagabi?" Paliwanag ni Beka





"Alam din namin na may hindi magandang nangyari. Harap ka sa salamin kahit di mo sabihin alam na namin sa mugto ba naman nang mga mata mo." Si Ena




"Oh siya bilisan mo nang mag ayos jan ayokong ngaragin ka dahil alam kong sensitive ka pa sa ngayon. Basta bilisan mo na jan para maka alis na tayo nag aantay na sina George sa labas. Antayin ka na lang namin dun." Mahabang sabi ni Beka




Nang lumabas na sila ay nag bumangon na din ako. Kumuha nang tuwalya, lumabas nang kwarto at nag puntang banyo para maligo.




Hindi din naman ako nag tagal sa paliligo at nag ayos na din agad. Nag lagay lang ako nang konting liptint nag lagay na din ako nang consealer para matakpan ang eyebags ko dahil sa pag iyak ko kaninang madaling araw.




Nang matapos ay lumabas na din ako sa kwarto para puntahan ang mga kasama ko. Ako na lang talaga ang inaantay nila. Nang makita nila ako ay agad na din silang nag sipag kuha nang mga gamit nila na dadalhin sa trip namin. Uuwi din naman kami mamayang hapon dahil ininvite nga kami ni Mr. Cho na sa kanila na mag hapunan. Yun din nga ang sabi ni Yeni kagabi sa text.




Nag focus lang ako sa trip namin. Nag pasalamat naman ako kahit papano ay nawala kahit saglit yung sakit na naramdaman ko kagabi. Pa uwi na din pala kami. Ang dami naming pinuntahan kanina kaya pawang mga pagod ang mga kasama ko. Tulog silang lahat ako lang ata ang gising at ang driver syempre.





Nasa daan na kami pa uwi nang mapansin ko ang sasakyan ni Yeni na naka park. Nag taka naman ako kung bat andito to eh mamaya pa kami pupunta sa bahay nila. Lalakin lang din naman namin kasi malapit lang naman sa factory.




Pansin kong malalim ang iniisip niya hindi ata kami napansin. Nag angat at ngumiti lang siya nang tawagin ko siya.


"Yeni bat andito ka?" Tanong ko sa kanya



"Oh hi Maya, hi Guys. Andito na pala kayo kumustang lakad niyo?" Bati niya sa amin



" Andito ako para sunduin kayo. Pinapasundo na kayo ni papa kasi. Hehe. Pero Maya okay lang ba nag mag usap muna tayo saglit?" Tanong niya sa akin




"Ah bakit? Sige tara." Sagot ko nman sa kanya





"Guys usap lang kami ni Maya saglit ah kung gusto niyo naman mag pahinga at mag ayos ay okay lang puntahan ko na lang kayo sa mga kwarto niyo mamaya." Sabi niya sa mga kaibigan ko at bumaling na ulit siya sa akin nang maka alis na sila.




"Tara dun sa coffee shop." Aya niya sa akin at sumakay na kami sa sasakyan. Malapit lang din naman ang coffee shop na sinasabi niya kaya dumating din kami agad doon at pumasok na.



Dumiretso si Yeni sa cashier para mag order habang ako naman ay umupo sa tinuro niyang bakanteng pwesto. Bumalik din naman agad siya. Tahimik lang din ang coffee shop wala masyadong tao dahil siguro Chusoek ngayon kaya ganito.





Umupo si Yeni sa tapat ko habang nag aantay nang order namin nang simulan kong buksan ang usapan.




"Ano pag uusapan natin Yeni? Bat dito?" Unang tanong ko sa kanya.




"Gusto lang sana kitang kamustahin Maya." Sagot niya



" Okay lang naman ko Yenitot." Sagot ko sabay ngiti



"Alam kung hindi ka okay. It's okay not to be okay Maya. Nasabi din ni Beka sa akin kagabi na mababaw lang ang tulog mo kaya alam niyang gising ka kagabi habang nag sasalita si Chocol. Alam kong narinig mo lahat nang sinabi niya sayo." Mahabang sabi niya




Tumango ako bago nag salita. " Narinig ko lahat Yeni. Hindi ko man maintindihan lahat kung bakit niya nasabi yun kung ano ang tunay na rason ay hindi ko alam. Ang na intindihan ko lang ay ang sinabi niyang mahal niya ako pero hindi kami pwede. Mahal namin ang isa't isa pero pina pakawalan niya ako. Hindi pa kami nag sisimula pero na iwan na ako sa ere. Yun ang malabo pero ayoko din naman na kwestyonin siya dahil ayoko na ding ma dagdagan pa ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko. Tama na yung sa narinig ko kagabi." Mahabang sabi ko sa kanya habang naka tingin sa labas nang coffee shop.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now