PART 17

385 4 0
                                    

Lumipas ang mga araw na nakakatanggap pa ako nang messages galing kay Chocol. Nangungumusta ganun. Hindi naman nagiging mahaba ang pag uusap namin dahil busy din ako sa trabaho. Focus sa goal ganurn. HAHAHA




Habang tumatagal ay panaka naka na lang ang natatanggap kong mensahe galing sa kaniya. Nag uupdate pa rin naman pero mukhang busy na din siya sa kanilang dance classes. Nasa iisang bansa lang kami parang hindi nag papang abot oras namin.




Break time namin ngayon at naka pabilog kaming upo nang nga kasamahan ko nang biglang nag salita si Beka.



"Ante wala tayong ganap? Ilang buwan na din yung huli nating gala ahh. Nakaka gala naman tayo pero iba parin yung kasama natin sina Yeni and friends." Ginawang barnie and friends lang ang peg.HAHA




"Busy na ata sila Beks. May mga dance classes na silang hina-handle di ko din alam kulng kelan ang free time nila."



"Ayy mga ante Chusoek is coming to town na. Isang lingo din tayong tenga anong mga plano niyo? Uwi ba kayong pinas?" Tanong ni Mini




"Naku hindi muna siguro. Yung ibibili ko nang ticket ay ipapadala ko na lang sa pamilya ko." Sagot ko sa kanya na sinang-ayunan nman nang iba.



"Gala na lang siguro tayo. Sama tayo dun sa nag t-tour magpaka tourista muna tayo kalimutan muna natin na trabahador tayo. HAHAHA" sabi ni Mini



"Pwede din naman. May nakita akong poster sa labas nag aalok nang tour package i try natin?" Si George



"Hoy baka ma scam tayo ah. Pero kung may hustisya naman yung sinisingil na bayad ay gora na tayo." Sabi ko sa kanila



Yun lang ang napag usapan namin hanggang sa matapos ang breaktime namin. Mamaya na lang ulit kami mag uusap after work.




Last day na namin ngayon sa trabaho. Chusoek na simula bukas. Thanks giving pala sa english ang Chusoek at long weekend holiday yun dito sa SoKor. Walang trabaho nang isang lingo. Naka set na din yung plano namin magkakaibigan. Punta na lang kami mamaya sa 7/11 para maka bili nang madadala namin bukas. Ang aga din kasi nang call time. Tsk




Natapos kami sa trabaho. Walang over time pero okay lang naman kasi naka 25 days din nman kaming may OT. Pam bawi sa isang lingong walang pasok. Ahahaha



Nasa kwarto ako ngayon naka higa lang. Kakauwi lang namin galing 7/11 . Tapos na din akong mag handa nang dadalhin ko bukas. Pansin kong ilang lingo na din pala na wala akong na tanggap na message galing kay Chocol. Kumustahin ko kaya? hehe



*Ma chat nga* sabi ko sa sarili ko



To :CHOCOLOVES🧡

6:00 PM
Advance happy Chusoek Choc :) may plano ba kayo bukas?




Nag aantay lang ako nang reply niya kaso ilang oras na ang lumipas wala parin. Busy ata.



To: YENITOT😂

6:05 PM

Yenitot hi. Advance happy Chusoek. May gagawin kayo bukas? Kasama mo ba si Choc? HEHE"



From: YENITOT😂

6:07 PM

Uyy PutoMaya wala naman bakit? HAHAHA. Uwi ako mamaya jan kela papa at mama kita tayo bukas.




TO: YENITOT😂

6:10 PM

Maka putoMaya to ano ko kakanin? Ganun ba? Ingat sila este ikaw pala. Ingat sa byahe :)) ikaw lang ba uuwi?



I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now