PART 39

422 5 0
                                    

CHOCOL'S POV:

Kanina pa ako tahimik dito sa gilid habang nag uusap sina Tita at Maya. Nandito kami ngayon sa hapag-kainan. Inaantay na lang namin si Tito para sabay na kaming kumain.



"Naku. Magiging proud ka sa kanya kapag nalaman mo Mama." Dinig kong sabi ni Yeni.


"Bakit?" Tanong ni Tita



"Ako po ang may ari nang korean resto na kinainan ni Yeni Mama. Simula po nang umuwi ako nang Philippines ay sinimulan ko agad yung restaurant para magka income kahit papano." Naka ngiti niyang sagot kay Tita.



Wow. May sarili na siyang restaurant sa Philippines. Nakaka proud nga naman. *Hindi ko alam na may pagka business minded pala tong si Maya* sa isip ko. Napa titig ulit ako sa kanya. Na miss ko yang mga ngiti mo. Miss na miss kita Maya. Sana ako pa rin.



Hindi ko na pigilang tignan si Haechi. Alam kong may gusto siya kay Maya inamin niya sa akin yun bago sila umalis papuntang Pilipinas.




*FLASH BACK*

andito kami ngayon sa isang bar. Nag ka yayaan lang. Sumama na din ako para maka hinga naman saglit. Sa dami din nang nangyari ay hindi ko na ma alala kung kailan yung huling inum namin magkakaibigan.



Nalaman kong umalis si Maya at umuwi sa Pilipinas. Hindi man lang nag paalam. Isa din yun sa rason kung bat ako sumama dito sa bar hindi para mang chix kundi para mag paka lasing yun nga lang ay etong so Haechi naman ang lasing na lasing na.



"Pards. Mahal mo ba si Maya?" Tanong niya



"Mahal na mahal pards. Hindi ko nga alam kung kelan nag simula eh. Siguro nung nag kita talaga kami personal doon ko na pag tantong mahal ko talaga siya. Pwde pala yun no?" Sagot ko sa kanya



"Eh pano kung sabihin kong mahal ko din siya pards magagalit ka ba?" Sagot niya na ikinagulat ko.




"Kahit anong pigil ko pards ayaw talaga eh. Sorry ah. Alam ko namang story mo to pero ewan ko ba." Dagdag niya




"Alam ba ni Maya ang nararamdaman mo?" Tanong ko



Tumango siya sa akin. "Anong sabi niya?" Tanong ko ulit



"Secret. HAHAHA. Akin na lang yun pards." Tatawa tawang sagot niya. Ra ulo talaga



"Binasted kaba pards?" Sabat ni Yeni sa amin



"Secret nga eh. Inum na lang tayo ulit" alok niya sa amin.

*END OF FLASH BACK*


Boses ni Tito ang nag pagising sa akin mula sa pag iisip nang malalim.


"Maya! Buti at naka balik ka na." tito



"Mr. Cho kumusta po?" Naka ngiti niya na namang tanong.



*Don't smile too much mahal. Hulog na hulog na ako dito*



"Okay naman ako. Hinahanap hanap kana nang pwesto mo sa factory. HAHAHA" naka tawang sagot ni tito



"Naku Tito malabong bumalik yan sa factory. Isang linggo lang po siya dito bakasyon lang po." Sagot ni Chi




"Ganun ba? May pinagkakaabalahan ka na ba sa Pilipinas iha?" Tanong ulit ni tito sa kanya




"Meron po Mr. Cho. Nag tayo po ako nang Korean restaurant sa bayan hindi ko naman po inaasahang papatok at ba balik balikan nang mga customer po." Sagot niya




"Ganun ba? Aba ay nakakatuwa naman kung ganun!" Sagot ni tito




"Mr. Cho gusto ko po sanang mag pasalamat sa inyo. Kung hindi po dahil sa inyo ni Mama ay wala po akong restaurant ngayon. Nang dahil pa sa inyo ay naka pag ipon po ako nang pera panimula nang negosyo. Sayo din po Mama thank you kasi tinuruan mo po akong gumawa nang masasarap na side dishes. Iyon po talaga ang bina balik balikan nang mga tao." Mahabang saad ni Maya





"Naku iha. Wala yun pinag paguran mo yun kaya masaya kami na may naitayo kang negosyo sa inyo." Si tito




"Maya anak. Alam mo ba kung bakit kita tinuruan kung pano gumawa nang mga side dishes dati? Kasi nakikita ko sayo ang pag pupursige mo. Napaka sipag mo din. Tsaka masaya kang turuan kasi alam kong magagamit mo yun dahil mahilig kang mag luto." Si Tita




Ngumiti si Maya sa mag asawa. Ako naman ay nangingiti rin sa kanya. Hindi ko na pansin na lumipat pala nang upuan si Yeni. Bigla niya akong siniko.




"Pards matutunaw na yan. Kanina mo pa tinititigan." Bulong niya sa akin.



"Sira ulo ka. Hindi ako naka titig nakikinig ako sa usapan nila." Patay malisya kong sabi



"Sige lang sabi mo eh. Kanina pa kita tinitignan." Sagot niya




"Nag selos kaba kanina sa ginawa ni Chi ha pards?" Taas baba pa yung kilay niya habang nag tatanong




"Anong selos? Bakit? Saan ang nakaka selos doon?" Sagot ko




"Sige lang. Deny mo pa. Mas lalo kang ma uulol diyan kapag nalaman mo pinag gagawa ni Chi at Maya sa Pinas. HAHAHA." Sagot niya sa akin




Anak ka talaga nang kagang pards. Selos na selos na nga yung tao dadagdagan pa. Tsk. Tinignan ko lang siya nangasama at tumawa pa nga siya. Langya talaga.





"Alam mo ba pards boto ang tatay ni Maya kay Chi. Hindi ka kasi sumama ayan tuloy." Sulsul na naman ni Yeni sa akin.





"Talaga ba? Oh di pag sumama ako kawawa na si Chi hindi na mapapansin ni Maya at ni Papa." Sabi ko sabay ngiti nang maangas sa kanya.



"Naaaaaaay. Apaka hangin pards. Muntik na akong madala. Confident ka masyado na magugustuhan ka nang Papa ni Maya. Tsaka anong papa. Mapang angkin ka masyado." Mahabang sagot niya.



Pasmado talaga bibig mo Yeni. Sarap i tape.



"Pero pards. Ihatid mo si Maya mamaya sa factory. Hindi na kami sasama ni Chi para magroon kayo nang time na mag usap. Kausapin mo at humingi ka nang tawad. Ipakita at iparamdam mo naman na mahal mo siya. Ang hina mo talaga. Tsk". Dagdag niya pa.



Ngumiti ako sa kanya at agad na tumango. Pag sang ayon ko sa sinabi niya. Eto na siguro yung time ko. Hindi na ako sigurado kong ako pa rin Maya pero pangako kong gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako ulit kasi ako lubog na lubog na hindi na maka ahon pa.



Ilang oras pa ang ginugol namin sa bahay nila Yeni. Umalis kami mga alas onse na din nang gabi. Napahaba ang kwentuhan. Ewan ko nga ba may bukas pa naman. Ayaw pa awat lalo na si tita. Kitang kita ko kung gano niya ka miss si Maya.




Nag aya na si Maya na umalis na dahil gusto niya na daw mag pahinga. Alam niya ding tulog na ang mga kaibigan niya nang ganitong oras dahil sa pagod lalo pa nang malaman niyang may over time sila kanina.




Nang nasa daan na kami ay tahimik lang siya. Tingin naman ako nang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya kausapin. Tsk.



"Maya pwde ba tayong mag usap?" I broke the silence.



"Hmm. Oo naman. Ano ba yun?" Sagot niya



"I-im sorry for everything Maya. Sa pag iwan sayo sa ere. Sa hindi ko pag punta kada masangkot ka sa disgrasya. Sa hindi pag pigil sayo nung umalis ka. Sorry if i was'nt there when you needed me the most." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now