PART 19

504 7 0
                                    

YENI'S POV:


Andito kami ni Maya sa coffee shop ngayon at nag uusap. Hindi talaga ako inutusan ni papa na sunduin sila at sinadya kong puntahan siya para maka usap tungkol sa nangyari kagabi.




" Narinig ko lahat Yeni. Hindi ko man maintindihan lahat kung bakit niya nasabi yun kung ano ang tunay na rason ay hindi ko alam. Ang na intindihan ko lang ay ang sinabi niyang mahal niya ako pero hindi kami pwede. Mahal namin ang isa't isa pero pina pakawalan niya ako. Hindi pa kami nag sisimula pero na iwan na ako sa ere. Yun ang malabo pero ayoko din naman na kwestyonin siya dahil ayoko na ding ma dagdagan pa ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko. Tama na yung sa narinig ko kagabi." Mahabang sabi niya habang naka tingin sa labas nang coffee shop.



Tinignan ko lang siya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Namamaga din ito. Parang galing iyak.




"Mahal ka nang kaibigan ko Maya. Nakita ko kung pano siya ngumiti ulit dahil sayo. May mga bagay lang talaga na nahihirapan siyang sabihin yun sayo kaya mas pinili niyang bitawan ka na lang pero alam kong babalik din nman siya. Antayin mo lang." Mahabang paliwanag ko sa kanya



Ang hirap mo naman kasi ipag laban Chocol. Taena ka talaga pards. Kung di lang dahil sa pagkakaibigan natin hindi ko kakausapin si Maya at papaliwanagan. Bahala ka sa buhay mong mag dusa. Tsk




"Hanggang kelan yun Yeni? Sabagay sino ba naman ako para seryosohin? Sikat kayo. Kilala sa buong mundo to be specific. Hindi kapani- paniwala na ang isang Chocol, syota nang lahat nang babae sa pilipinas ay magkakagusto sa akin?" Natatawang saad niya pero alam kong tinatago niya lang ang sakit na nararamdaman niya.




"Hindi ko alam kung paano ipa liliwanag sayo Maya. Wala din ako sa lugar na sabihin kung bakit nagka ganun kayo ni Chocol pero isa lang ang masasabi ko. Mahal na mahal ka niya Maya. Wala man siyang ipinangako sayo pero alam kong tutuparin niya yun pag dating nang araw."




Wala na akong na rinig na sagot sa kanya. Tumango lang siya bago humigop nang kape niya. Nang matapos ay umalis na kami agad at sinundo ang mga kaibigan niya para sabay na kaming pumunta sa bahay at mag hapunan.




Wala si Chi at Chocol sa bahay dahil umuwi sila sa kani kanilang mga pamilya. Jan lang din nman sa malapit mag kapitbahay nman kaming tatlo. Alam kong pupunta yun dito mamaya.



Kahit nman papaano ay magaan ang naging hapunan namin. Chikahan at tawanan lang. Nakikita ko naman na ngumingiti si Maya sa pag papatawa ni Beka pero hindi na gaya dati na nag binabara niya at nag babardagulan silang dalawa.




Matapos naming kumain ay nag presenta sina Maya na sila na ang mag huhugas nang mga pinag kainan namin. Kasama niya sina Joyce, George at Mini habang kami nina Beka at Miki ay nasa labas lang, sa may kubo naka tambay habang may alak sa mesa.



Habang nag aantay kina Maya ay siya namang pag dating nina Chi at Chocol.



"Pards andito lang pala kayo. Hi Beka Hi Miki." Si Chi na binati din ang dalawa



"Oh hello naman sa inyo mga poganda. Choc kumusta?" Si Beka




"Okay lang nman Beka. Siguro? Di ko alam. Ahahaha." Sagot ni Chocol




"Ayy andun si Maya sa loob Choc. Gustong madami ginagawa para hindi maka pag overthink. Kaya ayun nginarag ang natitirang lakas para borlog na agad pag dating nang bahay." Si Miki




"Ahh ganun ba. Balik na lang siguro ako mamaya pards pag naka uwi na siya. Ang awkward naman kung parehas kaming andito."




"Dito ka lang. Nag usap na kami kanina. Okay lang nman daw siya sabi niya." Ako




"HAHAHA. Oo okay lang yun. Umiyak nga kanina sa bus akala niya siguro tulog talaga kaming lahat nung papauwi na kami kaya okay lang yun." Si Beka




"Kaya pala maga mata nang titigan ko kanina." Ako




Inaasar lang namin si Chocol nang lumabas sina Maya galing kusina. May dala pang alak at pulutan pa nga. Nakita kong napatingin siya kay Chocol na agad din naman niyang inalis ang tingin at nilipat kay Chi.




"Hi Chi. Dito kana pala. Kumain kana? May pagakain pa sa loob kuhanan kita?"



"Wag na Maya. Tapos na kaming kumain sa bahay. Andito lang talaga kami para uminom at maka pag bonding sa inyo." Sagot ni Chi sa kanya




Tahimik lang si Chocol na nakikinig sa kanila. Si Maya naman ay parang walang nakikitang Chocol sa harapan niya. Nag simula na kaming mag inuman. Habang lumalalim ang gabi ay nalalasing na din kami. Buti na lang at walang bagong trainee si papa pwede ng matulog dito sina Maya at bukas na umuwi sa Factory. Hindi ko na din kaya pang ihatid sila pa uwi dahil lasing na din ako.




GEORGE'S POV:


Hi I'm George. First time may pov. Salamat author. Ahaha



Andito kami kina Yeni ngayon nag iinuman. Dito din kami nag hapunan ininvite kami ni Mr. Cho. Pinapa nuod ko lang silang mag inuman. Na inum din naman ako pero di nila napapansin na minsanan lang kung tungain ko ang bote nang beer.




Lasing na silang lahat. Pati si Maya ay lasing na din. Tsk. Ano ba kasi ginawa ni Chocol dito at ganto to. Lasing na lasing. Ayaw tumayo at mag papawis kanina ko pa siya pinipilit. Kilala ko tong babaeng to mataas ang alcohol tolerance neto pag pawisan lang din ay mawawala na ang lasing pero ngayon naka upo lang at di man lang tiningnan si Chocol kahit saglit. Habang si Chocol naman ay titig na titig dito.





Nakita ko din si Maya na umiiyak kanina sa bus. Kami kasi ang magka tabi kaya kitang kita ko nung suminghot siya at nag papahid nang luha.




Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Maya enough. Lasing kana ayaw mo bang mag lakad lakad para pag pawisan ka?" Tanong ko sa kanya




"Sasamahan mo ba ako George?" Tanong niya rin




"Oo nman tara. Baka kung mapano ka pa sa daan kapag ikaw lang mag isa."




"Tara." Ayun buti at na pilit ko din.




Napa tingin ako sa mga kasama ko. Mag papaalam sana ako baka hanapin kami kaso wala may mga sariling mundo. Kanya kanyang usap at tawa nman tong mga to. Dumako ang tingin ko kay Chocol naka sunod yung tingin niya sa amin at nag landas ang titig niya sa kamay ko na hawak sa braso si Maya. Inantay kong bumalik sa akin ang mata niya para matangoan ko kaso wala. Yumuko lang siya kaya inakay ko na si Maya pa alis.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now