PART 31

404 5 0
                                    

MAYA'S POV:


Ilang araw na ba kaming andito lang sa bahay? Na buburyo na kami. Simula kasi nung pumunta si Yeni dito para sabihan kami na pina pa nood daw kami ni Monique ay hindi ka kami masyadong nag lalabas. Ayoko din naman na may mangyaring masama sa mga kaibigan ko.




Pero ngayong araw yata ay buryong-buryo na kami kaya naman sinabihan ko silang lahat na gumala kami kahit ngayong araw lang. Wala din naman kaming mga trabaho dahil day off namin lahat magka kaibigan.




Tinawagan ko naman si Chi para ipa alam ang plano namin. Nung una ay ayaw pa niyang pumayag at delikado daw pero sabi ko naman ay marami kami kaya pumayag na lang din sya. Hindi din naman kami b-byahe sa malayo. Mag k-ktv lang naman kami sa may labasan.




Andito na kami sa ktv bar naka VIP room din kami kaya okay lang. Nag kakasayahan kami sa loob na parang walang problema. Hindi ako uminon nang marami dahil alam kong mag lalasing ang mga to ngayon.



"Okay ka lang ba Maya?" Tanong ni George sakin.



"Okay lang ako George. Bakit hindi ka sumali sa kanila? Nag nalalasing na sila oh."




"Ayokong uminum nang marami tutulungan kita sa pag bitbit nang mga yan mamaya." Sabi niya sabay tawa




"Buti naman at na isip mo yan. Hindi ko kayo kakayanin lalo pat mag lalakad lang tayo pa uwi."




"Kaya nga pa konti konti lang din ang iniinum ko. Pero ikaw ba ayaw mo talagang mag saya kahit ngayon lang? Iwan mo muna sa labas yung problema mo." Sabi niya sa akin




"Hindi ko din kasi mapigilan George. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko. Ang ikina tatakot ko ay yung baka madamay kayo sa gagawin ni Monique sa akin. Hindi ko kakayanin kung mangyari yun." Ilang linggo ko na ding iniisip yun. Hindi ma wala wala sa utak ko. Mas natatakot pa akong may mangyari sa kanila kaysa sa akin. Ayokong madamay ang mga kaibigan ko.



"Kaya naman namin ang mga sarili namin Maya. Ikaw nga lang din ang iniisip mo. At tama sina Yeni at Haechi na wag kang hahayaang mapag isa." Sagot niya




"Sinabi ko kay Yeni na uuwi na muna ako sa Pilipinas. Ayaw naman niya. Ewan ko ba dun. Tsk"



"Alam mo kung bakit ayaw niyang umuwi ka? Dahil alam niyang kahit umuwi kapa sa pamilya mo ay susundan at susundan ka pa rin ni Monique. Walang mag babantay sayo sa inyo hindi gaya dito. Andito kami kaya ka naming bantayan 24/7." Mahabang sabi niya.


Natahimik ako sa pahayag niya. Bakit ba ang swerte ko sa mga tanong naka paligid sa akin? Kahit na hindi ako swerte sa lovelife eh swerte naman ako sa mga kaibigan ko. Tinignan ko sila Beka na nag kakantahan pa rin. Lasing na ang mga to. I uuwi ko na to maya maya 




Inaya ko na si George na umuwi. Inaya niya na din ang iba pa. Inalalayan ko naman sina Miki at Mini papalabas. Pa hinto hinto nga kami dahil hindi na nila kayang maglakad pa. Tsk iinum inum nang marami hindi naman kaya. Ay nako talagang mga batang to.





Inalalayan ko na ulit ang dalawa para maka tayo. Nang tignan ko ang stop light ay nag naka ilaw na ang signal  na pwde nang tumawid. Na una din sina George sa kabilang daan dahil na abutan kami kanina nang go signal.



Habang papatawid ay hindi ko na kitang may kotseng humarurot pa punta sa amin. Na rinig ko lang na tinawag ni George ang pangalan ko at sa bigla ko ay itinapon ko si Miki at Mini sa tabing daan para hindi ma sagasaan nang kotse.




Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kahit anong bantay pa nila sa akin hindi pa rin titigil ang taong nasa likod neto. Gusto talaga akong patayin. Tsk.



Na isip ko pa yun kahit hindi na ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Nasisilaw din ako sa ilaw nang dalawang kotse. Oo dalawa. Sinisigurado talaga ni Monique na mawawala ako sa mundong to.



Habang nag aantay na ma bundol ako ay naramdaman kong may humila sa akin papalayo. Ramdam ko din ang pagkakayakap niya sa akin. Nag pa gulong gulong kami sa daan habang magka yakap. Nang ma tigil ay tinignan ko kung sino.




"HAECHI!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Naka dagan pa rin siya sa akin.



"Chi okay ka lang ba? Bakit mo ginawa yun?" Tarantang tanong ko sa kanya.




"Okay lang ako Maya medjo masakit lang yung paa ko." Naka kunot noong sabi niya. Alam kong may iniinda siyang masakit.


Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at umupo. Tumayo na din ako para ma tignan siya. Lumapit na din si George sa amin at humingi nang tawad dahil hindi niya ako na i ligtas.



"Okay lang George. Alam kong nabigla ka lang din kaya hindi ka agad naka takbo sa akin."




"Chi okay ka lang ba talaga? Saan ang masakit?" Tanong ko pa rin sa kanya. "George please call a cab. I need to bring Chi to the nearest hospital para mapa tignan siya. Paki bilisan ah salamat."




Nag madali naman si George mag hanap nang taxi. Nang maka kita siya ay agad niya akong tinulungan ma isakay si Chi sa likuran. Nag habilin rin ako sa kanya na mag hanap pa nang isang taxi na masasakyan nila para ma i sakay at ma i uwi ang iba pang kaibigan namin sa bahay.





Habang nasa daan pa puntang hospital ay biglang namilipit si Chi sa sakit. Nataranta ako kaya sinabi ko sa driver na bilisan ang pag mamaneho.




Nang maka rating nang hospital ay agad naman inasiko nang mga doctor si Chi habang ako ay nasa labas nang examination room nag aantay sa kanila. Tinawagan ko din si Yeni. Papunta na daw siya dito para samahan ako.






Lumabas ang doctor at agad akong nag tanong kung kumusta ang kalagayan nang kaibigan ko.




"Doc how's the patient? I'm her guardian po." Agad kong tanong sa doctor





"She's okay now though her left leg is injured but she's fine now." Sagot niya sa akin




"What kind of injured doc? Will it be healed fast? She's a dancer doc." Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya



"Don't worry miss. She'll be fine. She should just rest for a week then she can go back to dance again." Naka hinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko masama ang lagay niya dahil sa pamimilipit niya kanina sa taxi. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring hindi maganda kay Chi.





I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now