December na at winter na din. Snow is anywhere to be found. Ilang araw na lang pasko na. Mukhang walang plano tong mga kaibigan ko ah. Kausapin ko nga mamaya.
Isang buwan na ang lumipas mula nung nakita ko ang post ni Amy sa SocMed. Simula din noon ay hindi na ako nag bukas mang IG at Twitter ko. Pahinga muna sa sakit. Ganun.
Sabado ngayon at katatapos lang din nang trabaho namin. Hinanap ko sina Beka para sana mapag usapan ang ganap namin ngayong darating na pasko at bagong taon. Nakita ko sila sa canteen ako na naman ang wala ahh.
"Oh andito pala si workoholic brokenhearted girl eh." Si Beka
"Bat andito kayong lahat? Di niyo ko tinawag o text man lang. Nakakatampo na kayo ah!"
"Aba. Siya pa may ganang mag tampo. Tignan mo kaya phone mo di yung tatampo agad. Kanina pa kami tawag nang tawag at text nang text di ka sumasagot. Malay ba namin kung san ka nag sususuot." Si Miki
"Ay nag text ba kayo di ko na kita. HAHA. sorry naman mga ante" sabi ko habang kinukuha ang phone sa bulsa. Nagulat ako andami nga nilang message at missed calls.
"Oh ano na? Wala? Binomba na nga namin nag text at missed calls yang phone mo wala pa rin. Akala ko puso lang nagiging manhid pati pala cellphone." Si Beka ulit. Ngarag ka tuloy.
"Bat di ka kasi nag rereply? Kanina pa din ako text nang text at tawag sayo." Si George
"Hindi ko na pansin naka silent pala phone ko. Sorry" hinging tawad ko sa kanila.
"Okay ka lang ba?" Si George ulit
"Oo naman. Okay lang ako. Bakit?" Balik kong tanong sa kanya.
"Wala naman. Hindi ka pa din ba nag bubukas nang social media?" Tanong niya ulit
"Hmmm. Hindi pa. Wala din naman bago. Tsaka nag momove on pa ako. HAHAHA"
"Sira ka tagala." Tawang saad niya
Simula nung sinamahan ako ni George sa park ay mas naging malapit kami sa isa't isa. Nalaman ko din na baliko din pala siya. Poganda din si George kung tutuusin. Na pansin ko lang talaga siya nung mga araw na lagi kaming magkasama. Sweet din siya at ma alaga. Ma alalahanin din.
Na alala niyo ba yong sinabi niya na may nag kakagusto sakin na kakilala niya? Siya pala yun. Nag confess siya sakin. Hindi naman ako nagalit sa kanya. Ni iwas ay hindi ko din ginawa. Pina liwanag ko din sa kanya ang sitwasyon ko at alam niya. Hindi naman din siya nanligaw. Sinabi niya lang daw kasi para aware akong may malapit sa akin na nag mamahal at handang saluhin ako.
Minsan na isip ko din bakit hindi na lang si George? Bakit si Chocol pa? Si George naman ang andito para sakin lagi. Ni hindi pa nga ako neto sinasaktan eh. Si Chocol nasaktan na ako kahit hindi pa man kami. Tsk.
"Oh eh anong plano?" Dinig kong tanong ni Beka
"Huh? Anong plano?" Sagot ko
"Ayy nak ka nang lutang pala si ante jusko naman. Lumilipad na naman ang isip ko". Pa kantang tudyo ni Joyce sa akin.
"Ante tigil tigilan mo na yang gamit mo nakakasama sa katawan yan. Nakaka pulbo nang utak tignan mo nag hahang kana." Dagdag pa ni Joyce
Bat ba ang iinit nang ulo nang mga to ngayon? Etong si George naman ay tawa lang nang tawa dito sa tabi ko. Tsk.
"Eh kung sabihin mo kaya sakin kung ano napag usapan niyo? Anong gamit? Wala akong ginagamit may maka rinig sayo ipa deport pa ako buang na to."
"AHAHAHA. Eh kasi naman salita kami nang salita dito di ka naman pala nakikinig." Si Ena naman
"Oh eto na nga. Mag papa Christmas part tayo ngayong pasko. Mag momonita monito tayo. Ayain natin sina Mr. At Mrs. Cho pati ibang ksamahan natin para masaya. Walang ma a-out of place ganun" paliwanag ni Mini
"Oh sige. Okay yun sakin. Bili tayo nang gifts tas mag exchange gift na din tayo" ako
"Oo yan din ang plano. Pero invite ba natin sina Yeni?" Si Miki
"Pwde naman. Mas madami mas masaya." Sagot ko
"Oh eh pano kung sumama si Chocol?" Tanong ni Ena
"Huh? Okay lang naman sa akin yun. Sa dami natin siya na lang ba talaga pag tutuonan ko nang pansin? Tsaka andito naman si George. Sagip ako neto palagin"
"Oh ayun na man pala. May taga pag ligtas na. Oh eh kumusta ba kayo? Anong status niyo?" Si Beka
"Friends pa din. Shoulder to cry on. Ganun." Ako
"Hindi naman ako humihingi nang status sa kanya Beks. Sapat na sa akin na makita siyang masaya oh di kaya ay pag na lulungkot sa akin sa lalapit. Ganun"
"Ayy. Sabitan kaya natin nang sash tong si George. Bigyan natin nang award guys. Martir din eh. AHAHAHAA." Sabi ni Miki na ikina tawa nilang lahat.
"Oh ano na? Tapos tayo dito? Ay Beks mag papa-program ka ba?" Taning ko
"Oo te para naman hindi mag mukhang burol yung party natin. Ako na din bahala sa pag MC. Keri ko na yun. Yung performer na lang ang kulang."
"Ay edi sina Yeni na lang yung pasayawin natin." Suhestyon ko
"Oo nga no. Message mo mamaya." Sabi niya sa akin.
"Sige"
Natapos kami sa pag mimeeting. Na text ko na din si Yeni. Gagong yun nang hingi pa nang TF. Pero pumayag din naman siya. Madami pa kaming napag usapan tungkol sa gaganaping christmas party. Antagal din pala naming natapos. Gabi na nung lumabas ako nang kwarto para mag haponan. Tinatamad ako mag luto. May pag kain naman sa ref ko kaya yun na lang ang ininit ko.
Habang kumakain ay may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ay si George pala. Inalok ko nang pagkain habang pumapasok sa loob nang quarters ko. Lagi naman tong ganto simula nang mag confess. Hinayaan ko lang din ang boring din kasi mag isa habang kumakain.
Tumambay lang kami sa quarters ko at nag uusap nag maka ramdam nang antok ay umalis na din naman siya. Huling topic namin bago siya umalis ay ang gaganapin naming party. Nakaka excite. Excited na din akong makita siya uli maka lipas ang ilang buwan.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomanceSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...