EPILOGUE

623 8 0
                                    

MAYA'S POV:

Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging masaya. I mean. Masaya akong kasama ang family ko pero mas naging mas masaya pa ako nang makilala ko si Chocol. I know we will face more challenges in the future but as long as we have each other we can conquer it all.


Sa ilang linggong nanatili si Chocol kasama namin ay mas na kilala ko kung ano siya. Kung gaano siya ka maalaga hindi lang sa akin pati na rin sa family ko. Katu-katulong ko din siya sa resto at ni isang reklamo ay wala akong naririnig sa kanya.


Close na close din sila ni Mico at Papa. Na huli ko nga silang nag uusap usap sa sala sa bahay na sila sila lang. Seryosong seyoso ang mga mukha. Nang makita nila ako ay bigla na lang din silang nag tawanan. Minsan ay na iisip kong bina back stab nila ako. Loko tong mga to ah. HAHAHA.


Andito ulit kami sa resto ngayon. Ano pang aasahan eh ako nag papatakbo neto. Hindi ma ipinta ang mukha ko nang hindi ko makita si Mico at Chocol. Saan na naman kaya nag susuot ang dalawang to. Kitang ang busy ay nagawa pang mag lakwatsa. Tsk.


"Papa si Mico ba at Chocol ay nasa bahay pa? Akala ko ba susunod sila dito aba'y kanina pa ako dito dumarami na ang mga customer ay wala pa din sila. Baka hindi kayanin ni Ace at Amy ang mag serve." Pag mamaktol ko kay papa


"Akala ko andito na sila. Ako ang huling umalis sa bahay. Nag paalam naman sila kanina na aalis na. Hindi ko alam kung na saan ang mga yun." Sagot niya sa akin.


"Ngayon pa talaga nag lakwatsa eh pwede naman na bukas na lang di talaga maka pag antay. Lagot talaga yang dalawang yan sa akin mamaya." Inis kong saad


Tinawagan ko ulit ang phone ni Mico. Wala pa ring sumasagot. Sunod ay kay Chocol at ganun pa rin. Sa sobrang inis ko ay pinasok ko na lang sa bulsa ang selphone ko at akmang lalabas na sana ako nang resto para hanapin sila ay saka namang dating nang sasakyan ko.


Inis kong tinignan ang dalawa na ang lapad pa nang mga ngiti. May dalang isang bugkos na bulaklak si Chocol. Ang lapad nang ngiti habang nag lalakad papunta sa akin at inabot ang dalang bulaklan sa akin.

CHOCOL'S POV:

Alam kong na iinis na si Maya sa amin dahil nakikita kong naka busangot ang mukha niya pagka parada ko sa sasakyan malapit sa kinatatayuan niya.


"Lagot tayo ate nasa labas nag aantay ang dragon. HAHAHA." Biro ni Mico na ikinatawa naming dalawa


Kinuha ko muna sa likod nang kotse ang bulaklak na bilini namin kanina. Alam kong hindi mahilig si Maya sa bulaklak pero nag baka sakali lang na ma ibsan neto ang inis niya sa amin. HAHAHA.


"Hi love. Flowers for you." Naka ngiti kong abot sa kanya



Tinignan niya lang eto saka kinuha sa kamay ko. "Hindi mo ko ma dadaan sa pa bulaklak Gayoung. Saan kayo galing?" Galit nga tawagin ba ako sa pangalan eh. Tsk. Tinignan ko sa Mico sa gilid pinag tatawanan pa ako. Tsk.


"Te jan lang naman kami sa gilid gilid nag hahanap nang magandang resort para bukas. Tsaka te sorry na kung na late kami. Busy din kasi kami te." Si Mico



"Saan yang gilid gilid na yan at ngayon lang kayo? Anlayo naman ata nang pinuntahan niyo? Alam niyong busy kanina dahil linggo ngayon maraming tao. Ngayon niyo pa talaga na isipang mag gagala." Sermon niya sa amin.



Sumilip ako sa loob nang resto. Iilang tao na lang ang nasa loob. Sabagay at pa sara na din naman eto. Hindi naman siya naka sigaw nang sermonan niya kami infact kaming tatlo lang din ang nakakarinig nun. Kung di ka lang dadaan sa likuran namin ay hindi mo talaga eto ma ririnig.



"Sorry na love. May inasikaso lang talaga kami ni Mico kanina. Late na din kasi na tapos kaya ngayon lang din kami naka uwi." Paliwanag ko sa kanya.


"Tingin ko nga busy kayo masyado ni ang tawag ko hindi niyo magawang sagutin man lang. Hindi lang inis nararamdaman ko sa inyo nag aalala rin ako. Ini stress niyo ko talaga." Inis na dagdag niya pa.



Tinawanan namin siya ni Mico para lang gumaan yung pakiramdam niya. Dahil na rin sa pag tawa ni Mico ay natawa na rin siya.


"Buset ka talaga Mico. Ang pangit nang tawa mo alam ko ba yun? Nakakainis." Natatawang sabi niya sa kapatid niya. Naka ka dala talaga kasi ang tawa ni Mico. Hindi ko ma explain pero naka ka gaan sa pakiramdam.



Nang makita kong okay na si Maya ay inaya na namin siyang pumasok sa loob nang resto. Buti na lang talaga hindi na nag usisa pa si Maya.



MICO'S POV:


Muntik na kami ni ate Chocol kanina buti na lang at na asahan din tong tawa ko. HAHAHA. Totoong naging busy kami ni ate Chocol kanina. Nag hahanap kasi kami nang resort na pwedeng maging venue sa gagawing surpresa ni ate Chocol kay ate Maya bukas. Inayos muna namin ang lahat bago kami umuwi.



Nasa kusina kami nang resto ngayon ni ate Chocol at Papa. Isa din talaga sa kasabwat namin si papa. Hahaha. Alam niya kung saan kami nag punta kanina at kung ano ang ginawa namin.


"Ayos na ba lahat nang plano niyo? Aba muntik niya na akong ma bugahan nang apoy kanina dahil sa inis niya sa inyo." Napapakamot na lang si papa sa ulo niya habang tinitignan si ate sa labas.



"Yes Papa. Ayos na po lahat. Buti na nga lang at kumpleto ang staff nang resort pag punta namin kanina kaya naka pag request ka agad kami na ipa ayos ang function hall nila." Sabi ni Ate Chocol



"Mabuti kung ganoon. Chocol alam kong na sabi ko na sayo ito. Ingatan mo si Maya ha. Wag mo na sana siyang saktan pa. Hindi man nag sasabi yan sa amin pero alam ko naman kung kelan yan nasasaktan at masaya. Nakikita ko naman na masaya siya sayo kaya binibigay ko ang blessing ko sayo. Sa inyo." Mahabang sabi ni Papa.




"Thank you po Papa. Makakaasa po kayong mas papasayahin ko pa po si Maya. Iingatan ko po siya at hindi na hahayaang umiyak pa."




"Ako din ate Choc. Binibigay ko din yung basbas ko sa inyo-"



"Hoy anong ginagawa niyo dito ha oh Papa andito ka rin. Ano ba yang pinag uusapan niyo at napapansin kong kada nakikita kiyo ako ay natitigil kayo." Putol ni ate sa sasabihin ko. Lanya bibira na nang pamatay kong sentence eh.




"Wala naman nak. Nag ka taon lang na pumunta ako dito eh andito rin si Chocol at kapatid mo." Palusot ni Papa. HAHAHA. Aba'y pwede nang mag artista ah.




"Palusot niyo talaga kahit kaylan. Oh siya tara na dun sa labas wala nang customer Mico tulungan mo na si Amy at Ace para maka uwi na tayo." Pa dudang sabi ni ate na ikinatawa naming tatlo.



Matalino si ate. Alam kong may hint na to sa mga pinag gagawa namin ang hindi niya lang alam ay ang surpresa ni ate Chocol sa kanya. Hindi na surpresa pag nalaman niya malamang.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now