PART 6

890 14 0
                                    

Tinawag namin ang mag asawang Mr. at Mrs. Cho para makakain na kami. Walang humpay na pagpapasalamat ang binigay namin sa mag asawa dahil sa kabutihang loob na ipinakita nila sa amin. Hiling lang namin ay hindi iyon mag bago hanggang sa matapos kami sa aming kontrata.


Masaya kaming nag salo-salo sa hapag. Kwentuhan at tawanan lang pagkatapos ay may konting kantahan at sayawan pa. Aba hindi pa kami naka inum niyan at ganyan na pano na lang kung may soju?


Nasa kalagitnaan nang pagsasaya namin ay may narinig kami bumusina. Dali dali namang umalis si mr. Cho para tignan kung sino ang dumating.


Tuloy ang pagsasaya namin habang nag aantay na maka balik si mr. Cho. Napa tingin ako kay mrs. Cho na tahimik lang habang naka tingin sa amin na naka ngiti. Na alala ko si Mama sa kanyan. Na miss ko tuloy sila. Lumapit ako sa kanya.


"Mrs. Cho tara at sayaw tayo." Naka ngiti kong alok sa kanya.


"Naku Maya hindi ako marunong sumayaw. Dito na lang ako at nakakatuwa kayong tignan na nagkakasayahan."


"Sige samahan ko na lang po kayo dito"


"Naku wag na. Balik kana doon sa mga kasamahan mo antayin ko na lang maka balik si Hanuel." Saad niya patungkol sa asawa.


"Balik na lang ako doon kapag andito na si mr. Cho po."


"Sige ikaw ang bahala." Sabay ngiti sa akin.


"Alam mo Maya na aalala ko sa inyo ang anak ko. Ganyan na ganyan din sila nang mga kaibigan niya. Bibisita at mag luluto. Mag sasayawan din. Ang saya tignan."


"Nasaan po ang niyo mrs. Cho? Hindi ko pa po siya nakikita simula nang dumating kami dito sa training center." Curious kong tanong sa ginang.


"Busy ang batang yun simula nang sumali ang grupo niya sa isang contest sa pag sasayaw. Hanggang ngayon ay hindi ko pa ulit nakikita pero tumatawag naman pag may pagkakataon." Sagot niya sa akin.


"Pwede naman pong kami na lang po muna ang maging anak niyo habang hindi pa nakaka uwi ang totoong anak niyo po. Hehehe." Alok ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit ko na sabi yun siguro ay namimiss ko lang din si mama na nakikita ko sa katauhan ng ginang.


"Aba'y talaga? Pwede ba yun? Pero ayoko naman abalahin ka pag nag kataong na mimiss ko anak ko."


"Naku okay lang po yun mrs. Cho wala pong problema sa akin yun. Gusto ko po kasing makita kayong laging naka ngiti at masaya. Nakikita ko po kasi sa inyo si mama. Yun nga lang sa kasamaang palad ay hindi ko na maipaparamdam yun sa kanya kasi iniwan niya na kami."


"Ganoon ba? Pasensya kana Maya ha. Ikaw naman ngayon ang na lungkot tuloy."


"Naku okay lang po mrs. Cho matagal tagal na din naman po pero di lang talaga ma aalis sa akin na malungkot minsan." Sabay ngiti kong saad.


"O siya sige. Bisitahin mo ako dito kapag namimiss mo mama mo. Andito lang naman ako palagi sa bahay o di kaya ay sa garden ko. Ako na lang ang gawin kong mama habang andito ka sa kumpanya namin."


"Talaga po? Thank you po mrs. Cho." Masaya kaming nanuod sa mga kasamahan ko. "Tara po mrs. Cho sayaw tayo kahit saglit lang maganda po ang tugtug at hindi pa din naman nakaka balik si mrs. Cho." Alok ko ulit sa kanya.


"Ikaw talagang bata ka ayaw akong tigilan. Hahaha. O siya tara at mukhang masaya nga ang tugtugan niyo." Sabi niya sa akin at hawak kamay kaming nag punta sa mga kasamahan ko.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now