PART 36

420 7 0
                                    

MAYA'S POV:

Masaya ako ngayong nakita ang dalawang to. Hindi ko man lang magawang kumustahin ang mga to. Hindi pa rin ako binibitawan ni Haechi hanggang ngayon. Miss na miss ata ako nang babaeng to. HAHAHA

"Ehem ehem. Excuse me po ate uuwi na daw sina Amy at Ace. Yung sahod nila paki bigay muna" si Mico na  parang inuubo pa ata bigla nung nakitang niyayakap ako ni Chi.


"Ayy teka lang bii. Saglit. Napa yakap lang nang matagal. Miss na miss eh. AHAHAHA" biro ko sa kanya.


Kinuha ko muna ang perang tinabi ko para sa sahod ni Ace at Amy. Pati na rin ang kay Mico ay ibinigay ko na rin. Sinabi ko din sa kanya na mag sara na at ako na lang ang mag l-lock nang pinto.



Naka pag sara na si Mico pinalitan ko na din ang sign na naka paskil sa pinto nang Closed para wala nang pumusok pang ibang customer. Mahabang oras pa ata ang ilalagi ko dito sa resto ngayon dahil sa dalawang to.




"Kumusta kayong dalawa? Kumusta sina Beka? Si Mama at mr. Cho Yeni kumusta?" Tanong ko agad sa kanila



"Okay naman kami. Eto nga at hinanap ka. Sina Beka ay okay lang din na mimiss ka pero bad trip sayo dahil hindi ka na nga nag paalam na uuwi ay kinat ties mo pa kaming lahat." Sabi niya at tumango ako at yumuko. "Si mama at papa naman ay okay lang din na mimiss kana din nila. Pinapatanong nga kung kelan ka daw ba babalik. Yan yung unang una na hinabilin ni mama sa akin bago kami pumunta dito. Sure na sure siyang makikita ka namin." Napangiti ako sa sinabi ni Yeni.




"Miss ko na din silang lahat." Sabi ko. "Ikaw Chi kumusta ka naman. May gf kana?" Baling kong tanong kay Chi.



"Gf? Wala. Na purnada umuwing Pinas eh tsaka may mahal ding iba. Tsk." Naka tingin niyang sabi sa akin na ikinatawa ko.



"Hindi ka pa ba nakaka move on sakin? Kaya nga kita pinatigil diba dahil ayokong masaktan ka emotionally. Umalis din ako nang hindi nag papaalam para magalit ka sa akin kahit papano." Naka ngiti ngunit seryoso kong sabi.



"What can i do to this. Ikaw at ikaw lang yung hinahanap hanap eh." Sabi niya sabay inum nang soju.



Buntong hininga lang ang na isagot ko sa kanya. *Sana ikaw na lang Chi* sa isip isip ko.



"Maya you can now go back to Korea. Okay na ang lahat. Na huli na si Monique. Hindi na siya makakalabas nang kulungan dahil sa dami nang ginawan niya nang masama. Nag si labasan lang yung mga victims nung umalis ka. Tsaka yung binigay mong plate numbers ang naging dahilan kung bakit siya nahuli nang mga pulis." Mahabang paliwanag ni Yeni.





"Tingin mo ba ay babalik pa ako sa Korea Yeni? Pano tong business ko? Hindi ko na ata to ma iwan iwan. Sayang kasi at ang lakas humatak nang customers." Sagot ko sa kanya at uminon din nang soju.



"Masaya ako sa balitang sinabi mo Yeni pero ang hirap din kasing iwan na dito. Kung babalik man ako doon ay bibisita na lang siguro at hindi rin ako mag s-stay nang matagal." Dagdag kong sabi




Naka titig lang silang dalawa sa akin. Pano nga ba kasi to. Iiwan ko ang business para mag trabaho sa Korea. Malaki ang utang na loob ko sa parents ni Yeni. Pero kasi dito ay hawak ko ang oras ko at ako pa ang boss. Tsaka madami na talaga akong mga customers. Kung iiwan ko to bigla ay baka wala na akong balikan pa pag uwi ko.



"So okay lang ba kung bisitahin mo sila mama at papa? Kahit isang linggo lang. Kahit sa ganong set up ay maging masaya sila na makita ka ulit."




"Plano ko naman talagang bumalik duon at bisitahin kayo Yeni. Hindi lang ako maka hanap nang tyempo at natatakot ako baka abangan ako ni Monique sa airport. Pero dahil sa sinabi mukhang matutuloy na ang plano ko." Naka ngiti kong tugon sa kanilang dalawa.



"Hanggang kelan ba kayo dito mag s-stay? Punta kayo sa bahay bukas pakilala ko kayo kay papa." Pag iiba ko nang topic namin.



"Sige punta kami. Balak namin na mag tagal dito kung hindi ka pa namin na kita ngayon. Kung gusto naman ay sabay na tayong bumalik nang Korea by next week siguro kung okay lang sayo?" Tanong ni Chi.



"Sige. Okay naman. Mag papa book na lang ako nang ticket ko bukas." I assured them



"Anyways Maya ang ganda netong resto mo. Authentic na authentic. Pati tong mga side dishes mo. Tsaka tong karne ay kalasang ka lasa nang mga niluluto sa Korea. Sino bang gumagawa neto?"  Tanong ni Yeni



"Ako yung gumagawa nang lahat nang yan. Tinuruan ako ni Mama mo gumawa nang lahat nang side dishes niyo. Pero yung mga ingredients niyan ay from Korea talaga. Inoorder ko dun sa isang kaibigan ko na owner nang resto na kina kainan namin dati." Paliwanag ko sa kanila.



"What? I thought wala ka nang contact ni isa from Korea?. Meron pala?" Gulat na sabi ni Chi




"HEHE. Siya lang itinira ko kasi business related eh." Nahihiyang sabi ko naman. Tinignan nila akong dalawa na para bang gusto akong sabunutan. Nginitian ko lang silang dalawa.





Matapos naming mag kumustahan ay nag hugas muna ako nang mga pinag kainan bago umuwi. Ayokong may na iiwang hugasin sa kusina dahin yun ang simula nang mag ka insekto sa loob nang kusina. 





Hinatid ko muna sila sa kanilang hotel.




"Gising kayo nang maaga bukas susunduin ko kayo dito sa hotel niyo. Agahan niyo talaga mag oopen pa ako nang resto nang 10 am." Sabi ko sa dalawa.





"Yes babe don't worry. Maaga naman akong nagigising etong isa lang ang matagal talaga. Tulog mantika din kasi." Si Chi




"Wag mo kong ma babe babe sa harapan ni papa bukas Haechi lagot ka talaga sakin." Banta konsa kanya.




"HAHAHA. no i won't call you names pagka harap papa mo  sa resto na lang. HAHAHA." Tuwang tuwa naman ang kulot na to talaga.




"Sina sabi ko sayo Chi. Ayokong ma saktan ka. Paulit ulit na lang ako."





"Yes Maya don't worry okay. Kaya ko sarili ko." Naka ngiting sabi pa niya.




"Sige. I'll go ahead na. See you tomorrow. Good night." Sabay lapit sa kanilang dalawa at yumakap





"Take care Maya. Text me when you're home already okay?" Pa alala ni Chi. Tumango lang ako sa kanya and wave my hand to them.




Ang haba nang araw ko ngayon. Pagod na pagod ako pagka uwi sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko para ma ligo at mag bihis. Bago ma higa ay tinext ko muna si Chi para hindi mag alala.




Humiga na ako agad at nilagay na lang side table ang phone ko. *Tomorrow is another day. Thank you for today Lord and guide us always for the next day you're giving to us. Amen*  dasal ko sa isip ko at natulog na pagkatapos.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now