PART 3

1.3K 14 0
                                    

Dating gawi maaga akong na gising at nag handa para maka pag jogging. Ilang araw na lang matatapos na din ang training namin. Malilipat na kami sa factory at makakapag simula na sa trabaho. Habang nag mumuni muni ay napatingin ako sa paligid.

"Ang ganda talaga dito sa lugar kung saan ako ngayon. Hindi nakakasawang pag masdan ang view." Sabi ko sa sarili ko sabay kuha nang litrato.

Matapos ako sa pag pipicture ay nag patuloy na ako sa pag jojogging pa uwi sa training center at dating gawi ulit bago umuwi ay dumaan muna ako sa 7/11 at habang kumakain ay nag titingin tingin din sa socmed. May bagong post si Chocol sa ig niya.

"Nakaka inlove ka talaga Chocloves. Pano kaya kita makikita sa personal? Kahit naman nasa iisang bansa na tayo at iisang langit ang nakikita ay ang hirap mo pa ding makita. Tsk." Kausap ko sa bagong picture nya.

"Huyy!! Sinong kusap mo jan at mukhang seryoso kang naka titig jan sa phone mo?" Si Beka pala di ko na pansin ang paglapit niya sa akin kaya nagulat akong konti.

"Ikaw pala Beks akala ko kung sino na. Ah eto ba? Si Chocol to jowa ko sa panaginip. Hahaha." Natatawang sagot ko sa kaniya.

"Ayy bading din pala to. Oo at kilala ko yan sino ba naman ang hindi kung babae lang din siguro akong tunay ay mag kaka-gusto din ako jan. Hahaha."

"Matagal na akong bading Beks. Tsaka kahit naman ka ay pwede ka naman magka gusto sa kanya walang pinipiling kasarian yun ikaw talaga." Saad ko


"Oo nga ante pero ang weird naman kasi no. Babae pa rin nman si Chocol at kahit pag bali baliktarin lalaki pa rin ako na may pusong babae kaya ipag kakatiwala ko na lang siya sayo." Sabay tawa nya pa.


"Pagkakatiwala talaga ahh di ko nga alam kung pano ko siya makikita sa personal eh. Ang mga taong ganito Beks ay ginawa para hangaan lang natin di ko nga alam kung magkita nga kami ay ni tingin lang hindi nga niya siguro magagawa. Hindi niya naman kasi ako kilala."


"Ang nega mo naman ante. Pero saka mo na yan isipin uwi na tayo at baka ma late pa tayo sa training. Ilang araw na lang at malilipat na tayo kaya go lang nang go. At kapag naka sahod na tayo ay gumala tayo puntahan natin yung lugar na posibleng andun si Chocol. Hahaha"

Mukhang naka hanap ako nang taong dadagdag sa pagiging delulu ko ah. Hahaha. Sabay na nga kaming umuwi at nag madali na din akong maligo at nag bihis.  Nag kita na kami sa loob nang training room at agad naman na nag simula.


Natapus ulit ang araw na hindi man lang namin namalayan kasi nag eenjoy kami sa trabaho namin. Eto yung maganda pag mahal mo ang trabaho mo hindi ka na bobored at samahan pa nang mga kasamahan mong kasundo mo.


Last day na nang training namin. At next week ay first day naman nang aming trabaho sa factory. Bukas ay lilipat na kami nang matutuluyan namin na nasa loob lang din naman lacated kung saan ang factory.


Akala namin ay mag ttraining kami at sulitin sa pag assemble nang product pero gulat kaming lahat nang may sabihin si mr. Cho sa amin nang maka pasok siya sa training room.


"Guys today is your last day here as a trainie but you're not going to train this day. I gagala ko kayo today just for you to freshen up and before facing work at the factory." Sabay ngiti niya sa amin lahat.

Sabay din kami napangiti habang si Beksa, Layla at Ena naman ay napapalakpak sa saya. Mukhang masaya nga talaga ang araw na to at ang bait naman ni mr. Cho.

Gumayak na kami at nag dala ako nang pamalit kong damit incase lang naman at hindi ko pa naman alam kung saan kami dadalhin ni mr. Cho. Maraming magagandang beach dito sa Busan baka lang naman walang mawawala sa pagiging handa. Hahaha.

Nag kita kita kaming pito sa harapan nang gate habang inaantay si mr. Cho. Halatang mga excited tong mga kasama ko at ang iingay. Pati nga si George ay dumadaldal din eh sya tong pinaka tahimik sa grupo namin.

"Let's go guys." Sabi ni mr. Cho sa amin at hindi na kami nag aksaya pa nang oras sumakay na kami agad sa sasakyan.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now