GEORGE'S POV:
Naka labas kami sa compound nina Mr. Cho at nag patuloy sa pag lalakad. Inalis ko na din ang pagkaka hawak ko kay Maya dahil ayaw niyang mag pa alalay.
Pinanood ko lang siya habang nag lalakad nasa likuran niya lang ako naka sunod. Na padpad kami sa isang Park. Yung mga may slide at seasaw. Yun.
Lumapit si Maya sa isang steel hammock at umupo doon. Umupo din ako sa isa pang duyan malapit sa kanya. Inantay ko lang na mag open up siya. Hindi ko kasi alam kung paano mag bukas nag pag uusapan lalo pa't lasing siya. Hindi nman ako nag kamali at di nag tagal ay nag salita siya.
"Mahirap ba akong mahalin George? I mean ang kagaya ba natin ay wala nang karapatang mag mahal nang mga celebrity? Kapag ba isang fan ka lang ay hanggang jan ka na lang?" Tanong niya sa akin
"Ang hirap naman nang tanong mo pero sasagutin ko parin yan." Panimula ko at tumingin siya sa akin at tumawa nang bahagya.
"Hindi ka mahirap mahalin Maya. Kung tutuosin ay may kilala akong may gusto sayo. No scratch that. May kilala ako na matagal ka nang mahal pero hindi ko sasabihin kung sino. May kaparatan kang mag mahal kung sino man ang gusto mong mahalin Maya pero hindi lahat nang mahal mo ay mamahalin ka din pabalik gaya nang gusto mo. Wala sa estado o katayuan sa buhay ang pag-mamahal. Kung mahal mo ipag laban mo at kung mahal ka ipaglalaban ka." Sagot ko sa kanya at huminto muna para huminga. Naka tingin lang din siya sa malayo.
"Pero hindi lahat nang mahal ka ay kaya kang ipag laban Maya. Gaya na lang nang kakilala ko. Mahal ka niya pero hindi niya kayang ipag laban ka kung nakikita ka naman niyang masaya ka sa taong mahal mo ay masaya na din siya. Nag paraya siya hindi dahil hindi ka niya mahal nag payara siya dahil alam niyang mas sasaya ka sa taong mahal mo." Dagdag ko pang paliwanag.
"Bakit mo na tanong yan Maya? May nangyari ba? Nag away ba kayo ni Chocol?"
Tumawa siya nang bahagya. " Away? Hindi naman. Hindi pa nga namin nasisimulan ang love story namin ay na udlot na. Hahaha. Tang ina. Bat ba kasi siya pa? Mahal niya naman daw ako pero bakit ayaw niya akong ipag laban? Hindi din siya nag bigay nang paliwanag kung bakit. Hindi niya pa daw kayang sabihin at mas gugustohin niya na lang daw na magalit ako sa kaniya kaysa masaktan pa ako nang sobra." Mahabang sabi niya.
"Nakaka tanga lang nang sabihin niya yun lahat na para bang hindi ako nasasaktan ngayon. Kung alam ko lang hindi na akonnag padala sa mga mix signals niya. Akala ko green , red pala. Ang nakaka tanga pa pilit na ngang pinapakita ang pagka red flag niya nag papaka color blind naman ako. tsk." Dagdag niyang sabi
" Hindi naman kita ma sisi kung bakit bumigay ka agad sa kanya. Simula pa lang nang magka kilala tayo ay bukambibig mo na si Chocol. Dun ko din na pag tanto na hindi lang pag hanga ang nararamdaman mo sa kanya kundi pagmamahal na talaga. Lumalim pa nung mag pa hiwatig siya sayo." Sagot ko sa kanya
"You're hurt and you're reason is valid. Nag mahal ka lang. Yun nga lang sa maling pagkakataon at oras. Hindi ko masabing sa maling tao ka nag mahal kasi nakikita ko din naman na mahal ka ni Chocol. Kung pano ka niya napapangiti sa araw araw. Sa simple gesture niya nakikita kong masaya ka talaga. Pero sana Maya bigyan mo muna nang pagkakataon yung sarili mo muna ang mahalin mo." Dagdag ko pa
"Siguro nga George. Alam mo yung sa Pinas pa lang mahal ko na siya. Hindi ko na napapansin na napapabayaan ko na sarili ko. I mean hindi ko na nabibigyan nang panahon ang sarili ko. Kung dati maaga akong magising para mag ka me time. Nag jo-jogging at dinidate sa 7/11 ang sarili ko pero simula nung nag kalapit kami nag iba na din. Tama ka nga George sarili ko muna." Sabi niya at ngumiti sa akin. Hindi man gaya nang dati pero atleast ngumiti.
"Balik na tayo? Lumalamig na din tsaka mukhang na wawala na din naman ang alak sa sistema mo. Wag ka na lang uminum ulit pag balik natin don."
Tumango lang siya at tumayo na din. Nag simula na kaming mag lakad pa uwi. Nang dumating kami ay nakita namin na kanya kanya nang higa sa kubo ang mga kaibigan namin.
Umiling lang ako. No choice kaming dalawa ang mag dadala sa mga to sa mga kwarto nila. Buti na lang wala pang bagong trainee si Mr. Cho.
MAYA'S POV:
Galing kaming park ni George. Nag lakad- lakad na rin pam pahupa nang lasing ba. Nang maka uwi kami ay nakita kong kanya- kanyang higa na ang mga kaibigan namin. Kaya napag pasyahan na lang namin na akayin sila isa-isa.
Inuna ko si Yeni. Ang bigat naman nag babaeng to. Tsk.
"Yeni. Umayos ka at baka ma sub-sub tayo. Bibitawan talaga kita pag di ka umayos." Banta ko sa kanya
"Hinji mo kayang jawin yan putoMaya. Mahal mo kaya ako. HAHAHA. Tsaka i'm da Preshident Powgi you know baka magalet shayo ang mga fansh ko pag nakitang may bangas ako." At tumawa pa nga habang gumewang gewang kami.
"Tang ina naman Yenitot ang bigat mo eh! Saglit nga buksan ko ang pinto. Babalibag talaga kita sa higaan mo." Nang mabuksan ko ang pinto ay agad ko nga siyang pa dabog na hiniga sa kama.
"Ouch" yun lang naman na sabi niya at gumulong na sa higaan niya.
Limang kwarto lang ang meron sa training center at tig dadalawang tao sa isang kwarto kami. Sege bahala na kung sino ang maka tabi.
Nang maka balik ako ay si Chocol na lang ang nakita kong andun sa Kubo. *Ang bilis naman ni George mag hakot* HAHAHA. sa isip ko
Nag dadalawang isip pa ako kung aakayin ko ba si Chocol oh iiwan na lang dito. Andami pa namang lamok. Ayshh.
"Chocol kumapit ka sakit at aakayin kita sa kwarto mo." Pagising ko sa kanya.
Nag mulat naman siya nang mata at ngumiti. "Mayaloves ko. Shorry mahal na mahal kita. Shana mapatawad mo ako" naluluhang sabi niya
"Wag ka nang mag salita iiwan talaga kita dito." Panakot ko sa kanya. Pero tang ina ang poganda nang ngiti. LORD I'M NOT YOUR STRONGEST SOLDIER PO🙏
"Mish na mish na mish kita lovesh ko. Hihi"
At tumawa pa nga.
Naka rating kami sa kwarto nang matiwasay. Hindi na ulit siya nag salita after nung sinabi niyang na miss niya ako.
Inayos ko muna sya sa pagkakahiga niya at umalis saglit. Hahanapin ko muna si George. Binuksan ko ang dating kwarto niya at andun nga siya. Hindi na nga pinakawalan ni Beka. AHAHA
"Okay ka lang ba George?" Tanong ko sa kanya
"Aysh. Oo okay lang ako. Ang bigat lang nang kamay at paa netong si Beka. Dumagan pa nga."
"AHAHAHA. jan ka na lang ba or ilipat ko si Chocol dito?"
"Di na dun ka na sa kwarto mo at mag pahinga. Tutulog na din ako maya-maya lang." Sabi niya habang inaalis ang kamay at paa ni Beka
"Sige. Good night"
Tumango na lang siya at sinarado ko na din ang pinto. Bumalik na lang ako sa kwarto ko. *No choice mag tatabi tayong matulog. Pero pwede naman na sa sahig na lang ako mas kumportable pa* sabi ko sa isip ko.
Nag latag na ako sa sahig at na higa. Naka tulog din naman ako agad dahil sa pagod.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomanceSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...