PART 29

306 6 0
                                    

MAYA'S POV:



Isang linggo na akong andito sa bahay ni Bada. At gaya nang sinabi ni Yeni ay binibisita nga nila ako ni Chi dito araw araw. Minsan ay dito din sila natutulog at sinasamahan ako. Bumisita din si Bada dito kasama ni Yeni.



Buti pa si Bada bumisita sa akin hindi gaya nang iba jan. Pero na isip ko din kung alam niya ba ang nangyari sa akin? Siguro naman ay alam niya na. Siya ang nag sabi sa dalawa na bantayan ako eh. Oo alam ko na. Sinabi ni Yeni sa akin lahat.



Hinahantay ko ngayon si Chi at Yeni. Uuwi na ako sa bahay ngayon. Na mimiss ko na din sina Beka kaya pinilit ko sina Yeni at Chi na uuwi na ako. Habang nag aantay ay nag luto na muna ako nang tanghalian para maka kain muna kami bago umalis.




Habang nag luluto ay biglang tumunog ang door bell. Nag madali akong tignan ang monitor baka sina Yeni na ang dumating. Wala akong nakita kaya hinayaan ko na lang muna. Bumalik ako sa pag luluto nang tumunog ulit ito. Wala pa din akong nakikitang tao.




Umusbong ang takot ko nang tumunog ulit ang door bell kasama nang pagkalabog nang pinto. Parang pinipilit niyang buksan ito. Nag simula nang manginig ang kamay ko.  Kinuha ko agad ang phone ko at dinial ang number ni Chi. Naka hinga ako nang konti nang sinagotniya agad isang ring pa lang.



"Chi. I think someone is outside. Kanina pa siya door bell nang door bell hindi ko makita kung sino siya chi." Takot kong sabi sa kanya



"Shit. Don't open the door Maya. Malapit na kami ni Yeni. Ipapark na lang namin tong kotse."



"Paki bilisan chi. He or she is forcing the door to open." Mangiyak ngiyak kong sabi



"Just hide in the room first. We are already in the elevator na."



Agad kong sinunod ang sabi ni Chi. Pinatay ko muna ang stove at tumakbo na pa puntang kwarto. I did.'nt ended the call kaya naririnig ko pa rin sina Yeni at Chi sa kabilang linya.



"Stay where you are Maya. Malapit na kami pa labas na kami nang elevator." Si Yeni



"HOY! SINO KA? ANONG KAILANGAN MO AT PWERSAHAN MONG BINUBUKSAN ANG PINTO? SINO ANG NAG UTOS SAYO HA?" sigaw ni Yeni sa taong nasa likod nang pinto



Wala akong sagot na narinig pero dinig ko ang yabag nang mga paa neto. Tumakbo papalayo.



"Maya open the door. Okay na wala na siya." Si Chi habang kinausap niya ako gamit ang phone. Hindi ko pa din binababa ang tawag.



Tumayo ako kaagad at binuksan ang pinto. Sinalubong ko nang yakap si Haechi na ikinagulat niya pero niyakap niya din ako pabalik. Mas lalo ko naman siyang niyakap nang binulungan niya ako.



"It's okay now Maya. He's gone already. Wag kanang matakot. Inhale exhale ka lang." Ginawa ko ang sinabi niya at kumalma ako nang konti.



Bumitaw ako sa pagkaka yakap sa kanya. Tinanong ko siya kung na saan si Yeni. Hindi ko kasi ito mahanap.



"Chi na saan si Yeni?"


"She chase the guy. Saglit tatawagan ko."



"Hello pards. Where are you? Okay okay. Ingat ka."



"Pabalik na siya dito Maya. Mag handa kana nang maka alis na agad tayo pag dating ni Yeni."



Agad naman akonv tumalima sa sinabi ni Chi. Yung niluto ko ay binalot ko na lang para duon na lang kainin sa bahay.



Naka alis na kami at nasa daan pa uwi. Yeni insisted na dalhin ako sa ibang bahay para mag tago pero hindi na ako pumayag pa. I decided na doon na lang sa factory at wala na silang nagawa dalawa.



Pag dating namin sa bahay ay sinalubong agad ako nang mga kaibigan ko. Hapon na kasi at tapos na sila sa kanilang trabaho.



"Maya okay ka lang ba?" Si Ena


"Oo bii okay lang ako. Salamat at pasensya na pinag alala ko kayo."



"Wala yun ante. Ang mahalaga ay ligtas ka." Agad namang sumang ayon ang lahat sa sinabi ni Beka.



"Anong plano niyo ngayon Chi, Yeni?" Si Joyce



"Dito na muna siya. Ayaw niyang sa ibang bahay mamalagi kaya paki bantayan niyo na lang siya. Wag niyong hayaang mag isa si Maya. Kapag may kailangan siyang bilhin ay kung p-pwede samahan niyo muna siya." Si Yeni ang sumagot




"Wag kayong mag alala hindi namin iiwan si Maya. Tutulong din kami sa pagbabantay sa kanya." Si George



"Thank you George." Si Chi



"No neee to say thank you to me Chi. Alam niyong gagawin ko lahat maging ligtas lang si Maya." George



"I know kaya kampante ako iwan siya dito sayo, sa inyo." Chi



Habang nag uusap kami ay umalis saglit si Yeni para kausapin ang papa niya. Hindi naman siya nag tagal at lumabas rin para tawagin kami.



"Maya are you okay? How are you?" Mr. Cho



"I'm okay na po sir. Salamat po."



"Do you really want to stay here? Pwede naman kitang bigyan nang special leave. Yeni told me everything Maya." Mr. Cho




"Mas magiging okay po ako dito sa inyo sir. Aside from that ay maka kapag trabaho po ako ulit."




"Okay lang naman sa akin kung hindi Maya. Your safety is more important. Pero kung yan ang disisyon mo ay sige hindi na kita pipilitin pa." Mr. Cho



"Thank you po mr. Cho."



"Its okay. Wag na din kayo mag alala mga anak at mag babantay din ako." Mr. Cho




"Thank you papa mag iingat din kayo okay. Kayo lahat mag iingat kayo. Hindi na kami mag tatagal pa papa. Aalis na kami ni Chi at may aasikasuhin pa kaming importante." Yeni




"Chi, Yeni salamat sa lahat lahat nang ginawa niyong pag liligtas sa akin. Hinding hindi ko to makakalimutan. Tatanawin kong utang na loob to."





"You don't have to say that Maya. Mahalaga ka din sa amin dahil kaibigan ka namin. So please just stay safe okay?" Si Yeni



Tumango ako at ngumiti sa kanya. For assurance lang dahil alam kong nag aalala sila nang malala sa akin.



Umalis na din agad sina Chi at Yeni. Umalis na din kami sa opisina ni mr. Cho at nag punta sa aking kwarto. Habang nag papahinga ako ay nag iisip din ako kung anong pwde kong gawing para maging tahimik na kaming lahat. Hindi p-pwdeng maging ganto lang kami. Madami na din akong na p-purwisyong tao.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now