PART 32

296 8 6
                                    

Hindi na ako nag tagal sa pag aantay na malipat si Haechi sa private room na ni request ko kanina sa doctor. Kadarating lang din ni Yeni dito sa hospital. Kinamusta niya lang ako saglit at nag punta na siya kay Haechi. Tinanong niya kung ano ang nangyari. May mga pulis din na kasama si Yeni mag imbistiga sa nangyari kanina.




Habang kausap ni Chi ang mga pulis ay nakikinig lang ako sa kanila habang naka upo. Inaantay ko din na ako naman ang tanungin nila para makuhanan nang police report. Nang matapos sila sa pag tatanong kay Chi ay ako naman ang binalingan nila.



"Maam may kilala ka bang may galit sayo na pwedeng maging suspect sa nangyari sa inyo?" Tanong nang isang pulis sa akin.



"Meron po sir actually pero ayokong ituro siya dahil lang may galit siya sa akin. Gusto ko po sanang siguruhin muna." Sagot ko sa kanila. "Pero sir ma t-trace niyo naman kung sino ang may ari nang sasakyan pag nakuha ang plate number diba?" Dagdag kong tanong.


"Yes po maam. Masasabi mo ba kung ano ang plate number nung kotse? Na tatandaan mo ba?" Tanong niya ulit sa akin.



"Yes sir. Na tatandaan ko po ang mga plate number nang dalawang kotse." Taas noo kung sabi sa kanina. Nag liwanag din ang mukha ni Yeni at Chi nang tignan ko silabg dalawa. " MNQ 987at ALT 345 po ang mga plate number sir." tumango tango pa habang nag susulat ito.



"Thank you for your cooperation miss Maya and Miss Chi. We'll run this plate numbers to our system immediatly. We'll go ahead now miss Cho. " Pag papaalam nang mga pulis sa amin.



"Okay sir. Thank you din po. Ingat kayo." Si Yeni.




Nang maka alis nang tuluyan ang mga pulis ay tumayo ako para tignan si Chi. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin siya sa akin at ngumiti. Kaming dalawa lang ang andito sa kwarto dahil hinatid ni Yeni pababa ang mga pulis.



"Bat mo ginawa yun kanina Chi? Pano kung mas malala pa yung nangyari sayo dahil sa pag sagip mo sa akin kanina? Hinding hindi ko mapapatawad sarili ko Chi." Na iiyak ko na namang sabi.



"Sshh. Im okay now Maya wala naman nangyaring malala sa akin eh. Isang linggo lang naman na pahing a ay okay na ulit ako. Tsaka hindi kita pwdeng pabayaan Maya. Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ikaw ang nandito sa posisyon ko." Mahabang sabi niya.





Nang maka balik si Yeni ay may dala na itong pagkain. Kaya pala antagal maka balik dahil bumili pa pala siya nang makakain. Nang matapos ay pinag pahinga na namin si Chi at nang makitang tulog na ito ay lumabas naman kami ni Yeni para mag usap.




Naka sakay kami sa elevator papuntang rooftop. Mas gustong doon kami mag usap dahil mahangin. Hindi rin naman malamig ang hangin dahil summer na. Habang nag hahanap nang magandang pwesto ay nag iisip na din ako kung ano ang sasabihin ko kay Yeni. Meron naman na akong na isip hindi ko lang alam kung papano ko ito sasabihin.





"Dito na tayo umupo Maya. Eto kape mo." Panimula niyang sabi sabay abot nang kape. "Ano ba yung kelangan mong sabihin sa akin? At dito mo pa talaga gustong pag usapan?" Dagdag niyang sabi.




"Yeni gusto ko sanang umuwi nang Pilipinas. Natatakot ako sa mga susunod pang gagawin ni Monique. Hindi ako natatakot para sa sarili ko Yen. Ang ikina tatakot ko ay ang madamay kayo. Tignan mo si Chi. Nang dahil sa akin ay nandito siya sa hospital imbes na mag practise kayo nang sayaw. Kung hindi niyo lang sana ako nakilala hindi mag kaka ganito eh. Hindi magugulo pati buhay niyo." Na iiyak kong sabi sa kanya.





YENI'S POV:



"Yan ba talaga ang gusto mo? Kung sakaling tulungan kita hindi lang si Chocol ang p-pwedeng mag hanap sayo pagka uwi mo nang Pilipinas. Maraming nag mamahal sayo dito Maya. Kaya din ayaw kong umuwi ka dahil alam kong susundan at susundan ka pa rin ni Monique doon sa inyo. Sino na lang ang mag sasalba sayo pag nagkataon?" Mahabang paliwanag ko sa kanya.




Hindi lang si Chocol ang mag hahanap sa kanya pati si Haechi na rin. Alam kong higit pa sa pag kakaibigan ang nararamdam ni Chi para kay Maya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam ko at nararamdaman ko. Mas lalo ko lang napatuyan yu n kanina.




After Maya called me that they are going out to have fun for a while bigla na lang tumayo si Chi at tumakbo papuntang kotse niya. Nag mamadaling umalis hindi nga nag paalam. And yes magka sama kami kanina dahil may practise kami kasama ang mga ka grupo namin. Even Chocol is there also.





Speaking of Chocol. Hindi ko talaga siya ma intindihan. Hindi man lang siya nag punta dito para kumustahin si Chi or even called Maya to ask how is she. Inamin niya naman na mahal niya si Maya at ginagawa niya lang to para tigilan na ni Monique si Maya but damn. I really can't get her point.




"Yes Yen. Eto yung gusto kong gawin. Hindi naman p-pwedeng kayo na lang palagi ang humanap nang paraan para maging ligtas ako. Magiging ligtas din kayo pag nag ka taon." Sagot niya sa akin.




"At sana kung p-pwede ay wag mo na lang sabihin kay Chi o kay Chocol kung nasaan ako ha Yen. Pwde ba yun?" Dagdag niya pa




"Bakit pati kay Chi ay ayaw mong ipa alam?" Tanong ko sa kanya.



"Ayokong lumabas na feelingera pero hindi rin aio manhid para hindi ma gets ang mga ginagawa ni Chi para sa akin Yeni. Hindi rin ako pinanganak kahapon para hindi malaman. Maraming beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit palaging si Chi ang nanjan para sa akin kapag may hindi magandang mangyayari. Yung nang yari kanina ang nag pa mulat sa akin. No one would risk there selves on someone kung hindi malalim pa sa pag kakaibigan ang nararamdaman niya para sayo. Ikaw ba mag t-take ka ba nang risk na i save ako same sa nangyari kagabi?" Mahabang paliwanag niya.



Yes Maya's right. I can't take risk na i save siya gaya nang ginawa ni Chi sa kanya kanina lang. Pero may magagawa naman akong kaya kong i risk para sa kanya. Kaibigan ko siya eh.




"Mahal ka ni Chi, Maya. Mahal ka din ni Chocol. Siguro ay tama nga ang na iisip mong paraan para maka iwas. Hindi lang kay Monique. Kundi para maka iwas din sa mga kaibigan ko." Tahimik lang na naka titig si Maya sa kawalan. Pero tumango siya sa sinabi ko. 

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now