PART 34

282 3 0
                                    

MAYA'S POV:



Nagising ako nang maaga. Pero i'm not doing my usuall routine. Andito pa rin ako sa hospital. Nakikita kong tulog pa si Haechi at Yeni. Bumangon ako nang dahan dahan at nag punta sa cr pars mag ayos nang kaunti. Pag labas ko ay tinignan ko ang phone ko kung anong oras na. 10:00am na pala.




Dahan dahan akong lumabas nang kwarto. Plano kung umuwi para maka usap si Mr. Cho. Pumara ako nang taxi at sumakay din agad nang may huminto. Sinabi ko din ang address ko at di nag tagal ay naka uwi na rin ako.




Dumuretso ako sa office ni Mr. Cho. Buti na lang at nandito na siya. Tapos na siguro siyang mag supervise sa factory. Kumatok muna ako nang marinig ko ang sagot niya ay pumasok din ako agad.



"Good morning mr. Cho" ngumiti ako sa kanya.




"Good morning Maya. You're here already okay ka na ba? Kumusta si Haechi?" Tanong niya sa akin. Alam niya na pala. Siguro tinawagan siya ni Yeni.




"She's good na po sir. Sabi nang doctor ay isang linggo lang daw yung need niyang pahinga she can go back na po agad sa pag sasayaw." Sagot ko nman sa kanya.




"That's good to hear. Si Monique pa rin ba ang may kagagawan neto? Akala ko ay mabait ang batang yon bakit niya naman siya gumagawa nang masama. tsk" nang hihinayang na sabi niya




"Mr. Cho may gusto po sana akong sabihin sa inyo. Gusto ko po sanang mag request nang termination for my contract po. Uuwi po sana ako nang Pilipinas para ma iwasan pa ang mga pina plano ni Monique laban sa akin. Ayoko na pong may madamay pang iba sa mga pinag gagawa niya sa akin." Mahabang paliwanag ko sa kanya. "Kaya sana po ay ma grant" dagdag ko pa.




Tumitig si mr. Cho sa akin na parang nag iisip. Ako naman ay nag aantay lang na mag salita siya. Narinig kong bumuntong hininga siya bago mag salita.



"Ayokong bigyan ka nang termination of contract Maya dahil baka ma isipan mong bumalik dito ay makakabalik ka kaagad nang hindi na mag aantay nang matagal pa. Bibigyan kita nang isang taon na leave or mahigit pa doon hanggang sa maging okay na ang lahat. Ayokong bitawan ka dahil isa ka sa mga worker ko na madaling turuan sa gawain." Mahabang sabi niya.



Tumitig ako sa kanya at hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko. "Abg bait mo sa akin sir. Hindi ko akalaing makakahanap ako nang employer na kung tratuhin kami ay parang isang pamilya. Ikaw yung naging tatay ko dito sa bansa niyo. At si Mrs. Cho ang naging nanay ko. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Tatanawin kong utang na loob ang lahat nang to. Babalik ako pangako." Mahabang sabi ko sa kanyan habang umiiyak. Hindi ko talaga ma pigilan.





"Kelan mo ba balak umalis nang ma bilhan kita nang ticket?" Tanong niya sa akin




"Gusto ko po sana mamayang madaling araw kung kaya pong kumuha nang ticket. Ayokong malaman nang mga kaibigan ko ang pag alis ko sir. Kaya kung maari po sana ay ilihim na lang natin to?" Hiling ko sa kanya




"Kung yan ang gusto mo sige. Makaka asa ka" nakangiti man ay nakikita kong malungkot naman ang mga mata niya.




"Pero gusto ko po sanang mag paalam sa asawa niyo mr. Cho. Pwede po ba?" Hinging pahintulot ko




"Oo naman. Saglit lang at ililigpit ko lang tong mga papeles at ihahatid kita sa bahay." Nag mamadaling ina range niya ang mga papeles na nag kalat sa kanyang lamesa. Habang tinitignan ito ay nalulungkot ako. Nakaka lungkot na kelangan kong gawin tong iwan sila para lang mailayo ko din sila sa mga binabalak ni Monique laban sa akin.





"Let's go Maya" aya niya sa akin nang matapos siya




Nasa byahe kami nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko ito kaagad nang mabasa kung sino ang tumawag. Si Yeni.




"Hello! Maya nasan ka?" Rinig kong sabi niya mukhang nag kakagulo sila sa kwarto ni Chi



"Relax Yeni. Kasama ko si Papa mo. Umuwi ako para maka usap siya sa plano natin. Pumayag na siya. Papunta kami sa bahay niyo mag papaalam ako sa mama mo." Mahabang paliwanag ko sa kanya.





"Maya next time please gisingin mo ako kung gusto mong umuwi o kung may iba kang pupuntahan. Nag aalala ako sayo. Si Chi biglang na praning nang magising na wala ka dito." Mahaba niyang litanya




"Wala nang susunod Yeni pero gusto kong humingi nang sorry at hindi na ako naka pag paalam pa. Paki sabi din kay Chi." Sabi ko sa kanya. Sumagot pa siya nang Okay bago ko ini end ang call.





Pagka dating namin sa bahay ay agad kong hinanap si Mrs. Cho. Asuall doon ko siya na hanap sa garden niya. Tinawag ko siya at nang makita ako ay umaliwalas naman ang mukha niya.




"Eommonie, andito ako ngayon dahil gusto kong mag paalam. Uuwi po muna ako nang pilipinas dahil may kailangan akong gawin. Importante lang po. Mamimiss po kita mama." Pag papaalam ko sa kanya. Mama nga ang tawag ko sa kanya dahin yun din ang gusto niya. Nasanay na lang din ako.




"Kelangan ba talaga yun nak? Mag iingat ka palagi ha. Tatawagan mo ako. Tsaka balik ka kaagad dahil ma mimiss kita panigurado." Naka ngiting sabi niya sa akin.




"Mamimiss ko din po kayong lahat mama. Babalik po ako agad at opo tatawag po ako regularly po." Balik kong ngiti sa kanya.




Hindi rin naman ako nag tagal sa bahay nila. Bumalik ako agad sa factory para mag impake. Hindi ko dadalhin lahat nang gamit ko. Wala mang kasiguradohang maka balik pa ako ay hindi ko pa rin dadalhin lahat.




Habang nag iimpake ay nag message si Mr. Cho na nakapag book na daw siya nang flight. 2am ang alis nang eroplano. Aalis ako dito nang 11pm. Hindi na din ako mag papahatid pa siguro.




Nag message din ako kay Yeni. Binigay ko ang flight details ko. Gabi na nang matapos ako sa pag iimpake. Hindi rin alam nang mga kaibigan ko na naka uwi na ako kaya ni isa sa kanila ay walang pumunta sa kwarto.




Alam kong magagalit sila sa plano ko. Pero kapakanan nila ang iniisip ko. Gumawa ako nang sulat isa lang pero naka saad naman lahat nang name nila doon. Iiwan ko na lang sa pinto nila mamaya. Alam ko ring maaga sila matutulog dahil mga pagod ito sa trabaho.





Ilang oras pa ang lumipas ay may kumatok sa pinto ko. Nang buksan ko ay si Yeni pala. Sinundo niya ako para ihatid sa airport. Kinuha niya din ang dalawang maleta ko. Bago umalis ay iniwan ko muna ang sulat sa may pintuan ni Beka. Mas maagang magising si Beka kesa sa iba kaya sa kanya ko ito iniwan.





Yeni is still silent. Nakakapani bago. Pero hinayaan ko na lang din siya. Mamaya na lang ako mag papasalamat sa kanya pag dating sa airport. Pag dating ay bumaba na din agad ako.



"Yenitot salamat sa lahat nga ginawa mong pag tulong sa akin. Hinding hindi kita makakalimutan. Tsaka paki tignan na lang din yung anim ha. Pati si Chocol at Haechi. Alagaan mo din ang sarili mo. Mag update ka din sa mga socmed mo para hindi ako ma bored." Pag papagaan ko sa usapan namin.




"Be carefull also Maya. Tawagan mo ako pag ka dating mo duon okay."




Tumango ako at ngumiti bago tumalikod. Isang taon kong hinintay ang maka pag trabaho sa SoKor, isang taon din ang itinagal ko dito ngayon ay uuwi na ako dahil may tinatakasang problema.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now