9

1.6K 26 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                              SPG

                  CHAPTER 9

                  🌼-AKIRA'S POV-🌼

"WAIT....BAKIT PARANG PALIPAT LIPAT YANG PIMPLES MO??" sabi niya dahilan para mapa layo ako sa kaniya. Kagat labi pa akong napa tingala sa kisame saka hinawakan ang mukha ko.

"Huh?...Hindi ba pwedeng nanganak lang?alam mo na..." ngiting ani ko ng umiling iling ito, kasabay ng mabilis niyang pagtayo at tila paglapit sa akin na ikinabahala ko. Para akong hinahabol ng aso dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

"No. parang kakaiba eh...hmmm" sabi niya pa saka bigla nalang hinawakan ang mukha ko, nakaramdam ako ng tila kiliti sa puso ko ng gawin niya iyon, lalo na nung nagtama ang mga mata namin.

Fvck! Bakit ba ako kinakabahan? Saka bakit ba siya nakatitig sa akin. Teka!!..Hahalikan ba niya ako?OMG!!!...Nakahawak ang kamay niya sa baba ko, at todo titig siya sa akin, kaya dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko.

"SIR KURT!!AY B*LD"

Napatingin kaming pareho ng magtama ang ilong naming dalawa.

"WHAT?" asik ni Kurt sa sekretarya niya. Saka ako nito tinignan saka siya napalunok kasabay ng pagsara niya sa bibig ko.

"Hindi kita hahalikan, kapal!" Sabi niya saka ako iniwan..Kamot ulo pa akong umupo ng muli niya akong tignan na ikinakunot noo ko.

"Teka nga!!Kanina kapa nakatitig sa akin huh! CRUSH MO BA AKO?...?" tanong ko.

"Wtf!!Kapal ng apog mo huh!. Nagtataka lang ako" sabi nito.Ngumiti pa ako ng malawak.

"Sus. Imposible. Iba yung titig mo sa akin eh..parang.....parang gusto mo akong halikan" maarteng usal ko. Parang masusuka naman ang kaniyang mukha.

"Fuck. You're not my type"

"Sir!!..CRUSH MO'KO NOH?.." pang aasar ko ng lumabas siya. Sinusundan ko siya ng lakad palabas ng opisina niya.

"HOY SIR!!CRUSH MO AKO??" tanong ko ulit.


                 -KURT HANZ POV-

Kamot ulo akong humarap sa panget na babaeng ito. Parang may daga sa dibdib ko , namumula ang mukha ko sa inis.

"OH SIR? ANO? MAGANDA BA AKO? HMMM YIEEE CRUSH MOKO TALAGA NOH?" tanong ulit nito sa akin.

Fvck.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga pang aasar niya. Pero hindi ko talaga maiwasan ang magtaka sa mga pimples niyang palipat lipat.

"Stop it...hindi ka nakakatuwa" sabi ko.

"EHH??..BAKIT KA NGUMINGITI??AYAN OH!!..HAPPY PILL MO NA AKO NOH?" Muling usal nito sabay sundot sa dimples ko.

"ARAAYY!!ANO BA...LUMAYO KA NGA SAKEN" sabi ko ng bigla nyang sundutin pa ang tagiliran ko.

"KILIG YARN!!" sabi nito ng napaawang ang labi ko..Ahh kinikilig pala ah!. Tumaas lalo ang sulok ng ngiti ko, umabante ako palapit sa kaniya ng napapa atras ito, bakas sa mukha niya ang kaba.

"BAKA IKAW ANG MAY GUSTO SAKEN?PANGET?" tanong ko ng ngumuso ito.

"Gusto?Yucks hindi ah.." sabi nito..

"Tsk...by the way...sumama ka saken..." sabi ko saka tumalikod.

"Saan tayo pupunta??"

"Andami mong tanong!" Asik ko.

"SIR HA!! ALAM KO NAMAN NA GUSTO MO AKO PERO WAG MO AKONG DAANIN SA DAHAS PARA SUMAMA.." Usal niya.

"TIGIL MO NGA YAN PARA KANG TANGA!!HINDI KITA PAPATUSIN..." sabi ko pa..

Hangin amp.

Nauna akong sumakay sa kotse ng sumunod ito, mabilis pa ang pagmamaneho ko ng ihinto ko na ito sa dapat kong patutunguhan.

"Hala!!Sir!WAG! VIRGIN PA AKO...PERO KUNG GUSTO MONG TIKMAN AT KUNIN ANG AKING PAGKA BIRHEN AY SASAMA AKO! IBIBIGAY KO NG TAOS PUSO...HANDA AKONG KAININ YAN, HANDA KITANG LUHURAN..." sabi nito sabay tingin sa akin..

"Eto bente pesos...pamasahe mo pauwi sa bahay ha!!.." sabi ko na ikinaawang niya.

"Huh?Sir akala ko ba magkakainan pa tayo?" tanong niya, para akong mabubulunan sa sarili kong laway sa kahanginan ng panget na ito.

"ANONG MAGKAKAINAN!!.." tanong ko.."Bumaba kana!!Bilis" saka ko siya tinulak palabas.

Nang maka alis siya, pumasok na ako sa loob ng hotel para sana surpresahin si Athena, may nagsabi kase na nandito daw siya. Ewan ko kung sino kameet up niya pero gusto kong malaman.


                    -AKIRA'S POV-

Inis na inis nga akong umuwi ng bahay. Nakakabwesit!!GRRRR!!Feeling niya, kapal ng mukha niya. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at nung nagsawa nga ako'y malalim akong humingang humarap sa malaking salamin.

Tinanggal ko ang mga pekeng pimples sa mukha ko,at ang kulot na buhok ko..Napangiti pa akong hinaplos ang mga mata ko ng natanggal ko ang pekeng kilay ko na makapal.

Maganda naman ako?.

"Akira! Kelan kapaba magtatago sa panget na mukha para lang hindi ka makilala?" tanong ko sa sarili ko.

Saka bakit ba ako naiinis? Bakit ako natutuwa kapag iniinis ko yung lalaking yon?..Imposible namang~....gusto ko siya?HUH!..FVCK NO WAY!


             -KURT HANZ POV-

Pagkauwi ko ng bahay , didiretso sana ako sa kwarto ng makita kong tila bukas ang kwarto ng panget na iyon.  Ayoko sanang lumapit, pero may kung anong magnet ang humihila sa akin para sumilip sa maliit na siwang sa pintuan. At dito, halos manlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko.

Fvck!!.

Its true. Ilang beses akong madiing napalunok sa nakikita ko kung paano niya tinatanggal ang mga peke niyang pimples, kung paano bumagsak ang maganda at tila malambot niyang buhok. Napaawang ang labi ko ng makita na ang tunay na tagong kagandahan niya.

Siya!.

Yes...fvcking her...siya yung babaeng ilang beses ko ng nakita...at siya ang babaeng dapat na ipapakasal sa akin....but why she hiding? Bakit siya nagtatago sa panget na mukha kung todo naman siyang magpakilalang kasambahay ko?...Why?...Hindi paba niya ako kilala? Hindi niya ba alam na ako ang magiging asawa niya?...

"ITS YOU" sabi ko.

Nanlalaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Nagulat pa nga ito at tumalikod pa sa akin.

"YOU CANT HIDE ANYMORE!!..I KNOW...I SAW YOU!! THE LONG LOST DAUGHTER OF MR. SANCHEZ RIGHT?" madiing boses na tanong ko.

TO BE CONTINUE

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now