50

2.7K 36 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

  CHAPTER 50--LAST CHAPTER
  : TRIPLETS × WEDDING
 

   -AKIRA'S POV-

"Ayan, ang ganda ganda mo na. bagay na bagay sayo ang gown na napili ni Kurt" usal ng bakla na nag aayos sa akin.

Ngumisi lamang ako at tinignan ang sarili ko sa malaking salamin..Aminin ko man o hindi pero sobrang saya ko ngayong araw na ito..Marahan ko pang hinaplos ang tiyan ko, hasyt.. ilang buwan lang at lalabas na ang baby namin..Pero ang dapat ko munang isipin ngayon ay etong kasal naming dalawa..Pagkatapos akong ayusan, lumabas na rin kami at kanina pa daw naghihintay ang mga bisita sa simbahan.

Pagkapasok ko sa kotse, nagpaalam na ako sa mga nag ayos sa akin. Malakas ang kabog ng dibdib kong tinitignan ang bawat dinaraanan namin..Hindi ko alam na darating din pala ako sa point na ito, ang ipakasal sa taong talagang ipapakasal sa akin noon, na tinaguan ko pero siya rin pala ang taong nagpatibok ng puso ko at tinuruan akong magmahal.

"Manong pakibilisan naman po oh" sabi ko kay Manong driver.

Bumilis nga ang pagpapatakbo nito, pero halos manlaki ang mga mata ko ng bigla nalang nahinto ang kotse na halos mapasubsob pa ako.

"Naku!!"

"Manong anong nangyari? Bakit tayo huminto?" nababahalang tanong ko.

Kamot ulo siyang yumuko.

"Maam, nasiraan po yata tayo" sabi nito.

"Ha?ngayon pa? Umay!!Manong ilang minuto nalang magsisimula na ang kasal ko" hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Hinintay ko siyang lumabas, at ayusin kung anong sira.

Pero inis na akong bumaba habang nakahawak sa gown ko.

"Manong matagal paba yan?" tanong ko

"Maam, flat po yung gulong" usal niya saka kamot batok

Inis akong napairap sa kawalan at tumingin sa kalsada.

Bakit ngayon pa?!..
Owemji!!..aabot pa ba ako?.
Para na nga akong may bulateng palakad lakad sa gitna ng kalsada para maghanap ng sasakyan.

"Akira??'" Isang boses ang narinig ko at isang kotse rin ang huminto sa gilid.

Unti unting bumaba ang babaeng nasa loob nito  at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko.

"Ms.Veronica?" gulat kong usal.

"Anong nangyari?!..Naku nasiraan ba kayo? Hala sya halika na bilisan mo, magsisimula na ang kasal mo...Akira halika na" mabilis niya akong hinila pasakay sa kotse nya.

"Sige maam ako na bahala dito" sabi ni Manong na iniwan namin.

Pagkarating sa simbahan hasyt thanks god, at hindi pa ako late. Akala ko talaga, palpak na naman ang kasal ko.

Bago ako bumaba ng kotse, hinawakan ni Ms.Veronica ang kamay ko saka ako mahigpit na niyakap.

"Congratulations anak, nawa'y maging masaya ang inyong pagsasama" sabi niya na tinanguan ko.

"Maraming salamat ma...sige na po, mauna na kayo at nais kong ipakilala sa in~" hindi ko natuloy ng ngumiti siya.

" i know him siya nga ang humanap sa akin at inimbita ako sa kasal mo" sabi niya. Nagulat pa nga ako dahil dun

Ginawa yon ni Kurt?.

Bumaba na nga sya, at saka ako sumunod. Pagkababa ko sa kotse, saktong pagtayo ng mga taong nasa loob ng simbahan, hangang hanga ang kanilang mga matang nakatitig lang sa akin.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now