𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
CHAPTER 35
:WILL YOU MARRY ME
-THIRD PERSON POV-"How's my daughter?" malamig ang tono ng matandang lalaking tanong sa ate ni Akira. Nanlalamig ang kaniyang buong katawan sa kaba at takot na bumalot sa kaniya.
Gusto niyang ngumiti, pero tila hindi niya iyon magawa. Ibinaba ng matandang lalaki ang hawak niyang baso na naglalaman ng alak bago ito tumayo.
"D-dad. You're back?" garagal ang boses nitong pagbigkas. Parang hindi pa rin siya makapaniwala, nang makalapit ang kaniyang ama. Tinangka niya itong mahigpit na yakapin, pero nanlaki ang kaniyang mga mata ng isang malakas na pagsampal ang iginawad nito sa kaniya.
Parang namanhid ang kaniyang mukha dahil dun. Mas lalo na ng bigla siyang sinakal nito.
"D-dad!!.." pigil niya. Pilit niyang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ama upang pigilan ito, napasandal siya sa pader, at kitang kita sa kaniyang mukha ang paghirap nito sa paghinga.
Nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata, halos madapa naman kakatakbo ang kaniyang ina na halos kadarating lang din para pigilan si Mr.Sanchez.
"OMG! WHAT THE FUCK ARE YOU DOING WITH MY DAUGHTER?" singhal na tanong niya. Saka itinulak si Mr. Sanchez.
Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ng mag ina ng dumilim ang awra ng mukha ng taong nasa harapan nila. Isang pagngising nakakatakot ang sumilay rito bago niya hinarap ang asawa niya.
"ANONG KLASENG ITSURA YAN?!. SAKA SAAN KA GALING? BUTI BUMALIK KANA!.." nanginginig ang kaniyang asawang tanong nito sa kaniya.
"IKAW SAAN KA GALING HA? TAPOS KANA BANG WALDASIN ANG PERA KO? TAPOS KANA BANG MAKIPAGKITA SA LALAKI MO!" asik ni Mr.Sanchez sa kaniya.
"What are you saying?Nababaliw kana ba?!Galing ako sa opisina. Kase etong anak mo sa labas na si Akira bida bidang inaagaw iyon!Akalain mo bang pinalayas sa opisina itong anak natin" sumbong ng kaniyang asawa sa kaniya.
"Talaga?" Seryosong tanong ni Mr.Sanchez.
Alam niya na ang lahat. At sa puntong ito, hindi niya na halos magawang pigilan ang gigil at inis sa dalawang taong nasa harapan niya. Lalo na at alam niyang sila din ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang naunang kinakasama, ang ina ni Akira. At higit sa lahat sila rin ang may pakana kung bakit siya nahulog sa hagdan.
___
~FLASHBACK~
Galing sa opisina si Mr.Sanchez nung gabing iyon, pagod na pagod ang katawan niya. Kaya naisipan niyang dumiretso na lamang sa kwarto para magpahinga, pero nahinto siya sa paglalakad ng makarinig siya ng dalawang boses na nag uusap.
Kumunot ang kaniyang noo na inilapit ang tenga sa pintuan ng kwarto na iyon, at dito niya malinaw na narinig ang boses ng kaniyang asawa at anak na nag uusap ng masinsinan.
"KAILANGAN TALAGANG MABURA YANG AKIRA NA YAN SA BUHAY NATIN!" singhal ng kaniyang asawa.
"Mom, wala na nga siya dito sa bahay diba?hayaan nalang natin siya. Total, napaikot naman na natin si Daddy! Na ako ang tunay niyang anak, at ako?magbubuhay prinsesa bilang isang sanchez" natatawang rinig na boses na sabi ng kaniyang anak.
"GAGA KABA?!..HANGGAT BUHAY SIYA WALANG KASIGURADUHAN, BAKA MAMAYA ANG YAMAN NA PARA SAYO AY KAHATI MO PA SIYA!!..OH SIGE NA! PUPUNTA NA AKO SA TATAY MO! MAGKIKITA PA KAMI, AT KAPAG DUMATING YANG DADDY MO! SABIHIN MONG MAY MEETING LANG AKO HA" sabi ng kaniyang asawa.
YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.