𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
SPGCHAPTER 25
PAG IWAS NI KURT KAY AKIRA-AKIRA'S POV-
ILANG beses ko na ngang sinasampal ang sarili ko. Dahil na rin sa katangahan na ginawa ko, nakakainis. Bakit pa kase ako sumama na mag date, bakit pa ako lumabas, gayong alam ko naman na may humahabol at gusto akong patayin.
Arrghh! Oh my ghost!!..Pero no! Hindi naman kasalanan ni Ken kung sisisihin ko siya diba? Dapat nga magpasalamat pa ako, kasi palagi siyang anjan to save me. Kagaya nalang nung iwan ako ng date ko, siya ang sumalo at nung nakidnap ako, siya rin ang nagligtas sa akin. Ang dapat ngang sisihin dito ay si Kurt, yes fuckig hell siya! Kasi kung hindi niya ako iniwan sa date namin, edi sana siya ang kasama ko, edi san~..
Naputol ang kung ano anong bangayan sa isip ko ng bumukas ang pintuan ng ospital. Tinambad nito dito si Ken na may hawak na prutas, hindi maipinta ang mukha niya, kulang nalang ay mapunit ang labi niya sa kakangiti sa akin.
"Hey! I bought you some fruits" sabi niya saka lumapit sa akin. Hindi ko alam pero may kung ano sa sarili ko ang pilit pang sinilip ang pintuan, umaasang may kasunod siya, umaasang bubungad ang nag aalalang mukha niya. Pero nalukot ang mukha ko sa inis ng ang taong inaasahan ko ay wala para bisitahin ako.
"Oh? Bakit bigla yatang lumukot mukha mo? A-ayaw mo bang nandito ako?" si Ken sa seryosong boses. Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kamay niya, dahilan para matigilan ito at sundan iyon ng tingin.
"Ken....ahhh eh!!Nasaan si Kurt?" hindi ko na nga naiwasang tanungin sa kaniya, hinila niya ang kamay niya bago ito nagsalita.
"She's with Athena" sabi niya sa malamig na boses. Tumango tango pa ako, pero ang totoo. Nasasaktan ako. Napahamak na ako't lahat, pero si Athena pa rin ang kasama niya. Wala ba siyang puso para hindi mag alala sa akin.
//ILANG ARAW ANG LUMIPAS//
Wala naman akong natamong sugat kaya nakauwi na rin kami. Ramdam ko pa ang panghihina sa katawan ko, pero kaya ko naman na ang gumalaw. Umagang umaga palang, naghihintay ako sa pagbaba ni Kurt, gusto ko kasi siyang makausap. Nang makita ko siya, agad akong tumayo sa sofa na kinauupuan ko.
"Ahh good morning" sabi ko. Pero tila isa akong hangin sa kaniya ng nilagpasan niya ako, para akong nabalot ng hiya dahil don.
Wala siyang emosyon, at nananatiling seryoso ang mukha niya, nanlilisik ang mata niya. Pero may napansin ako sa mukha niya, may pasa siya. At tila pumutok ang labi niya, agad akong lumapit.
"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko saka hinawakan ang pisngi niya para iharap sa akin, nakita ko pa ang pagkagulat sa kaniyang mukha sa ginawa ko.
"Leave me Alone Akira" madiing sabi niya ng bahagya niya akong itinulak, pero humarang ako sa dinaraanan niya.
"Nakipag away kaba??. Nakipagsuntukan ka?Kanino?Sa mga bumabastos kay Athena??..Saka?Teka nga?Saan ka galing kagab~" hindi ko natuloy iyon ng walang gana niya akong tinitigan.
"CAN YOU PLEASE STOP FUCKING ASK ME? YES! NAKIPAG AWAY AKO...TO SAVE MY GIRL AT WALA KA NG PAKE DUN" sabi niya, tila nanlamig ako at namanhid sa sinabi at ikinilos niya
"I was just ask~".
"I DONT NEED YOUR FUCKING FAKE CONCERN!!JUST LEAVE ME ALONE..." singhal niya pa. Kumunot lalo ang noo ko, napatingin ako sa hagdan ng marinig ko ang yapak ni Ken. Nakita ko pa ang pagngiti niya sa akin, kasabay ng pag alis ni Kurt. Nagkalasubong silang dalawa, pero ang hindi makapani paniwala. Hindi rin siya pinansin ni Kurt...Ano bang nangyayari sa kaniya?..Putok yung labi niya. Kanino naman siya nakipag away!.

YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.