𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
CHAPTER 33
:KAKAIBANG SUYO-THIRD PERSON POV-
MALALIM na ang gabi at naiirita na ang mukha ni Kurt, tila magkakaroon na nga siya ng pigsa sa pwet habang nag hihintay sa pagdating ni Akira.
Ilang beses na siyang pabalik balik ng tingin sa kaniyang relos, naningkit pa ang kaniyang mga mata ng marinig ang pagbusina ng kotse mula sa labas.Agad siyang tumayo mula sa sofa. At hinintay ang pagpasok ng babaeng kanina niya pa hinihintay, alam nitong sinadya niyang magpagabi dahil siguro sa nakita niya kanina.
Unti unting bumukas ang pintuan, walang emosyon niyang tinitigan ang napaka among mukha ni Akira. Pero bakas na bakas naman sa mukha ng dalaga ang inis.
"Bakit ginabi ka?Saan ka galing?" malamig ang tono ng boses ni Kurt na tanong kay Akira, pero imbes na sagutin ito ng dalaga, ay dire diretsong nagtungo sa kusina na tila nagdadabog ito.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang ginawa ng binata at sinundan ito.
"Im asking you" tila may pagbabanta sa boses ni Kurt.
"Sa opisina. Saan paba?" singhal ni Akira.
"Bakit ka galit? At bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko edi sana nasundo kita" sabi ni Kurt. Narinig niya ang nakaka asar na pagak na pagtawa ni Akira.
Ano bang nakakatawa.
"Bakit ko naman sasagutin tawag mo? Eh mukha namang busy ka!" Singhal ni Akira at umupo ito sa harap ng pagkain.
"Im not busy." Sabi ni Kurt.
"Oh tapos?" sabi ni Akira.
Kumunot ang noo ni Kurt at lumapit kay Akira. Nagawa niyang hawakan ang kamay ng dalaga, ramdam na ramdam niya ang galit nito at hindi rin alam kung paano nga ba ipapaliwanag sa kaniya ang lahat.
"Bitawan mo ako" gigil na sabi ni Akira.
"Tsk. Kumain kana, pinaghanda kita ng paborito mo" sabi ni Kurt sa malamig na boses. Pero nagulat siya ng tinitigan siya ni Akira sa hindi malamang dahilan.
"Ano ba talaga tayo?! I mean ano bang label tayo?Bakit mo ako binibigyan ng motibo para umasa?! Sino yung babaeng 'yon?girlfriend mo! Anong ginawa nyo pagkatapos magmall? Nagchukchakan sa hotel" tanong ni Akira sa panggigigil na paraan ng boses.Tumaas ang kilay ni Kurt..at iniisip kung ano ang sinasabi nitong babaeng kaharap niyang chukchakan.
"Chukchakan?" tanong ni Kurt.
"Oh come on! Wag kang magfeeling na hindi mo alam?!..Nagkainan?Nag ugh ugh sa motel ganun?!..Tapos umaasa kang sasagutin ko tawag mo?. Infairness, maganda siya! Bagay na bagay kayo" singhal ni akira saka ito inis na tumayo dala ang shoulder bag niya.
"Hey! Hindi kapa kumak~" hindi nagawang ituloy ni Kurt ang mga dapat niyang sabihin ng magsalita si akira.
"Kumain ka mag isa mo!" Singhal nito saka dumiretso ng lakad, pero nahinto ito ng isang kamay ang pumigil sa kaniya. Naramdaman ni akira ang inis sa kaniyang sarili, hindi niya alam kung tama paba na umasa? Na ang binatang ito ay gusto rin siya.
Oh tanga lang siya para mag assume! Walang gana niyang tinitigan si Kurt. At may kung anong bilis ng tibok sa kaniyang dibdib ng magtama ang mga mata nilang dalawa, hindi niya pa rin maiwasan ang mamangha sa taglay na kagwapuhan ng lalaking nasa harapan niya.
Kahit na seryoso ang mukha nito, ay talagang napaka amo. May makapal na kilay, makinis na mukha, matangos na ilong at mapulang labi na tila inaakit siyang halikan. Bumaba pa ang tingin ni akira sa leeg ni Kurt, at mas nakaka akit ang adams apple nito na sa tuwing lulunok siya ay kitang kita.

YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
AléatoireBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.