𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
CHAPTER 45
TRIPLETS-AKIRA'S POV-
____
Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Kurt ng magkita kami dito sa park.
Nagbalat Akira ako ngayong araw, dahil sa naging usapan naming dalawa.
Ewan ko rin kung anong problema nito at ilang beses siyang tumatawag kagabi at nangungulit.
"How are you?Wala bang masamang nangyayari sayo don?" seryosong tanong nito.
"Im okay, how about you? Bakit ka pala nakipag kita. May sasabihin kaba?" tanong ko ng bigla niya akong taasan ng kilay.
"What the...hindi mo ba ako namimiss?" Asik nito na ikinailing iling ko.
"What the hell...hindi mo ba talaga ako namiss?Walangya oh!!..Hindi tala~" hindi nito nagawang ituloy ng bigla ko siyang kurutin sa pisngi niya.
"Miss kita napaka Oa mo! Ano ba gagawin natin?" Tanong ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko saka ako nginisian.
"We're going to date" usal niya saka ako hinagkan sa labi.
Ramdam ko ang init ng kaniyang labi na idinampi sa akin habang nakahawak ang kamay niya sa braso ko.
"Im fucking miss you hon!" Bulong nito sa akin.
Isang pagngisi ang ginawa ko kasabay ng paghawak sa kaniyang kamay para haplusin iyon.
Fuck...I miss him too.
_
Halos malibot na nga namin ang buong park, pero wala pa ring humpay ang energy nitong kasama ko sa pagngiti.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, at ramdam na ramdam kong miss na miss niya nga ako.
Isang linggo kaming hindi nagkita, at alam ko ang nararamdaman niya.
Huminto kami sa isang malaking puno na malapit sa isang sapa.
Nakita kong kumuha siya ng isang bato saka ito inihagis roon bago ngumingiting tumitig sa akin.
"So tell me kamusta ka dun?" Tanong nito.
"Im literally fine" sabi ko.
"Baka mamaya may iba kana dun ah" sabi niya saka ito ngumuso na pagak kong ikinatawa.
"Ikaw? Ipagpapalit ko?!.." pang aasar ko sa kaniya bago ako umiling iling na niyakap siya.
"Hindi man halata, pero miss na miss na miss na rin kita" sabi ko habang hindi pa rin bumibitaw mula sa pagkakayakap ko sa kaniya mula sa kaniyang likuran.
_
Lumalalim na ang gabi ng hindi nya ako pinayagan na bumalik sa dapat kong puntahan, at sa halip dinala niya ako sa bahay nila.
Papasok pa nga lang kami nakita ko na si ken na nasa sofa at nanonood ng tv, ng makita nya ako sumeryoso itong napatango saka lumapit.
"Oh bakit yan nandito??" Tanong nito kay Kurt.
"Masama bang dalhin ko ang asawa ko dito?" Singhal na sagot naman ni Kurt.
"Bakit may sinabi ba ako?Nagtatanong lang ako" sabi naman ni ken saka umirap.
Nang biglang isang malakas na pagtikhim ang pumigil sa pagtatalo ng dalawa, dahan dahan na bumaba mula sa hagdan si Mr.Robert.
Mukha itong may lakad na pupuntahan batay sa suot niya.
YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.