49

1K 17 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

                       CHAPTER 49
                     : PROPOSAL

   -AKIRA'S POV-

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, palagi kong tinitignan ang cellphone ko para alamin kung tumatawag ba sya o nagtetext.

Pero para akong masisiraan ng ulo ng wala pa rin hanggang ngayon..Fuck..pinagpalit naba talaga nya ako?.Hindi nya na ba talaga ako mahal?!..Napanguso akong agad na tumayo mula sa kama at tumingin mula sa malaking salamin..Dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam, at ni hindi manlang nya nagawang alamin kung anong kalagayan ko..Bonak siya...Ano tingin nila sakin tanga? Para maniwalang nagka amnesia siya.

Gosh!!..

Sa likod yung tama!!..buti sana kung nasa likod yung utak nya...gigil na gigil akong napairap sa sarili ko, at bigla nalang bumukas ang pintuan.

"D-dad?What happen?" Nag aalalang tanong ko ng makita ang mukha nya.

"I...i have something to tell you" sabi nito sa garagal na boses.

"Ano ba yun dad? S-saka bakit ganyan ang mukha mo? May masama bang nangyari?" Sunod sunod kong tanong.

"S-si Kurt" sabi nya.

"Tsk..dad, yes...niloko niya ako, pinagpalit nya ako...at siguro nga hindi nya ako kayang panagutan" sabi ko pa ng umiling ito.

"N-naaksidente sya" sabi ni Daddy

Awtomatikong napatigil ako, namanhid ang buo kong katawan. Pero pagkuwan ay malakas akong tumawa, pero nananatiling naka seryoso lang ang mukha ni Daddy.

"Dad, hindi nyo na ako mabibiro okay?. Kung ayaw nya sa akin edi wag, hindi yung kung ano anong kaprangkahan ang pinaggagagawa nya" sabi ko pa saka umupo sa kama.

"Pero toto~" hindi ko pinatuloy si daddy ng umiling akong sinarado ang pintuan.

Wala ako sa mood para makipag biruan, at saka ako humiga sa kama para magpahinga nalang. Pero ilang minuto pa lang ang lumipas ng tumunog ang cellphone ko.

Live news ang bumungad sa akin.

"Isang karumal dumal na aksidente ang nangyari sa isang binatang Kurt Gomez Lee, dahil sa pagkabangga nito sa isang malaking tru~" hindi ko nagawang ipagpatuloy ang mga pinapanood ko ng biglang ipinakita sa screen ang isang duguan na isinakay sa ambulansya.

Si Kurt at Ken.

Fuck..

Para akong nawalan ng buong lakas at mabilis na inihagis sa kung saan ang cellphone ko bago tumakbo papalabas ng kwarto.

"Dad!!..Dad si Ken at Kurt!!" Halos umagos na ang luha ko sa sobrang kabang sinabi kay Daddy ang mga napanood ko.

Sa sinabi ng aking ama, hindi ako naniniwala...but fuck...this live news totoo ang lahat!!..

Malakas ang paghagulgol ko, at hindi ko na kaya pang huminga ng normal, paulit ulit akong sumisigaw ng malakas sa driver para bilisan ang pagpapatakbo papunta sa ospital na nasa screen kanina kung saan sila dinala.

"Dad...si Kurt.." iyak ko kay Daddy.

Namumula na ang mata ko ng sumugod kami sa ospital...maraming mga lalaki, ang sugatan ang kanilang mukha, paa dahil nga sa aksidenteng iyon..Domoble ang kaba na nararamdaman ko ng mapunta ako sa isang kwarto kung saan sinabi na nandun ang kambal na si ken at kurt.

"Ikaw?" Hindi makapaniwalang bigkas ko ng makita ang babaeng nakita ko nun.

Umiiyak siya habang nakatakip sa kaniyang bibig na tila hindi matanggap ang mga pangyayari.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now