𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
CHAPTER 36
:A GUN
-THIRD PERSON POV-ABOT langit ang ngiti ni Akira habang hindi mawala wala ang kaniyang tingin sa daliri niya. Hindi niya kasi maiwasang itago ang kilig na nararamdaman niya sa ginawa ni Kurt. Para siyang paulit ulit na sinusundot sa bewang, na kulang nalang yata ay maging baliw na siya.Sino ba namang hindi diba?Kung ang isang taong mahal na mahal mo ay magpropropose sayo~ accckkk!! Pero bigla lang napanguso si Akira ng maalalang sa kama pala nagpropose si Kurt.
"What's that smile honey?" nakangiting tanong ni Kurt ng lumabas ito galing sa kusina. Nanlaki ang mga mata ni Akira at nagkunwaring sa mga pagkain nakatuon ang kaniyang mga mata.
Tinanggal ni Kurt ang damit niya ng maramdaman ang init dito. Siya kasi ang nagluto ngayong umaga, dahil gusto niyang iparamdam kay Akira kung gaano ito kahalaga sa kaniya. Napasilay pa ang nakakalokong ngiti ni Kurt ng bigla niyang kinurot ang pisngi ni Akira.
"You're so fucking cute hon. Ang galing mong magkunware, but you can't hide it! Because i see it in your eyes" usal ni Kurt.
"Pinagsasabi mo?" Sabi ni Akira.
"Tsk. You're blushing." Panunukso ni Kurt sa kaniya.
Umirap si Akira sa hangin at nag iwas agad ng tingin ng sumeryoso ang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Sobrang nakakatunaw ang mga titig ni Kurt na hindi kayang tagalan ni Akira, parang mahihimatay siya kapag nilabanan niya iyon.
Ah fvck.
Ano bang nangyayari sa kaniya?! Eh nagpropose lang naman sa kaniya si Kurt, bakit tila hindi na siya makatingin dito ng diretso, bakit siya nahihiya.
"Im not blushing! Ahh ano ba!" angil niya ng biglang pinindot ni Kurt ang ilong nito.
"Bakit ka namumula?And why didn't you look at me?" Singhal ni Kurt sa kaniya.
"Anong namumula?!..Hindi ah!.." sabi ni Akira.Ngumiti lamang si Kurt ng bigla niyang kinuha ang kamay ng babaeng nasa harapan niya para hagkan iyon ng marahan.
Hindi niya lubos akalain, na mararamdaman niya ang mga bagay na tila nagpapabakla sa kaniya.Para siyang babae kung kinikilig kapag nagtatama ang mga mata nilang dalawa ni Akira.Parang may kung anong mahika sa kaniyang labing bigla nalang ngumingiti kapag nakikita ang mala anghel na mukha ng kaniyang mapapangasawa.Sobrang gaan sa kaniyang loob.
"I love you hon, sobrang ganda mo palagi. Ewan ko ba, pero aaminin ko. Kinikilig ako sa mga ngiti mo, siguro...kahit iwan na ako ng lahat, kahit walang wala ng matira sa akin, basta nandyan ka..Patuloy akong magiging buo, kasi ikaw~...ikaw na yata ang kinikilala kong pahinga sa nakakapagod na mundo" sabi ni Kurt.
Hindi makagalaw si Akira, at ramdam na ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang katawan.
"Hinding hindi ako papayag na mawala kapa sa akin. At ayokong mapunta kapa sa iba, iniisip ko palang~ parang ayoko nalang mabuhay." Ngiting dagdag nito.
Bumukas ang bibig ni Akira para sana magsalita ng biglang~ sunod sunod na pagkatok mula sa pintuan ang narinig naming dalawa. Napakamot sa ulo si Kurt at inis na tumayo, inaakala niyang ang kakambal niya ito.
"ANO??" singhal niya pang sigaw na tanong~ at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita kung sino iyon.
Napalunok siya ng mariin, at tila nakaramdam siya ng kaba. Parang nawala ang angas sa kaniyang sarili, at kung pwede lang na lamunin na siya ng lupa ay nagpalamon na siya sa kahihiyan na ginawa niya.
YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.