𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
SPGCHAPTER 20
🌼-AKIRA'S POV🌼
F A S T F O R W A R D
Dahil sa ginawa ni Ken na pang bubulabog mula sa labas, umalis si Ate kaya malaya kong tinanguan si Kurt para sabihing okay na.
Lumabas ako sa kwarto na iyon at nagtungo sa kwarto ko para kumuha sana ng mga gamit, ang kaso.
Hindi makapaniwalang bagay ang mga nakita ko.
Isang larawan ang nasa kama ko, si Papa at isang babaeng hindi ko alam.
Bata pa sila dito, pero ang ipinagtataka ko kung sino ba ang kasama ni Daddy na babaeng ito.
Mas kumunot pa ang noo ko, sa susunod na larawan~..isang batang baby...
Pailing iling ko nalang kinuha iyon, baka magamit ko kung ano nga ba talaga ang katotohanan.
Kinuha ko lang ang mga kailangan ko saka ako lumabas.
"Sino yan?" rinig kong tanong ni Ken kay Kurt
"Andami mong tanong, buksan mo nalang yung kotse" utos ni Kurt sa kaniya.
"Papa ko siya" sabi ko naman bago ako ngumiti ng pilit.
Hindi ko dinala si Papa sa bahay ni Kurt kasi nakakahiya naman diba.
Kaya ang naisip ko lang na paraan, ay ang ipaubaya muna si Papa sa isang kapatid niyang doctor na alam kong mapag kakatiwalaan ko.
Dumiretso kami roon nila Kurt, sinabi ko na rin na dapat walang makaka alam na nandito siya at nasa kamay siya ni Tito.
Pinaliwanag ko ang lahat sa kaniya, bago naisipan na bumalik sa labas.
Pero pag dating ko sa kotse, halos umawang ang labi ko sa nakikita at naririnig ko na pagtatalo ng dalawa.
"Mas masarap toh tol"
"Tsk masarap nga hindi naman niya magugustuhan yan" -Kurt.
"Tol magugustuhan niya toh!!.."
"Mas masarap toh!!" -Kurt.
"Hindi..mas pipiliin niya toh, kasi cute ako" singhal ni Ken.
Kumunot pa ang noo ko sa mga hawak nila, pagkain at inumin.
"Oh ayan na pala si Baby girl" sabi ni Ken na mas naunang lumapit sa akin.
Ngiting ngiti pa nga ito bago inilahad ang hawak niya.
"Ano yan?" asik ko.
"Hindi ka naman tanga Akira diba?Eto oh pagkain..." sabi niya ng sabunutan ko ang buhok niya.
"Ah tanga pala ako?" tanong ko ng kumamot ulo siya.
"Huh?Nasabi ko ba yon?Wala akong sinasabi ah...sabi ko ganda..." sabi niya pa saka kumagat labi.
Fvck...ang cute!!Hshshs..
"I heard it...tinawag ka niyang tanga" sabi ni Kurt , tumingin kaming pareho sa kaniya, ng makita ang kakaibang titig niya sa akin.
Kumunot pa ang noo ko ng lumapit siya at inilahad ang hawak niya.
"You're favorite" sabi nito...
Tinaasan ko siya ng kilay ng tinanggap ko ito.
"ANAK NG TOKWA? BAKIT YUNG SA KANIYA TINANGGAP MO??..MASARAP NAMAN TONG AKIN AH" sabi ni Ken..Hindi ako kumibo ng pumasok na ako sa kotse.
"HOY BABY GIRL!!..BINILI KO TOH PARA SAYO!!SIGE NA OH!!MAS MASARAP TOH PROM~" hindi nito natuloy ng magsalita si Kurt.

YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.