𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
CHAPTER 39
-AKIRA'S POV-
"K-kurt. Im sorry" hinging patawad ko sa kaniya.
Alam kong nasasaktan siya sa mga nakikita niya ngayon.Lalo na at talaga namang nabugbog ng todo ang mukha ni Mr.Robert.
Hindi rin ako makapaniwala na ginawa iyon ni Daddy sa kaniya, lalo na at matalik silang mag kaibigan.
Sandaling ibinaba ni Kurt ang hawak niyang prutas at tumayo sa kinauupuan niya.
Marahan niya akong inakbayan palabas ng kwartong iyon at seryosong tinitigan. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkadurog.
"Wala kang kasalanan dito." Sabi niya.
"Pero dad~" hindi ko natuloy iyon ng hawakan niya ang kamay ko at ilapat iyon sa dibdib niya.
Sobrang lakas ng pintig ng dibdib niya.
Napakunot pa ang noo ko ng biglang may kung anong sakit ang dumaan sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Kung ano man ang pagtatalo na meron sila, labas tayo don okay? Ang gusto ko lang mangyari at hilingin sayo. Hon, be strong! Sana kahit ano mang gulo ang pumagitna sa ating dalawa, wag kang susuko, wag kang bibitaw" sabi niya.
"O-oo naman" garagal na boses kong sabi.
"Promise?! Ayokong mawala ka Akira!." Sabi niya pa at saka ako mahigpit na niyakap, kasabay ng paghalik niya sa noo ko.
_
Inihatid lang ako ni Kurt sa labas ng ospital, dahil hindi niya pwedeng iwan si Mr.Robert don ng mag isa.
Pagkauwi ko ng bahay, mabilis akong pumasok para hanapin si Daddy. I want to talk to him.
Pero halos mamanhid ako at hindi makahakbang ng makita si Louie na tila nagulat din sa pagbungad ko.
Napakunot ang noo ko ng bigla nalang sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.
What the hell he doing here?!.
Napatingin ako sa sala ng makita ko si Daddy.
Nakataas ang noo niya habang lumalaklak ito ng alak.
"What are you doing here?" Tanong ko kay Louie.
"Hi. Nandito ako kase pinatawag ako ng daddy mo" sabi niya saka ako tinalikuran.
Inis akong sumunod sa kaniya, inilapag ko ang bag sa lamesa at seryosong tinitigan si Daddy.
"Dad can we talk?" sabi ko.
"Oh anjan kana pala." Sabi niya saka ako tinignan.
"I need to talk to~" hindi ko nagawang ituloy ng ngumiti si Daddy at magsalita.
"Talagang mag uusap tayo." Madiing sabi niya.
"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo siya sinuntok? Ano ba nangyari?!" sunod sunod kong tanong.
Pagak siyang natawa.
"ISA SIYANG MAGNANAKAW! KAYA KULANG PA YONG GINAWA KO SA KANIYA" asik nito.
"MAGNANAKAW?SERIOUSLY DADDY? SA TAGAL NG PAGSASAMA NYO BILANG KAIBIGAN?! BAKA NAGKAKAM~" hindi ko natuloy ng malakas at nakakabinging tunog ang ginawa niya.
Inihagis niya ang bote ng alak sa sahig sa sobrang galit saka ako idinuro.
"ALAM MO BA KUNG GAANO KAHALAGA SA AKIN YUNG KOMPANYA NA 'YON HA!!..ISA SIYANG GAG*NG KAIBIGAN!!..KAYA IKAW!!..HINDI KITA PAPAYAGANG MAIKASAL SA ANAK NIYANG ISA DING BASTARDO!" singhal nito sa akin.
YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
De TodoBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.