𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
CHAPTER 40
THE PLAN-KURT'S POV-
Mabilis ang bawat hakbang kong bumababa ng hagdan dahil sa ingay na mula sa labas ng bahay.Tsk, ano bang nangyayari at kaingay netong si Ken.
"Ano ba meron dun?" asik na tanong ko sa isang kasambahay.
"Ah sir. May deliver po kase" sabi nito.
"What kind of deliver?" tanong ko pa.
"K-kabaong at bulaklak ng patay sir" sabi niya bigla kong ikinagulat.
"WHAT?" parang nag eco ang sigaw kong iyon.
Pagkarating ko sa labas, kitang kita ko ang galit mula sa mukha ni ken ng pilit na ibinababa ng ilang lalaki ang kabaong.
Tsngina.
"PSTANGINA! IBABALIK NYO YAN O KAYO ANG ILALAGAY KO JAN. SINABI NG WALANG PATAY DITO EH" sigaw ni ken.
"Kanino galing yan" tanong ko sa isang lalaking nakikipag usap sa kakambal ko.
"Sir, anonymous lang po ang nagpadala sa amin dito. At heto pa nga po nakapangalan sa bulaklak kung kanino idedeliver. Kay Mr.Robert" sabi ng lalaki na biglang sinuntok ni Ken.
"TOL!!ANO BA KALMA" sigaw ko saka siya inawat.
"TSNGINA PAANO AKO KAKALMA KUNG INIINSULTO TAYO!UMALIS KAYO DITO!..WALANG PATAY DITO MGA GAG* SIRAUL~" Hindi natuloy ni Ken ang mga sasabihin niya ng bigla din akong natigilan.
"Sir, si Mr.Sanchez daw po ang nagpapadala nyan!" Sabi ng lalaki.
Para akong namanhid sa kinakatayuan ko.
What the fuck.
Si Mr.Sanchez??.
Tsngina! Ano bang problema nila?!..Kahit siguro anong pagtitimpi ang gawin ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang inis na bumalot sa buo kong katawan.
"SANCHEZ??" tila nagsink in sa utak ni Ken kung sino ang sanchez na iyon.
"Anong kinalaman ng mga sanchez dito?!" Tanong pa nito sa akin. Hindi ko siya nagawang sagutin.
Pina alis ko ang mga lalaki at kaagad na pumasok sa loob inis na inis ang mukha ni Ken na hinarap si Papa na kakababa lang din.
"Ano bang nangyayari at nagsisigaw kayo?" Tanong nito sa amin.
Pinanlakihan ko ng mata si Ken pero hindi siya nakuha sa tingin.
"PA! MAY PSTANGINANG MGA DELIVER ANG NAGPUNTA DITO!..AT SI MR.SANCHEZ ANG NAGPAPADALA, ALAM MO KUNG ANO??" singhal na boses ni ken." KABAONG AT BULAKLAK NG PATAY NA PARA SAYO" dagdag pa nito.
Tinignan ko lang si Papa, seryoso ang mukha niyang umiling iling kasabay ng pagbagsak ng mga papeles mula sa lamesa.
"TUMAWAG ANG ISA KONG BUSINESS PARTNER, AT UMAATRAS SIYA SA MGA DEAL NAMIN. ANG IBA KO DING KLIYENTE, NAWAWALA NA DIN DAHIL SA MGA ISSUE NA LUMALABAS. AT IYAN, PINAPATUNAYAN NA NINAKAWAN KO ANG KOMPANYA NG MGA SANCHEZ" sabi ni Papa.
Kumunot ang noo kong inisa isa ang mga papel na iyon, at tama nga siya.
Malalaking halaga ng pera ang nakuha nito at nakapangalan lahat kay Papa, ang nakakapag taka lang~..
"It's your signature right? So totoo ba?" Malamig na boses kong tanong para masama akong titigan ni ken.
"NO! HINDI KO MAGAGAWANG NAKAWAN SIYA. SA SOBRANG TAGAL NG PAGKAKAIBIGAN NAMIN?!. NI HINDI KO ALAM KUNG PAANO YAN NANGYARI!..PERO ISA LANG MASASABI KO, HINDI MAGIGING MADALI LAHAT NG ITO. DAHIL MAAARI NIYA AKONG KASUHAN!" sabi ni Papa na ikinataas ko ng kilay.
YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.