15

3.4K 33 0
                                        

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
SPG

CHAPTER 15

🌼-KURT HANZ POV-🌼

"Its not good. Hindi ka pwedeng magpakita sa kanila, o kahit kanino mas lalong delikado. Lalo na at hindi mo alam kung sino ba ang tunay mong kakampi at kung sino ang kaaway mo" sabi ni Kurt. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi rin kasi ako mapalagay mula ng mabasa ko ang text na kanina pang gumugulo sa isip ko.

"Pero nasa panganib yung papa ko, he needs to see me" sabi ko. Nabigla ako ng hawakan ni Kurt ang kamay ko at saka ito marahang hinawakan.

"Ako na ang bahalang gagawa ng paraan. All you need to do is...mag ingat ka sa bawat kilos na gagawin mo." Sabi nito. Marahan akong tumango kasabay ng paglabas niya sa kotse.

"Pero kailangan kong makita si Papa" sabi ko. Wala siyang magawa kundi ang akayin akong bumaba ng kotse at sabay naglakad papasok sa malaking hospital...Hinanap namin kung saan naroroon ang kwarto ni Papa. Pero napansin ko ang pag tigil ni Kurt at saka ako tinitigan sa mga mata.

"Hindi ka pwedeng magpakilala na ikaw si Akira. Please...kailangan mo akong pagkatiwalaan sa gusto kong mangyari, dahil ayokong mapahamak ka" sabi nito.

Nasa tapat na kami ng pintuan kung saan sila naroroon, si Kurt ang nagbukas nun samantalang ako sumusunod sa kaniya. Hindi nila ako makikilala, because im wearing the ugly face!..Napatingin ako kay Papa na nakahiga sa kama ng ospital na ito, si Mama na kausap si Ate na sandaling nahinto ng makita kami.

"Kurt...what are you doing here?" si Mama.

"Ah...i just want to visit my Tito...anong nangyari sa kaniya?" pormal na tanong ni Kurt.

Bago ito sumagot, nakita ko kung paano ako tignan mula ulo hanggang paa ni Ate, na animo'y kinikilatis ako nito.

"Nahulog siya sa hagdan, dahil sa kapabayaan ng isang katulong..." sabi ni Mama, wala manlang reaksyon ang mukha nito.Tinignan ko ang itsura ni Papa, gising na gising siya at nakatingin sa amin. Pero hindi ito makapag salita base sa nakikita ko.

"Sino sya?" tanong ni Ate kay Kurt saka ako tinuro.

"Dont mind her...she's my secretary" sabi ni Kurt na ikinatango ni Ate...Lumapit sila sa pwesto na kung saan nakahiga si Papa at dito hindi ko na naiwasang magsalita.

"Ah..kamusta po lagay niya?" Tanong ko.

"He's okay now. Pero ang sabi ng doctor, hindi na siya makakalakad...at baka hindi na rin siya makakapagsalita" sabi ni Mama na ikinagulat ko.

Magsasalita pa sana ako para magtanong ng biglang magwawala si Papa, parang takot na takot ang mukha niyang nakatitig kay Ate. Alam mo yung tipo na nanlalaki ang mga mata niya. Napatingin ako kay Ate ng nginitian niya lang kami.

"Hmm...m..ma.." may gustong sabihin si Papa, pero hindi namin ito maintindihan, pero nakatitig siya kay Ate ng hilain kami ni Mama palayo doon.

"Ah....eh...sige...Kurt makaka alis kana...magpapahinga pa ang asawa ko" sabi ni Mama saka kami ipinagtabuyan palabas na ipinag taka ko.

"Pero tit~".

"Kurt...umalis na kayo, sa susunod na araw ka nalang bumisita" sabi naman ni ate...Nagawa kong hilain si Kurt para malayo siya doon.

May mali. Oo alam kong may mali, pero ayokong isipin ang bumubuong hinala sa isip ko..Hindi naman siguro nila magagawa yon..kung tama nga, bakit naman nila gagawin yun kay Papa diba?Hasyt!!...Akira wag ka ngang OA!!..psshh.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now