37

1.9K 22 0
                                        


𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘

CHAPTER 37
:IT HURTS!
-THIRD PERSON POV-

KINABUKASAN

"Anong ngiti yan?" tanong ni Mr.Sanchez sa kaniyang anak.

Kanina pa kasi siya nakakunot noong tinititigan si Akira na wari tila nababaliw na ang kaniyang anak.Malawak kasi ang pagngiti niya, at tila lumilipad pa ang isip nito.

"Im asking you!" Seryosong boses ni Mr.Sanchez.Nabalik sa reyalidad si Akira, at nauutal pang nagsalita. Sobrang nahihiya siyang tumingin sa ama nito, hindi niya kasi mapigilan na kiligin pa rin hanggang ngayon.

At dahil iyon sa ginawa ni Kurt.

"P-po?Ah...wala po!" Sabi ni akira saka itinuon ang kaniyang sarili sa pagkain.

"Siya nga pala. Ikaw na muna bahala sa kompanya, kaya mo naman ng patakbuhin diba?" Tanong ni Mr.Sanchez.

"Yes dad." Sabi ni Akira.

"Tumawag kasi ang sekretarya ko sa isang negosyo ko. At nagkakaroon ng problema" sabi ng kaniyang daddy.

"Anong problema dad?" Pinilit na seryosong tanong ni Akira sa kaniya.

"I dont know. Aalamin ko pa. Akira, pinagkakatiwala ko sayo ang kompanya dahil anak kita. Mahalaga sa akin iyan kaya ikaw na bahala. May makakasama ka naman sa pagpapatakbo dun." Sabi ni Mr. Sanchez na ikinakunot noo ni Akira.

"Sino?"

"Hindi mo paba nakikilala si Louie? Isa siyang anak ng isa ko ring kaibigan. At dahil may share ang pamilya nila sa kompanya, boss rin siya dun." Sabi ni Mr.sanchez.

Paulit ulit na tumango si Akira, ng biglang nahinto sa pagnguya ang kaniyang ama ng makita ang singsing sa daliri ng kaniyang anak.

"Ahh d-dad...n-nagpropose po si Kurt" nauutal na pag amin ni akira. Inunahan niya na ang anumang katanungan ng kaniyang ama tungkol dito.

Hindi naman sumang ayon si Mr. Sanchez.

Matapos nilang mag agahan, kaniya kaniya na silang pag gagayak para sa lakad nila ngayong araw.

Si Mr.Sanchez sa isang negosyo siya pupunta, dahil ilang gabi na rin siyang tinatawagan ng ilang tao mula roon dahil sa malaking problema.

Si Akira, dumiretso siya agad sa opisina~..pababa na siya ng sinasakyan niyang kotse mula sa parking lot ng napakunot ang noo niya ng sumalubong sa kaniya si Louie.

"Hi good morning" sabi ni Louie.

"Morning" malamig na pakikitungo ni Akira saka naglakad papasok.

"Kadarating mo lang din?Ah by the way! Gusto ko lang sabihin na may meeting tayo mamaya with clients" sabi ni Louie.

"Meeting?" Takang tanong ni Akira.

Dahil wala siyang maalala na sinabi iyon ng kaniyang sekretarya kahapon bago siya umalis.

"Ah yes. Kakatawag lang kanin~" hindi nagawang ituloy ni Louie ang mga sasabihin niya ng magring ang phone ni akira.

"Ah wait. Usap nalang tayo mamaya. I need to answer this" sabi ni Akira saka mas naunang lumakad papasok.

Napangiti pa siya bago sinagot ang tawag ni Kurt.

Habang papasok si akira, hindi maiwasan ni Louie na makaramdam ng inis, at panggigigil. Malaki ang pagkagusto niya dito, kaya hindi niya nagugustuhan ang ilang beses na pagreject ni Akira sa kaniya.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now