𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
SPGCHAPTER 13
🌼-AKIRA'S POV-🌼
KINABUKASAN heto na nga. Akala ko maaga na akong nagising, pero nagkakamali pala ako. Dahil pagbaba ko mula sa hagdan, nanlaki agad ang mga mata ko ng makita dito si Athena, naka upo sa sofa. Kumunot pa nga ang noo ko ng inirapan niya ako.
Buti nalang talaga bago ako bumaba sinuot ko etong pekeng pimples ko at kinulot ang buhok ko, saka makapal na kilay.
"Omg! Bigla yatang naging panget ang simoy ng hangin" sabi nito.
Nagpaparinig pa! Eh mas maganda naman ako sa kaniya tsk.
Hindi ko siya lalaitin but i will describe her.
Athena, matangkad, hindi siya maputi, medyo malaki ang mga ngipin niya, mukha siyang clown, at ang kapal ng labi niya, maarte siyang kumilos kumpara sa akin..
Ewan ko nga ba kung anong nagustuhan dito ni Kurt.
"HAY NAKU!!..DUMIDILIM NA ANG LANGIT OH!!..ANDITO KASI SI KADILIMAN" pang aasar ko.
"Oh come on! Mas maganda naman ako say~" hindi nito natuloy ng magsalita ako.
"Mas maputi naman ako. Saka teka, wow Athena ang aga aga mukha mo bubungad sakin?ano ginagawa mo dito?" Singhal ko.
Umirap siya, kasabay ng maarteng pagtayo niya mula sa sofa.
"Tsk...ano namang pake mo?This is my boyfriend's house...and actually im here for him" sabi nito.
"Ahh...bakit nangangati ka na naman ba?" tanong ko na bigla nyang ikinakunot noo.
"What do you mean?" Tanong niya.
Asus. Painosente pa!!..magsasalita pa sana ako ng makita ko ang pagbaba ni Kurt sa hagdan.
"Lets go bhabe...hindi ko na kase matiis na tignan ang nakakadiring mukha ng babaeng ito" sabi ni Athena saka ikinawit ang kamay sa braso ni Kurt.
Bumuka ang bibig ni Kurt na animoy magsasalita sana ng hilain na siya ng pesteng babaeng iyon palabas ng bahay.Kaya wala akong nagawa kundi ang tignan silang papalayo.
Lumipas ang ilang minuto at oras.
Wala akong magawa, hihiga, tatayo at titignan ang oras.Saan kaya sila pupunta?.Saka hindi manlang nabanggit sa akin ni Kurt na may lakad sila...tsk!!..Sabagay sino ba naman ako?...
*KRIINGG
"Oh ano sino toh?" Singhal ko sa kabilang linya, wala ako sa mood para makipag usap, at tila naiinis ako ngayong araw...Bwesit kasi na Athena iyon eh...kakagigil!.
"Hello Akira!!Its nice to talk to you again?" Sabi ng nasa kabilang linya, bahagya akong napangiti ng marinig ang boses nito..Si Leo, ang crush ko.
"Hey!!Leo ikaw ba yan?" Sabi ko pa saka humiga sa sofa.
"Tsk...yeah, how are you?And where are you?sabi kase ng ate mo naglayas ka?" Tanong nito.
"Ahh...long story..." sabi ko.
"Are you free?labas naman tayo oh?bonding lang?" Tanong nito sa akin.
At dahil nga sa wala naman akong kasama dito sa napakalaking bahay, pumayag ako sa gusto niya...at nagpasundo nalang ako dito...
Napapangiti pa nga ako habang iniisip kung saan niya ako dadalhin...Si Leo kasi ang first crush ko, kaya hindi ko maiwasang kiligin ngayon...Napapakanta pa nga akong nagbibihis eh...ilang minuto lang din ang lumipas ng may bumusina na mula sa labas, kaya dali dali na akong bumaba, na kulang nalang siguro madapa ako...Bumaba sa magarang sasakyan ang isang lalaking inaasahan ko, isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin.
YOU ARE READING
IM HIS MISSING FORCED WIFE
RandomBuong akala niya isang matandang malapit ng mamatay ang ipapakasal sa kaniya. Pero ang hindi niya alam, ang tinuturing niyang boss, at ang lalaking palagi niyang inaasar yun pala ang mapapangasawa niya.