17

1.9K 20 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                              SPG

                  CHAPTER 17

                  🌼-AKIRA POV-🌼

                    KINABUKASAN

Sinubukan kong takasan si Kurt sa bahay. Dahil hindi niya ako pinayagan na umalis na hindi siya kasama.

Nang makita kong may kausap ito sa kaniyang cellphone, nagmamadali akong bumaba ng hagdan at lumabas, hirap pa akong nakahanap ng sasakyan.

Sumakay ako sa kotse papunta sa ospital, nakasuot ako ng isang dress, pero nakasalamin ako ng black na pang porma.

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kwarto na kung nasaan si Papa.

Pero halos mamanhid ang buong katawan ko sa mga narinig ko ng hindi pa man ako nakakapasok, tila kumalabog ang dibdib ko sa mga narinig kong boses na mula sa loob.

"Ma! Kailangan ba talaga nating gawin toh?Kahit ano namang mangyari kapatid ko pa rin si Akira, then why you should kil~" hindi natuloy ni Ate ang mga sinasabi niya.

"Tanga kaba? Hindi siya pwedeng maging hadlang sa mga plano ko!..At alam naman nating dalawa, na siya ang tunay na Sanchez at hindi ikaw!" singhal ni Mama.

"Dahil sa ayaw mong mabunyag ng iba pati si Daddy dinamay mo! Tignan mo nga siya oh! Tsk! Kapag yan gumaling...baka ituro pa tayo" sabi ni Ate.

"Edi...papatayin natin, pero bago yun...kailangan munang mangyaring mapunta sayo lahat ng mana" sabi ni Mama.

Hindi ko napigilang ang umatras at mapatutop sa sarili kong bibig, mabilis akong umalis doon at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Fuck!!.

Sila ang gustong magpapatay sa akin?.At sila rin ang dahilan kung bakit nahulog si Papa sa hagdan? Kase alam niya na ang totoo! Tsngina!..

*KRIIINGG*

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng makita ang pangalan ni Kurt dito.

Inis ko pang sinagot iyon.

"HOY! NASAAN KA?" singhal niya.

"Kurt...i need your help! Delikado si Papa!" Sabi ko.

"Wtf! Nasa ospital ka?Akira diba sabi ko delikado ka?Paano kung makita ka ng mga gustong pumata~" hindi nito natuloy ng tuluyan akong humikbi.

"IM ON MY WAY!!" sabi nito bago pinatay ang tawag. Hindi ako umalis sa lugar na iyon, dahil kailangan kong makita at malaman ang lahat.

Papasok na ako sa isang restaurant para makabili ng pagkain ng biglang may humawak sa kamay ko, at nagawa ako nitong hilain.

Nanlaki ang mga mata kong sumigaw ng takpan niya ang bibig ko at dinala ako sa isang sulok, tumama ang likod ko sa pader ng tanggalin ng lalaking ito ang kamay niya sa bibig ko.

"YOU'RE NOT SAFE HERE AKIRA!!" sabi nito, umirap ako sa hangin na tinapis ang kamay niya.

"Ikaw lang pala!!..alam mo, sa kaba ako mamamatay eh" singhal ko.

"Tsss...wag ka ngang magpadisplay!!Lalo na sa public place...its better to use your mask to hide your self" usal nito saka binigay ang gamit ko..

Napangiti pa akong kinuha iyon ng kumunot ang noo niya.

"What are you smiling?" inis pa nitong tanong.

"Crush mo ko noh?" Pang aasar ko.

"OA!!" Asik niya.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now