DxH Chapter 35

22 3 0
                                        

"Bakit ka nakatulala d'yan?" rinig kong tanong ni Heinukel Moreen.

"Ang ganda kasi ng tanawin Heinukel Moreen ngayon lang ako nakakita ng ganito." Napatigil saglit si Heinukel Moreen sa sinabi ni Prinsesa Gail.

"Sa libro ko lang nakikita ang ganitong tanawin at nakakatuwa lang na masaksihan ito sa personal," dagdag pa ni Prinsesa Gail.

"Anong maganda? Eh... Dumaan nga tayo sa madamong tunnel. Bumungad lang naman ang mga bundok na gawa sa bato na parang tagtuyot pa dahil sa mga biyak na lupa," pabalang na wika ni Heinukel Moreen.

Hindi ko binigyan pansin ang tanawin na sinasabi ni Prinsesa Gail dahil na rin sa sama ng aking pakiramdam. Mataas ang sikat ng araw kaya mabilis ang paglalakad namin pababa. Narinig kong nag-uusap sina Aren at Heinukel Aewe dahil katabi ko lang sila.

"Gamitin mo kaya ang mahika mo para palamigin ang atmospera kahit kunting hangin lang. Grabe ang init talaga," hindi ko nagustuhan ang sinasabi ni Heinukel Aewe.

"Heinukel Aewe, kailangan kong kausapin si Aren," ang sabi ko, habang tinitingnan ko si Heinukel Aewe. Mabilis niyang naintindihan ang ibig kong sabihin at hindi na nagdalawang-isip. Mabilis siyang lumapit kay Heinukel Hanuis, na naroroon lang sa gilid, at may mga mahihinang salita siyang ibinulong sa kaniya. Naiwan kami ni Aren malayo sa iba naming mga kasama.

Walang imik si Aren sa aking ginawa subalit napansin ko ang palihim niyang pagtago sa kaniyang kamay papunta sa kaniyang bulsa. My eyes squinted from what he did. Napansin ko na may itim pa rin na pumapalibot sa kaniyang kamay kanina. Umiwas siya mula sa titigan namin kaya wala akong nagawa kundi basain ang labi ko.

Ilang minuto pa nakarating kami sa kakaibang bato. Mahigit labing-isang malalaking bato ang nakaharang sa aming daan ang sumalubong sa amin. Napapalibutan din kami ng mga Gumamela bushes sa paligid at mga bulaklak nito.

"Dadalhin kayo ng portal na ito sa kalsada papunta sa Auckland, ito na ang pinakamalapit na daan ang maitutulong namin," wika ng pinunong Dwarf.

"Sigurado ka ba na magiging ligtas kami kapag dumaan kami d'yan?" ani Prinsipe Ocuser.

Akala ko buong oras ay mananahimik siya, susunod nang walang reklamo, pero hindi pa rin maalis kay Prinsipe Ocuser ang hindi magtiwala. Habang nag-uusap sila, naramdaman ko ang mga mata ng pinunong Dwarf na may katandaan sa kaniyang mukha. Ang manipis niyang bigote at ang mga kulubot sa kaniyang mga kamay at paa. Hindi siya mabilis magsalita at kumilos. Ngunit napansin ko ang pagtitig niya sa akin, parang may hinahanap na sagot mula sa aking mga mata.

"Alam ko kung bakit kayo nandito. Ang nawawalang Pollo ang pakay niyong hanapin kaya nais kong tumulong lalo na't nasa inyong panig ang binibining makakatulong na mabuo ang mga hiyas," sagot niya dahilan para makita ko ang pagtaas ng kilay ni Heinukel Moreen.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. "Maraming salamat sa pagtulong niyo sa amin at paumanhin kung naabala namin ang inyong oras," sagot ko bago binigay sa kaniyang bisig ang natutulog nilang prinsesa.

Hindi na nakapagsalita si Prinsipe Ocuser dahil ako na ang kumausap sa kaniya.

"Isang karangalan ang pagsilbihan ka binibini. Masaya ako at dumating ka na at nasa tamang landas," wika niya.

"Mag-iingat ka lamang at ikaw na ang puntirya ni Emperor Damascke. Nasa iyo ang kaniyang mata para magawa niya ang kaniyang hangarin." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Maging ang iba ay napakunot kung ano ang ibig niyang sabihin. Alanganin akong ngumiti bago pinantay ang mukha ko sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" mahina kong tanong.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon