Chapter 03: Ang Panaginip, Part 1

9 3 0
                                    

— Terrence POV

Habang kumakain kami ni Kuya Yashua ay may tinanong siya sa akin.

"Rence. Ano 'yong nakita kong bag sa loob ng kuwarto mo? Mukhang bago, ah! Sa 'yo 'yon? Sariling bili mo?"

"Ahh... O—oo Kuya sa akin nga 'yon. Bakit?"

"Ang ganda n'on. Sinong nagbigay sa 'yo?"

"Si Ma'am Claridad 'yong teacher ko na kalapit lang ng bahay natin."

"'Yong kumare ni Mama na nakaaway niya? Siya pala 'yon. Ang bait niya utol."

"Kaya nga e. Sana nga siya na lang ang Mama ko, kaysa kay Mama natin."

"Kung ganoon lang kadali, bakit hindi?"

"Kaya nga Kuya e. Sana si Ma'am Claridad na lang Mama ko."

"Hayaan mo na lang si Mama natin, Rence. Basta mag-aral ka lang ng mabuti ha?"

"Oo naman Kuya."

"'Wag mo na lang pansinin 'yong sinasabi sa 'yo ni Mama. Dedmahin mo na lang."

"Sige Kuya, Salamat."

"Mabuti na lang talaga at natulungan ka ng teacher mo na 'yon."

"Tsaka malapit na ako utol maunahan." sabi pa niya sa akin.

"Saan naman?"

"E ang aga ng edad mo lapit ka ng mag-graduate ng elementary."

"Ah.. oo kuya."

"Kaya nga e." sabi ko pa.

"Hayaan mo, tutulungan ko rin siya. Sa ngayon kasi, 'di muna kita Rence matutulungan."

"Ayos lang Kuya. Naiintindihan ko naman." sabi ko.

"Ang akin lang naman, sana makita ni Mama ang halaga ko. Kung makapagsabi ng masasakit na salita sa akin, parang hindi siya nakakasakit. 'Wag niya akong pagsalitaan ng ganoon, dahil 'di siya ang nagpaaral sa akin. Okay lang sana if si Ma'am Claridad ang magsasabi niyan sa akin, e hindi e." nalulungkot na sabi ko.

"Rence, hayaan mo na.. lasing e."

"Sige Kuya."

Habang nagdadaldalan kami ay 'di ko nalamayan na ubos na 'yong inuubos kong manok, ang sarap kasi habang may kasabayan kang kumain sa hapag-kainan. Lagi na lang kasi akong walang ganang kumain, kapag ako lang nag-iisa.

Nang matapos na kami ni Kuya ay hinugasan ko na agad ang mga hugasan sa lababo. At maya-maya pa ay matutulog na ako para maaga pa ako gigising bukas.

"Rence, una na ako ha? Aalis na ako, duty ko ngayon."

"Sige Kuya, ingat ka."

"Salamat Utol."

"Malelate na kasi ako e." sabi pa ni Kuya sa akin.

"Sige na Kuya, ako na bahala dito."

"Sige-sige."

After a few minutes ay natapos na ako sa paghuhugas ko ng plato. At bumalik na ako ulit papunta sa higaan ko.

"Sandali nga.. ano nga ba ulit 'yong assignment na sinabi sa amin? Tingnan ko nga sa notebook." sabi ko sa aking sarili.

Habang wala akong ginagawa ay balak ko na munang gumawa agad ng takdang-aralin ko para sa pagpasok ko sa Lunes ay wala na akong gagawin.

Pinagbubuklat ko ang mga notes ko sa notebook kung anong mga assignment namin.

Ilang sandali pa ay nakita ko sa English subject ko ang assignment namin.

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon