(TRIGGERED WARNING ⚠️ R17+ : Vulgar Words and Sensitive Content) you
— AUTHOR POV
In the evening...
Habang tulog pa si Yves ay nagising si Terrence dahil nagulat ito sa nakita niyang puwesto ng tulog nilang dalawa.
"Hala, parang pumalit naman na 'yong sitwasyon namin? Hihi," sabi ni Terrence sabay hinalikan niya sa noo si Yves.
"Ang alam ko... ako ang nakasandal sa braso niya. Uhmm.. Sabagay, namanhid ata siya kanina kaya siya ang naman sumandal sa braso ko," sabi pa niya kay Yves habang tulog pa ito.
Ilang saglit pa ay sa sobrang manhid na ng kaliwang braso ni Terrence dahil sa pagsandal ni Yves sa braso niya at habang natutulog pa ito ay siya naman ulit ang sumandal sa braso ni Yves at niyakap niya ulit ito.
"Pogi-pogi mo talaga Brad," sabi ni Terrence habang hinahawakan niya ang labi ni Yves sabay hinalikan niya ito sa labi at hawak sa dibdib nito na mabuhok kunti.
A few moments later...
*knock, knock, knock, knock!*
"Anak, nandiyan ka ba?"
"Sandali... si Tita Claridad 'yon, ha? Nako, baka mahuli kami ni Yves dahil nakatabi ko ito sa higaan tapos nakahubad pa ito," nag-aalala na sabi ni Terrence sa kaniyang isip kaya ang ginawa niya ay ginising niya si Yves.
"B—brad, gising na. Kumakatok ang Mama mo Brad. Gumising ka na diyan, itago mo muna ako dali," sabi ko habang yinuyugyog siya dahil tulog pa ito.
Maya-maya pa ay nagising na si Yves.
"Yves, anak... nandiyan ka ba?" sabi ni Ms. Claridad habang kumakatok ito sa pinto ng kuwarto ni Yves.
"F*ck! Baka mabisto tayo. O sige, pumasok ka muna rito sa damitan sa aparador, dali," sabi niya at nagtago naman si Terrence sa aparador na sinabi ni Yves sa kaniya.
Ilang saglit pa ay binuksan na muna ni Yves ang pinto.
"B—bakit po 'Ma?"
"Bakit nakahubad ka 'nak?"
"Ay sorry po 'Ma, nakatulog kasi ako e. Nakalimutan kong magbihis, hihi. Uhm.. ano po bang problema?" sabi ni Yves sa Mama niya.
"May kailangan kayong malaman ni Terrence, anak."
"What? What is it 'Ma?"
"Kailangan mong pumunta sa lamesa para panoorin ang balita, kung ayaw muna ni Terrence lumabas. Tayo na lang muna ang manood."
"Sige po 'Ma," sabi ni Yves at lumabas ito na nakahubad ang pang-itaas.
Nang umalis na 'yong mag-ina...
"Ano kaya 'yong sinasabi ni Tita Claridad? Mukhang kinakabahan na naman ako," sabi ni Terrence.
Ilang saglit pa ay lumabas na ito sa kuwarto ni Yves at bumalik ito kuwarto niya at humiga muna siya saglit.
"Mabuti na lang at 'di ako nakita ni Tita. Ano kaya ang nasa balita na sinasabi niya?"
"Hayss, bahala na nga," dugtong na sabi ni Terrence sa sarili niya.
After a few minutes...
May biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Terrence.
"Brad, lumabas ka! Tingnan mo 'yong nasa balita," sabi ni Yves sa kaniya at nakita niya ito na nakahubad pa rin ang pang-itaas nito.
"Sino ba ang nandoon?" pagtatakang tanong ni Terrence kay Yves.
"Si Yashua, 'yong Kuya mo!"
"What‽ Ano'ng mayroon? At anong nangyari? Bakit si Kuya ang nasa balita?"
BINABASA MO ANG
A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]
RandomTerrence David is a simple little kind boy and a bipolar disorder secretly because of his trauma experience from his Mother. When he started lucid dream ay doon siya nakaranas ng saya, he's escaping sadness from reality. And na-in-love siya sa kapwa...