Chapter 29: Muscle

6 3 0
                                    

    ⚠️ (R17+)

— Terrence POV

Habang nakahiga kami ay naamoy ko ang kili-kili niya na mabuhok. Ang bango, enebe ahaha!

"Pareho pala tayong nakasando Brad," sabi ko sa kaniya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya sa higaan.

"Oo nga e, mukhang ang baho ko na. Pasensiya na kung ganito ang ginawa ko sa 'yo, kasi nakikita na naman kitang nalulungkot e. Ito ang ginawa ko, baka effective."

"Oo naman 'no, effective 'to Brad. Salamat, ha?"

"Ahahaha! Nakikiliti ako Brad," sabi niya sa akin.

Paanong 'di siya makikiliti, e inaamoy ko kili-kili niya? AHAHAHA! Ang bango kasi.

"Siguro ginawa mo lang 'tong eksena na 'to dahil nalulungkot ako," birong sabi ko sa kaniya.

"Ganito talaga ako, before ako matulog, hobby ko na 'to," seryosong sabi niya.

"Sabagay, ngayon lang kita nakatabi sa higaan e. Ang bango pala ng kili-kili mo Brad," sabi ko at tumayo ito sabay amoy sa kili-kili niya.

"Nakakahiya Brad, hindi pa ako naliligo e."

"Hindi naman mabaho, ang bango kaya. Sige na, higa ka na rito," sabi ko at humiga ulit siya at sumandal ako sa braso niya at yumakap ako ulit. I'm feel so comfortable with him.

"Sa bagay naligo naman ako kanina bago tayo umalis e."

"Alam ko naman, at saka 'di naman tayo tumagal n'on sa labas dahil umuwi agad tayo."

"E kaso nagtatampo ako sa 'yo Brad," nalulungkot na sabi niya.

"O, bakit na naman?"

"Hindi mo 'ko kanina ginala sa Mall, ngayon lang ako nakapunta doon e."

"Don't worry... gusto mo bukas, gala tayo nila Allysa doon?"

"Oo naman, pero gusto ko tayong dalawa lang muna, hihi."

"Ikaw, ha? Gusto mo akong ma-solo," sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko sabay hinalikan niya ito na mas lalo ko pang ikinilig.

"Hindi naman, alam mo naman na sobrang busy din niya."

"Kaya nga e, pero Brad.. Uhmm, sorry ulit kanina sa ginawa ko."

"Sorry? Hmm, for what?"

"Sobrang nakokonsensiya talaga ako sa mga nangyari, sobrang sakit na din talaga ng mga mata ko kakaiyak, halos 'di rin ako mapakali kanina," nalulungkot na sabi ko.

Matapos akong magsalita ay tumayo siya at humubad sa harapan ko at humiga na naman sa tabi ko.

"O, bakit humubad ka na?"

"Hug mo 'ko, dali."

"A—ayoko Brad, hihi."

T*ng-in* mga bhie, ang sarap ng six pack abs niya. E—enebe, AHAHAHA!

"Magtatampo na naman ako sa 'yo Brad, sige ka." he said with a deep voice.

"Argh! Fine." naiiritang sabi ko.

"Sorry Brad, ganito talaga ako, hihi. Kailangan mong masanay sa akin na ganito ako."

Kung ganito ba naman palagi katabi mo, bukod sa gentleman na nga, ang pogi pa? Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Grabe ang pag-alala at pag-aruga niya sa akin. Talagang mararamdaman mo sa kaniya ang init ng kaniyang pagmamahal.

Nag-acting galit-galitan lang talaga ako para mas lambingin pa niya ako, babae yarn self? HAHAHAHA!

"S—sige na nga, naiilang kasi ako sa 'yo Brad, hihi."

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon