— Author POV
Matapos ang klase nila Terrence at Yves ay niyaya ni Yves si Terrence papuntang Mall.
"Brad, uuwi ka na ba agad ngayon?" tanong ni Yves kay Terrence.
"Ah.. uhm.. oo e. Bakit Brad?"
"Yayayain sana kita e."
"Saan naman?"
"Ah, sige.. 'wag ko na lang siguro sabihin sa 'yo. Baka 'di ka kasi sumama sa akin e."
"Ang gulo mo naman e. Ano nga?" naiinis na sabi ni Terrence sa kaniya.
"Galit‽"
"Hindi naman, naiinis lang kasi ako. May sasabihin ka, tapos pabitin factor ka, parang 'di mo naman ako kaibigan e." sabi ni Terrence.
Sakit mo Terrence, na-savage mo si Yves na kaibigan mo lang pala talaga siya, ouch, pighati, lumbay AHAHAHA!
"Sige na, 'di ko na sasabihin, mauna ka na!" pahiyaw na sabi ni Yves kay Terrence.
"Ikaw naman 'tong galit? Makaalis na nga lang, alam mo namang lutang pa 'yong tao e!" pagtatampo na sabi ni Terrence at nilayasan agad niya si Yves.
"T—terrence, I'm sorry! Bumalik ka dito!" sigaw naman ni Yves.
At dahil hindi na nga hinabol ni Yves si Terrence ay nalungkot si Yves dahil sa kasalanang ginawa niya.
"Ano ba 'tong nagawa ko‽ Parang tanga talaga ako. Natotorete ako sa kaniya. Nahiya na ako biglang magsabi sa kaniya. Bakit kasi ganito? Nakakainis na 'yong nararamdaman ko. Maling-mali talaga 'to!" sabi ni Yves sa sarili niya.
Tapos biglang may nagsalita sa likuran niya.
"O, bakit ka galit Anak? Nagdadabog ka diyan? Galit ka ba sa akin? Kung galit ka, pasensiya na kanina. Ang ingay mo kasi kanina na kinakausap mo si Terrence." sabi ni Ms. Claridad sa kaniyang anak.
"'Ma, hindi naman po ako sa inyo galit. Hihi," kalmadong sabi ni Yves sa kaniyang Ina.
"Kanino naman?" tanong ng kaniyang Ina.
"Sa sarili ko po, nasigawan ko si Terrence kanina."
"O, bakit mo naman 'yon ginawa? Alam mo namang lutang pa si Terrence kanina e. Nakalimutan mo na ba?"
"Sorry po 'Ma, nakalimutan ko po," nalulungkot na sabi ni Yves sa kaniyang Ina.
"Kapag pumasok bukas si Rence bukas, Anak. Mag-sorry agad, ha? Kayo na nga lang magkaibigang dalawa, inaaway mo pa?" naiinis na sabi ni Ms. Claridad sa anak niya.
"Opo, 'Ma. Sorry po."
"O siya, sige.. uwi na tayo, anak."
"Sige 'Ma."
————————
— Terrence POV
"Ano bang kasalanan ko sa kaniya at sinisigawan niya ako? Lutang na nga ako dahil sa panaginip ko, dumadagdag pa siya‽" naiinis na sabi ko sa sarili ko.
Ang ginawa ko na lang ay nag-tricycle na lang ako sa iba at 'di na ako nakisabay sa tricycle na sinasakyan nila Yves, nagagalit ako sa kaniya dahil sinigawan niya ako kanina.
Nang makarating na nga ako sa bahay ay pumunta agad ako sa higaan ko at dahil sobrang lungkot ko ngayon ay sinubukan ko ulit ang pagtulog ko noong nakaraang Biyernes kung paano ako ulit managinip.
"Ay teka.. may na-research pala ako sa computer kanina nung pinalipat kami sa ibang room na about sa lucid dream." sabi ko sa sarili ko na may halong takot dahil...
BINABASA MO ANG
A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]
RastgeleTerrence David is a simple little kind boy and a bipolar disorder secretly because of his trauma experience from his Mother. When he started lucid dream ay doon siya nakaranas ng saya, he's escaping sadness from reality. And na-in-love siya sa kapwa...