Chapter 17: After All These Years, Part 2

4 3 0
                                    

— Terrence POV

Nakita ko na ring umiiyak si Ma'am n'on dahil sa magulang niya.

"Pumunta na kasi kami doon agad 'nak dahil sa Kuya ko na nag-text sa akin na sina Mama at Papa ay parehong sinugod sila sa hospital. Noong hindi na kami nagpaalam sa inyo ng Kuya mo ay baka magalit kayo sa akin dahil sa nangyari."

"Ganoon po ba Ma'am? Sorry kung napagtaasan ko ng pride si Yves, kasi nagtatampo ako n'on sa inyo."

"'Wag kang humingi ng pasensiya sa akin 'nak, dahil noong una palang ay kami na dapat ni Yves ang humingi ng tawad sa inyo ni Yashua dahil umalis kami ng walang paalam sa inyo."

"Ngayon ay alam ko na po ang lahat ay nag-so-sorry pa rin po ako sa inyo ni Brad Yves, Ma'am."

"Pasensiya na rin 'nak."

Habang nag-uusap kami ni Ma'am n'on ay nakita naming dalawa ni Ma'am na nasa pinto pala si Brad Yves, lumapit sa amin si Yves at nag-group hug kaming tatlo.

At doon na nga kami ni Brad Yves nagkabati at sinabi ni Ma'am na tawagin ko na lang siyang Tita at wala naman na kami ni Ma'am Claridad sa school. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at lalong-lalo na kay Ma'am ay este Tita na pala at saka kay Brad Yves, hehe.

Three (3) Years Ago before...

Mas naging maayos na kami ni Yves dahil sa pangyayari noon. Bumalik ang dati naming closeness.

And yes, nasa second year high school na kami pero 'di na kami magkaklase. Pero kahit 'di na kami noon magkaklase ay sabay pa rin kaming umuuwi ng school. Minsan naman, kung 'di na kami uuwi ng sabay ay ayos lang naman 'yon sakin, kasi doon naman ako kila Tita Claridad nakatira.

Second year high school ako ay dito ko na si Allysa nakilala. May pagka ma-attitude siya, parang ako. HAHAHA!

Una, ayaw ko pang makipag-kaibigan sa kaniya dahil sa ugali niya. Ngunit kalaunan ay naging magkaibigan din kami ng babaeng 'yon. By the way, kaugali rin siya minsan ni Brad Yves pero mas malala 'yong kay Allysa, mas ma-attitude pa siya kaysa sa akin, HAHAHAHA!

Four (4) Years Ago before...

Third Year High School na ako noon ay naging magkaklase kaming tatlo nila Brad Yves at Allysa. At ito ang aaminin ko sa inyo... ang sweet nilang dalawa ni Yves at ni Allysa, paano ba naman lagi silang magkasama, instead of me. Hindi ko man maamin, pero nagseselos ako sa kanilang dalawa. Kasi parang sila na 'yong mag-close kaysa sa amin ni Brad Yves. Medyo epekto na ata 'to ng overthinking and traumatic experience ko pero ang mas nangingibabaw sa akin ngayon ay maging masaya ako at kaya ko ng ngumiti sa kahit na kanino.

Five (5) Years Ago before...

Fourth Year High School na ako noon at dito na ako mas lalong na pre-pressure na mag-aral. Hindi ko alam kung ano mga nangyayari sa akin noon na halos bumabalik na naman sa isipan ko ang mga traumang naranasan ko noon. Kahit sobrang hirap ng mga pinagdadaanan ko noong bata pa ako ay sinasabi palagi sa akin ni Tita Claridad na 'wag akong makulong sa mga nakaraan ko at umusad ako ng paunti-unti. Nagawa ko ang mga 'yan, dahil sa kanila.

Hindi ko man ituring na Nanay si Ma'am Claridad ay nandiyan siya para alagaan at suportahan ako sa mga bagay na gusto ko. Ganito sana ang pangarap kong magulang, pero sa kasamaang palad ay ibang magulang ang ibinigay sa akin ng Diyos. Tinanggap ko pa rin 'yon kahit noong bata pa ako ay 'di ko man lang nakita ang totoong Tatay ko, pero ayos lang 'yon. Nandiyan naman sila, sapat na 'yon sa akin.

Six (6) Years Ago before...

Finally, I graduated, Yehey!

But....

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon