— Terrence POV
"Okay lang 'yon 'nak, basta 'wag mo nalang uulitin, ha?" sabi sa akin ni Tita Claridad.
"Opo Tita, don't worry about me."
"Sige na Brad, kain ka na muna dito. Pinaghandaan ka ni Mama rito ng mga pagkain," sabi ni Yves sa akin.
"Si Tita talaga, pinaghandaan pa talaga ako ng pagkain, hihi."
"Alam mo naman 'nak na malakas ka sa akin e," sabi ni Tita.
"Salamat Tita, sige po kakain na muna po ako."
"Sige 'nak, mamamalengke lang ako."
"Uhmm... ako na po Tita, dito na lang po kayo. Ako na po bahala," sagot ko kaagad.
"Sige 'nak. E okay ka na ba? Nag-aalala ako."
"Opo Tita, okay lang po talaga ako."
"Sige 'nak, ikaw bahala."
"Sama ako Brad," sabat ni Yves
"Sige Brad." sagot ko.
Matapos ang usapan na 'yon ay kumain muna ako at pumunta muna si Tita Claridad sa kuwarto niya para makapagpahinga.
Ilang saglit pa...
"Brad, kumain ka na?" tanong ko kay Yves.
"Yes Brad, kanina pa bago ka namin ginising ni Kuya Yashua, bakit brad?"
"Ano ba 'yan, ilang araw ko pala kayo 'di nakasabayan kumain. Baka nagtatampo na sa akin si Tita Claridad," pag-alala na sabi ko.
"Napilitan nga lang akong kumain dahil sa nangyari sa 'yo. Baka 'di ka na talaga magising e."
"Sorry Brad, ha? Kasi pinag-aalala ko kayo ng sobra nitong nanaginip kasi ako... Akala ko totoo na talaga 'yong mga pangyayari, tapos pagkagising ko, panaginip lang pala lahat."
"By the way, naniniwala ka ba sa panaginip na p'wede itong mangyari sa totoong buhay?" dugtong ko.
"May tawag diyan e. nakalimutan ko lang Brad."
"Ako nga rin e. Nakalimutan ko rin."
"Hayaan mo na nga, ahaha!"
"Ang sarap ng luto ni Tita," sabi ko.
"At may andoks pa rito. Wow naman," dugtong ko.
"Actually Brad, tatlong andoks binili ni Mama kanina."
"Sweet naman ni Tita, hihi."
"Alam mo naman na malakas si Mama sa 'yo, lalo na sa akin."
"Ang suwerte ko sa inyo, Brad."
"Hihi, wag ka ngang ganiyan sa akin. Kinikilig ako."
"Ay kinikilig ka pala? 'Di ko ramdam," sabi ko sabay bumusangot mukha ni Yves.
"Joke lang! Ito ang seryoso... seryoso sa akin.. Yieee!" pagbibiro na sabi ko sabay tumawa siya sa akin.
"Enebe! AHAHAHA!"
Sabay nagtawanan kaming dalawa at bigla akong nabulunan dahil sa kakatawa at pinagtatawanan ako ni Yves dahil sa nangyari.
"Kumain ka na nga muna diyan, Brad. Nabulunan ka tuloy," sabi ni Yves sa akin at tumatawa pa rin ito sa harapan ko.
"S—sige, e—ehem! Ayoko na nga! Mamaya na muna tayo mag-usap Brad," seryosong sabi ko habang nauubo dahil nabulunan ako.
Matapos ang usapan na 'yon ay nakaupo lang siya sa tapat ko sa lamesa at nakatitig lang ito sa akin.
BINABASA MO ANG
A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]
RandomTerrence David is a simple little kind boy and a bipolar disorder secretly because of his trauma experience from his Mother. When he started lucid dream ay doon siya nakaranas ng saya, he's escaping sadness from reality. And na-in-love siya sa kapwa...