Chapter 39: The Daydream, Part 1

7 3 0
                                    

— Terrence POV

Nagtawanan lang kaming tatlo pero deep inside...

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Tita Claridad dahil isang taon na lang, dadating na ang asawa niya, baka hindi kami matanggap. Ay kaso wala pa palang kami, bakit ako kakabahan? AHAHAHAHAHA!

"Matatanggap ba ako ng Papa mo Brad kung sakaling maging tayo?" nalulungkot na sabi ko.

"Baka kasi hindi na tayo tanggapin e, kasi pareho tayong lalaki," dugtong ko pa.

"Don't worry about him 'nak. Ako na ang bahala sa asawa ko. Pero sa Kuya mo ba, nasabi mo na ba about sa inyo?"

"Hindi ko pa po Tita nasabi kay Kuya Yashua na ganito ako. Sana matanggap niya po ako kung sino talaga ako."

"Hayaan mo, sasamahan kita kay Kuya Yashua mo Brad bukas pagtapos natin sa school. Alam naman niya rin na sobrang busy natin sa school, at alam niya 'yon."

"I hope Brad na matanggap niya rin tayo. But now... Happy na ako kahit paano kasi boto sa atin si Tita Claridad, hihi."

"Oo 'nak. Kami ang bahala. Nandito kami ni Yves para sa 'yo."

"Thank you po ulit Tita, ha?"

"Ano ka ba? Wala 'yon. Sige na, tulog na kayo ni Yves."

"Sige po Tita, pero may gagawin pa po kasi ako e, Sige na Brad, susunod na lang ako doon sa higaan mo," sabi ko sa kanilang dalawa.

"Sige Rence. Basta, h'wag kang magpapagod palagi."

"I will po Tita Claridad. Thanks for your concern Tita about me."

"Sige Brad, tabi ka na lang sa akin mamaya kapag tapos ka na, may pasok pa kasi ako bukas e, Inaantok na rin kasi ako."

"Oo Brad, susunod na lang ako roon."

Matapos ang usapan na 'yon ay umalis na ang mag-inang Urbiztondo at pumunta na muna ako sa sariling desk ko para mag-sketch pa ng drawing.

Kalahating oras na ang nakakalipas ay may tumawag sa akin sa cellphone.

*ringing*

"Sino kaya 'to? Sagutin ko nga lang."

Nang sinagot ko na...

"Bunso?"

"Oh Kuya, ikaw pala 'yan. Na-
miss kita."

"Hello Bunso, kamusta ka na? P'wede ka bang dumalaw dito bukas? May ibabalita ako sa 'yong maganda. By the way, I miss you too Bunso."

"Wow, ano naman 'yon Kuya? Oo naman, bukas na bukas, puntahan kita diyan Kuya, mukhang wala naman akong gagawin e, pero may tatapusin lang akong mga assignments na pinagawa sa amin kanina sa school. And don't worry 'bout your work. Nagsabi na rin ako doon para 'di ka na mag-alala."

"Mabuti naman Bunso."

"May sasabihin din pala ako sa 'yo bukas Kuya, sana h'wag kang magagalit sa akin."

"Magagalit? About saan naman?"

"Secret, ahahaha! Basta bukas na lang Kuya sasabihin ko 'pag ka dalaw ko riyan."

"Sige Bunso, nakitawag lang ako dito saglit sa cellphone ni Doc. Kaya di rin magtatagal ang tawag natin. Siya nga pala, Bunso. Punta ka pala bukas sa kuwarto ko, ha? Kunin mo 'yong cellphone ko doon sa durabox at dalhin mo dito bukas, I want to talk about Ms. Ailee."

"Talaga Kuya? Sige Kuya, bukas kukunin ko doon, gusto ko rin si Ms. Ailee makausap at makita sa personal para matapos na 'yong problema natin sa buhay."

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon