— AUTHOR POV
Matapos ang saglit na kasiyahan ay pinalitan agad ito ng matinding kalungkutan at matapos din nilang malaman ang katotohanan. Ang mag-inang Urbiztondo ay naiiyak dahil sa nalamang detalye mula kay Yashua.
Maya-maya pa...
Sa sobrang pag-iiyak ni Yashua ay lumayas muna ito sa bahay at 'di alam ng mag-inang Urbiztondo kung saan ito pupunta.
Ms. Claridad: Yashua!
Yves: Hayaan po muna natin sila 'Ma. I know na labas na tayo sa away nila, pero naapektuhan tayo sa mga nangyari sa kanila kahit noon pa.
——————
— Yves POV
"I know 'nak. P—pero a—ako ang naaawa sa magkapatid 'nak," naiiyak na sabi ni Mama sabay yakap sa kaniya.
"Hayaan mo 'Ma, mga ilang araw. Magiging okay din po sila, hintay lang po tayo. Kasi sa totoo lang, maayos na lahat e pero nang dahil sa itinatagong sikreto, doon na sila nag-away."
"Ayoko lang kasi 'nak na maging tulad ng dati 'yong pinagdadaanan ni Terrence. Unti-unting bumangon siya para sa atin lalo na sa kapatid niya na laging nandiyan para sa kaniya, 'di ba? Tayo ang nagsuporta sa kaniya kahit 'di niya ako tunay na Ina. Parang anak ko na rin talaga siya, bukod sa ang bait-bait na niya. Tinulungan pa niya tayo," paliwanag ni Mama.
"Alam ko po 'Ma, don't worry.. Gagawa ako ng paraan para mapagbati ko silang dalawa," confident na sabi ko.
"Bromance pa naman po silang dalawa na enemy," pagbibiro na sabi ko at ngumiti si Mama ng kaunti.
"Kaya nga 'nak e. Nakakamiss 'yong mga bonding natin na kasama sila... nitong nakaraang araw. Okay pa e, tapos ganito lang malalaman natin?"
"H'wag po kayong mag-alala 'Ma. Para marinig ni Terrence 'yong sinabi ng Kuya niya kanina ay ni-record ko po boses ni Kuya Yashua."
"How did you d—"
"H'wag na pong magsalita 'Ma. AHAHAHA!"
"Yves naman!" sabi ni Mama at nagtawanan kaming dalawa.
"Iyan! Ngumiti na 'yong Mama kong maganda,"
"Tse! Bolero ka talaga 'nak. Ahahaha! Ikaw talagang bata ka, oo. Pinapaiyak at pinapatawa mo naman ako."
"H'wag na po sad 'Ma, ha? Sige na, ako na pong bahala sa binili namin ni Terrence kanina sa groceries galing sa mall."
"Pahinga na po kayo," dugtong ko.
"Sige 'nak, maghihilamos muna ako, sakit na nang mata ko kakaiyak sa kanila."
"Sige po 'Ma, pagtapos po niyan pahinga na po muna kayo," sabi ko.
Matapos ang usapan ay pumunta na muna si Mama sa lababo para maghilamos. Matapos ang ilang minuto ay ako naman ang sumunod para maghilamos din.
A few moments later....
"Hayaan ko na nga muna sila. Gusto ko na rin muna magpahinga, sakit na rin ng mga mata ko kakaiyak sa magkapatid na 'yon, jusme," sabi ko sa sarili ko habang nagpupunas ng tubig sa mukha ko at nagpalit muna ako ng damit na sando dahil pawisan ako galing labas kanina.
Matapos kong magpalit ay inasikaso ko na muna lahat ang mga binili namin kanina ni Terrence sa groceries. Ang ibang mga kailangan sa refrigerator ay inilagay ko na at ang mga iba pang binili namin tulad ng mga noodles at iba pa ay inilagay ko muna ang mga ito sa malaking durabox.
BINABASA MO ANG
A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]
RandomTerrence David is a simple little kind boy and a bipolar disorder secretly because of his trauma experience from his Mother. When he started lucid dream ay doon siya nakaranas ng saya, he's escaping sadness from reality. And na-in-love siya sa kapwa...