— Terrence POV
"Umiiyak din ako niyan sa bahay gabi-gabi, isang taon kaya 'yon, hindi pa uso niyan 'yong mga android phones, kaya hindi ko kayo ni Tita nakakausap noon," nalulungkot na sabi ko kay Yves.
"Sorry Brad, biglaan lang 'yon kasi si Mama nagmamadali rin kami umalis dahil sa nangyari dati kila Lolo at Lola. Matagal naman na 'yan and.. babawi naman ako sa 'yo this time. Pasensya na talaga."
"Kahit na, alam mo naman na iyakin ang kaibigan mo noon dati pa dahil sa ginagawa sa akin ng Teresita na 'yon. Kaya ang ginawa ko ay nung pinag-aral ako ni Tita Claridad dito ay halos ilang linggo rin kita hindi pinansin no'n or halos umabot din ng two weeks ata 'yon. Tapos si Mama mo, nagtataka na sa ating dalawa kung bakit hindi na raw tayo nag-uusap. Ang mas nakakahiya pa umiyak pa sa akin si Tita Cla kung bakit galit daw ako or nagtatampo sa inyo, and then I tell her na nagtatampo ako na halos isang taon kayong hindi nagparamdam at hindi nagpaalam sa akin." tumulo na agad luha ko habang kayakap ko siya sa higaan.
"Umiiyak na naman 'to. Kiss na lang kita. Sige na, hindi na mangyayari 'yan, I promise."
"Sure 'yan, ha?"
"Mm-mmm." sagot agad niya..
"I love you," dugtong niya.
"Nagagalit ako sa 'yo, alam mo talaga kahinaan ko. I love you too."
"Ganiyan din naman kahinaan ko, nung hindi ka nga umuwi nung nakaraang araw, hinahanap kaya kita n'on na halos hindi ako makatulog."
"Ahh, nung natulog ako sa hospital na kasama ko si Kuya?"
"Oo, panay na ako tanong kay Mama n'on na kung nasaan ka na. Buti na lang at nakita kong online si Kuya Yashua sa Instagram."
"Yiee, na-miss niya agad ako."
"Oo 'no? Miss ko na agad cuddle natin, gaya ngayon. Ginagawa ulit natin."
"Ako rin naman. Gusto ko ikaw lang lagi katabi ko simula nung ikaw ang nag-comfort sa akin nung nag-away kami nung nakaraan ni Kuya."
"Gusto ko 'yong amoy mo, na kayakap ka. Wala lang, nagiging safe ako kapag ikaw kasama at nayayakap ko."
"Talaga?"
"Opo. Gaya niyan oh, niyayakap kita sa higaan. I feel safe here."
"Ako rin kapag niyayakap mo ko, o gusto mo lang biceps ko?"
"Lahat, HAHAHA!" sabi ko at natawa siya.
"Sige na, sa 'yo na lahat 'to. By the way... tulog na tayo."
"May pasok ka ba bukas Brad?" tanong ko.
"Uhm... I don't know. Bukas ko pa malalaman Brad. Ikaw?"
"Wala, Huwag ka na lang pumasok. Dito ka na lang, please?"
"Kapag walang pasok, dito lang tayo, ha?"
"Yey!"
"Itong lalaki na 'to, parang bata."
"Oo, kaya nga baby mo ko e."
"Tas ano ako?"
"Daddy Yves. Huyyyyy AHAHAHA!"
"What did you call me?"
"Daddy Yves, HAHAHA!"
"Heh! Hindi bagay."
"Bagay kaya!"
"No! Basta huwag mong sasabihin 'yan sa akin, mag-iiba ako ng katangian."
"Magiging lion ka?"
"Heh!"
"HAHAHAHA! Opo, hindi na. Pero nasanay na kasi tayong dalawa na Brad na talaga tawagan natin noong mga bata pa tayo."
BINABASA MO ANG
A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]
De TodoTerrence David is a simple little kind boy and a bipolar disorder secretly because of his trauma experience from his Mother. When he started lucid dream ay doon siya nakaranas ng saya, he's escaping sadness from reality. And na-in-love siya sa kapwa...