Chapter 49: DNA Test

5 1 1
                                    

— Author POV

Yves: Mga homophobic po mga tao rito, 'Ma.

Claridad: (kinausap ang mga yaya) Anong mga sinasabi niyo sa anak ko?

Maid 1: Wala po.

Yves: (kinausap si Maid 1) Really? You said earlier na ang bastos ng mga tanong niyo sa akin? E boyfriend ko si Terrence, anong masama roon? Tapos sasabihin mong sayang? Gusto mo sayangin ko buhay mo?

Maid 3: (kinausap si Yves) Type ka kasi niyan Sir (sabay turo kay Maid 1)

Yves: Sorry, I'm taken.

Maid 1: (kinausap si Maid 3) Sinungaling ka talaga!

Terrence: Type niyo pala boyfriend ko, bakit kailangan niyo pa kaming siraan? Magkakapera ba kayo kapag matapos niyong sabihin ang mga bagay na 'yon, ikakaunlad niyo ba?

Hindi nagsalita ang mga katulong ni Ms. Ailee.

Terrence: O, 'di ba? Wala! Mga tsismosang 'to, mga walang imik!

Maid 2: (kinausap si Maid 1) Umamin ka na nga, ikaw ang nagsabi no'n sa akin.

Ms. Claridad: Hindi kayo aamin? Tawagin niyo si Ms. Ailee. Baka siya rin idamay ko rito.

Dumating si Ms. Ailee at nagkakagulo na ang mga tao sa mansion niya.

Ailee: What happened?

Maid 2: Sabi ko lang na sayang ang lahi nilang dalawa, kasi magjowa sila ng lalaki na 'yan at si Sir Terrence. Bakit hindi po sila mag-girlfriend, hindi po ba?

Claridad: Ang kakapal ng mga mukha niyong husgahan silang dalawa. (sabay sinabunutan niya ang dalawang Yaya ni Ms. Ailee)

Maid 1: Aray ko po!

Sa sobrang gigil ni Ms. Claridad sa dalawa ay pinagsabay niyang sinabunutan ang dalawa.

Claridad: Ano? Masarap ba ang masabunutan?

Maid 2: Tama na po, sorry na po. Hindi po namin sinasadya.

Maid 1: Sinabi ko lang na sayang sila, ano bang masama sa sinabi ko?

Claridad: Sayang pala, ha? O ito, sayang.

Until now, sa sobrang inis niya ay sinasabunutan pa rin ni Ms. Claridad ang dalawa.

Ailee: Tama na 'yan!

Umaawat lang si Ms. Ailee sa dalawa at siya naman ang sinabunutan ni Ms. Claridad dahil sa sobrang gigil nito.

Claridad: Ang babastos ng mga katulong mo rito na halos ako 'yong ina ni Yves, never kong sinabihan ng ganiyan ang anak ko. Kakapal ng mga pagmumukha niyo!

Allysa: Go Tita Klang!

Gagong Allysa 'to, intense na ang eksena, parang nanonood lang siya ng sabong sa kanto, HAHAHAHAHA!

Yves: Hayaan mo na si Mama diyan, kaya na niya 'yang tatlo.

Yashua: Ano bang nangyayari rito? Tita Cla, tama na po!

Allysa: Huwag Kuya, hayaan mong sabunutan lang ni Tita Klang ang tatlo, by the way, DESERVE, HAHAHAHAHA!

Ailee: Nasasaktan ako! Tama na Claridad.

Claridad: Ano? Natauhan na kayo? Subukan niyo lang talagang magsabi ng mga hindi magaganda, ako talaga ang makakalaban niyo!

Ailee: (kinausap si Terrence) Mag-boyfriend kayo niyan? (sabay turo kay Yves)

Terrence: Yes. Boyfriend ko po si Yves. May reklamo po ba kayo? Ganito po ba mga maid niyo rito, Ms. Ailee? Masyadong pakialamera, ni si Tita Claridad pati sila Kuya boto sa akin, tapos sila rito hindi? Sino po ba sila para pakialaman ang mga buhay namin? Tumatanda silang paurong! Matapos lang ang DNA test na 'yan, aalis na kami rito. At kung totoo man na Ina ko kayo, hinding-hindi ko mapapatawad ang mga yaya mo rito at ako ang makakalaban ng mga 'to, mga bastos!

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon