— Terrence POV
Nang makarating na kami sa school ng saktong 11am ay pumunta muna kami nila Ma'am Claridad sa Teacher's room kung saan naroon ang desk niya. Maya-maya pa ay balak na sana ni Ma'am umalis pero tinanong muna namin ito ni Brad Yves.
"'Ma, saan po kayo pupunta?" tanong ni Yves sa Mama niya.
"Bibili lang ako anak ng mga cartolina."
"Kami na po Ma'am ni Brad Yves ang bumaba. Dito na lang po muna kayo," sabi ko kay Ma'am.
"Sige, Rence. Salamat."
"Maaga pa naman po Ma'am, kaya okay lang na bumaba muna kami ni Yves."
"Sige anak. Salamat ulit."
"Maliit na bagay po Ma'am, hihi."
At umalis muna kami ni Brad Yves at bumaba na para bumili pa ng mga kailangan ni Ma'am. Pero s'yempre, habang naglalakad ay may katanungan na naman sa akin si Yves, ano pa bang bago? AHAHAHA!
"Ano palang nangyari sa panaginip mo kanina? Bakit sinisira ni Mama mo 'yong bag ko?" tanong agad ni Yves sa akin.
"Hindi ko nga alam Brad e. Akala ko talaga kanina, totoo 'yong mga nakikita ko. Pati 'yong bahay, sinusunog niya kanina tapos pinagsisisira niya 'yong bag na binigay mo sa akin."
"Grabi naman 'yon!"
"Kaya nga Brad e, natatakot ako kanina. Buti nandoon si Kuya kaya nakaidlip ako ulit."
"Pati tuloy ako sa 'yo, Rence. Nag-aalala na rin. Baka mabangungot ka!"
"Ano ka ba? Lagi naman akong nagdadasal e."
"Good, kung ganoon."
Habang nag-uusap kami ay 'di namin namalayan na nakarating na pala kami malapit sa canteen at bumili na nga kami ng cartolina at iba pang mga gamit para sa mga gagawin ni Ma'am Claridad sa room.
Nang makabili na kami ay nag-usap na naman kami ulit ni Brad Yves, HAHAHAHA!
"'Yong sa panaginip mo pala Brad na isa, 'di mo pa nakukwento sa akin." bungad agad niyang sabi sa akin.
"Nakuwento ko na sa 'yo 'yon, 'di ba?" sabi ko sa kaniya.
"Oo, pero 'di naman 'yon kumpleto."
"Wow! Kailangang buo talaga, ha? Ahahaha!" sabi ko.
"S'yempre naman 'no? Para may alam naman ako."
"Alam? Saan? Sa buong panaginip ko?"
"Oo naman," sagot agad niya sa akin.
"Baka 'pag nasimulan ko nang sabihin 'yon. Baka 'di mo na ako kakausapin."
"Bakit naman?"
"Basta! Magulo rin kasi 'yong panaginip ko na 'yon," seryosong sabi ko.
"Ayaw mo lang sabihin e," pagtatampong tono na sabi ni Yves sa akin, HAHAHA!
"Sige na nga, ang kulit mo talaga e!"
"'Wag na, Rence."
"Luh! Tampo 'yan? 'Wag kang mag-inarte sa akin Brad. 'Di bagay!" pangbubusangot na sabi ko at bigla itong natawa.
"Joke lang e. Ito naman, para 'di magkaibigan e. Sabihin mo na kasi, ang naaalala ko lang ay 'yong sa pilotong nakita mo. Gusto kong malaman kung anong sunod na mga nangyari. Sana lahat may ganiyang panaginip," sabi ni Yves sa akin.
"'Di ko nga alam Brad at ganoon naging panaginip ko e."
"Ayaw mo n'on? Maganda."
"Oo sana, kaso..."
BINABASA MO ANG
A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]
De TodoTerrence David is a simple little kind boy and a bipolar disorder secretly because of his trauma experience from his Mother. When he started lucid dream ay doon siya nakaranas ng saya, he's escaping sadness from reality. And na-in-love siya sa kapwa...