Chapter 41: The Daydream, Part 3

8 1 1
                                    

(Triggered Warning ⚠️: Vulgar words)

— Terrence POV

"I didn't mean to. Hindi ko naman gustong saktan ka!" sabi ni Aldrin sa akin na para bang nawala ang kalasingan niya dahil nasuntok ko siya ng malakas kanina.

"Bakit nga pala ako magseselos sa inyo 'no? Sa una pa lang... wala na akong karapatan."

"Hinalikan niya ako Rence!"

"At gustong-gusto mo naman?"

"Pa-victim! Nasaan na 'yong bakla na 'yon ng mapuruhan na‽" bulyaw ko sa kaniya.

"Don't do that!"

"H'wag mo kong ma-don't do that, do that, ha?"

"Rence, I'm sorry, Yes. I made a mistakes, okay?"

"Alam mo? PUTANG-INA MO ka! Sana noon palang, hindi na ako umasa ng ganito, sana kinalimutan na kita. N—nagawa ko naman na... pero bumabalik ka pa rin sa isip ko. Ito na naman ako na umaasang mamahalin mo rin ako, pero nagkamali pala ako. Hindi ko rin alam kung ano tayo? A—ano nga ba tayo?"

"Uhm..."

"No answer, means... wala? AHAHAHA! I have to go na," sabi ko sa kaniya habang naiiyak ako.

Papaalis na sana ako nang bigla niya akong pinaharap sa kaniya at hinalikan niya ako sa labi.

"A—ano bang ginagawa mo Aldrin‽ Get off me!" sabi ko at tinulak ko siya palayo.

"H'wag kang aalis. Dito ka lang," sabi niya habang hinahawakan niya ang kamay ko at ayaw niya itong bitawan talaga.

"Aalis na ako, ayaw na kitang makita pa, ano ba‽" naiinis na sabi ko habang umiiyak at nagpupumiglas ako sa paghawak niya sa akin.

"Saan ka pupunta? Sasama ako sa 'yo."

"Hindi mo ba naririnig ang sinabi ko sa 'yo kanina pa? I don't wanna see you anymore! Tama na, ayoko na."

"Pakinggan mo naman muna ang mga paliwanag ko Rence," naiiyak na sabi ni Aldrin sa akin.

"I don't need your explanation. I already saw it e. Sobrang sakit, Drin! May maipapaliwanag ka pa ba doon at kitang-kita na nang dalawang mata ko kung paano kayo naghalikan ng baklang 'yon‽" pahiyaw na sabi ko at wala siyang imik.

Sa sobrang sakit na nakita ko kanina ay umalis na ako sa harapan niya habang naghahagulhol ako ng iyak dahil sa kaniya.

Later...

I'm here at pang-pang kung saan naroon ang dati naming tambayan ni Aldrin noong mga bata pa kami.

Isang oras na akong hindi tumitigil kakaiyak dahil sa nakita ko kanina kay Aldrin at kay Jerome.

"Lord, bakit po ganoon? Bakit ganitong kapalaran pa ang ibinigay po ninyo sa akin? Sobrang sakit po ang ipinaranas ninyo sa akin. Kung hindi po talaga siya para sa akin, ipapaubaya ko na lang po siya sa inyo. Alam ko pong mali ang ganito, pero siguro... ititigil ko na po ang paghahabol sa kaniya. Kakalimutan ko na po siya. Sana noon pa lang... itinago ko na lang ang nararamdaman ko para sa kaniya, para hindi na po umabot sa ganitong sitwasyon. Lord, sobrang nasasaktan po ako ngayon," sabi ko habang umiiyak.



                         ————————



— AUTHOR POV

Habang umiiyak si Terrence sa pang-pang ay may narinig siyang nagsalita at baritono ang boses nito.

"Bakit ka umiiyak?"

Nang marinig ito ni Terrence ay nagulat siya dahil si Mr. Aldrich Alcantara o si Sir Piloto ang nakita niya.

"Sir Piloto? Hala, ikaw po pala 'yan," sabi ni Terrence habang pinupunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata na kanina pa tulo nang tulo kakaiyak.

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon