Chapter 38: Surprise

7 3 0
                                    

— Terrence POV

Six (6) days ago...

Nasa school ako ngayon ni Allysa kasi dito kasi may bilihan ng mga picture frames.

Maya-maya pa ay may makita na nga ako at nagtanong ako kung may frame silang maganda na kasiya sa food art na ginawa kong imahe kila Tita Claridad at kay Yves.

"Ma'am, p'wede po bang i-frame itong dalawang food art na ginawa ko?" sabi ko sa nagtitinda ng mga picture frame.

"Ang ganda naman ng gawa mo Sir."

"Terrence na lang po, hihi. Or Rence."

"Ay... Terrence? Hala, isa po kita sa mga idol ko sa paggawa ng sining," sabi ng babae sabay nagtanggal siya ng face mask.

"Ay p*ta! Ikaw pala 'yan, Bes!" gulat na sabi ko dahil ang tindera ng picture frame na 'yon ay si Allysa.

"Musta na Bes? Balita ko na-ospital ka raw?"

"Oo nga n'ong last week pa 'yon. Pero okay na ako bes."

"Mabuti naman Bes at okay ka na. Nakuwento rin kasi ni Tita Claridad ang nangyari sa 'yo kaya nag-aalala ako sa kalagayan mo."

"I'm fine naman Bes, kagulat naman at dito ka nagtitinda malapit sa school?"

"Kailangan Bes e. Alam mo naman nagdodoble kayod ako, alam mo naman kapag college, ang daming bayarin at sa tuition pa, jusme."

"Ganiyan nga rin ang ginawa ko Bes, kaya napagod ako sa kung ano man ang libangan na ginawa ko, pero worth it naman ang pagod na 'yon."

"O siya, ano bang need mong frame dito Bes? Dali, habang wala pang bumibili."

"Red at blue Bes ang kukunin kong frame, size XXL."

"Noted Bes, by the way... Nice to meet you again. Ikaw, ha? May kasalanan ka sa akin kahapon! Hmmp!" busangot na sabi sa akin ni Allysa at natawa ako sa mukha nito kasi nakasimangot ito.

"O ano 'yon Bes? AHAHAHAHA! Bakit ganiyan mukha mo?"

"Nagpost si Yves sa Instagram at nagpalaro ka kila Tita Claridad. Hindi mo 'ko sinama!"

"Biglaan lang kasi 'yon Bes kasi..."

"Kasi Bes, ano?"

"It's complicated Bes."

"Like... away or something?"

"Yeah," ikling sagot ko kay Allysa.

"Ano bang nangyari?"

"Nag-away kasi kami last week ni Kuya Yashua about sa hindi niya pagsasabi sa akin ng totoo. Nagkasakitan, nagsuntukan ganoon. Tapos naaksidente pa siya n'on. Kasalanan ko rin naman lahat e lalong-lalo na sa mag-inang Urbiztondo Bes," paliwanag ko kay Allysa.

"At ang mas nakakahiya pa ay 'yong nag-eskandalo ako sa bahay nila Tita Claridad at nakita pa nila ako na sinuntok ko si Kuya Yashua n'on, halos nandilim ang paningin ko n'on at galit na galit ako sa mundo, sabi pa nga ng mag-ina sa akin na parang hindi na nila ako kilala. And then pagkatapos ng pag-aaway na 'yon, bigla akong natauhan na mali 'yon at sobrang nakokonsensiya ako sa ginawa ko last week, pero ako rin naman gumawa ng way para magkabati-bati kaming apat," dugtong ko pa.

"Grabe pala ang mga nangyari sa'yo in the past few weeks Bes, okay lang kahit 'di mo ako n'on niyaya kasi busy din ako e. Pero sabi naman din sa akin ni Yves na next time, sasama na talaga ako sa inyo."

"Oo 'yan din kasi ang naiisip ko na baka busy ka. At tama nga ako."

"Hayaan mo Bes, kapag may time ako. I-chat ko na lang kayo ni Yves.

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon