Chapter 12: Hapagkainan sa Lamesa

9 3 0
                                    

- Terrence POV

Habang kanina pa ako nanonood sa TV ay nagtataka na ako at maggagabi na pala pero wala pa rin si Kuya.

"Ang tagal naman ni Kuya makabalik. Nasaan na kaya 'yon?" sabi ko sa sarili ko.

"Kamusta na rin kaya sina Ma'am at si Brad Yves doon sa school? Uwian na rin siguro namin kung pumasok ako kanina sa school," dagdag ko pa.

Ilang minuto ay may kumatok sa pinto at nakita ko sa pinto ay si...

"Brad?"

"Yes, Brad. Ako nga, kamusta ka?" sabi ni Brad Yves sa akin.

"Ito, hindi okay kanina dahil sa nangyari. Pero ngayon, okay na ako. Ikaw Brad?"

"Sorry pala noong nakaraan, ha?"

"Uhm.. saan naman?"

Bago ko muna ako nagsalita ay pinapasok ko muna siya sa bahay at ni-lock ko muna 'yong pinto, mahirap na baka mapasok si Mama dito sa loob. Natatakot na kasi ako.

"Sige, pasok ka muna rito, Brad."

Ilang sandali pa ay nakita ako ni Yves na nila-lock 'yong pinto.

"Uuwi rin ako Brad, e bakit mo naman 'yan nilock?"

"Si Mama nga 'di ba?"

"Oo nga pala, grabe kasi 'yong nangyari kanina e."

"May nakaalam ba kanina na nangyari dito sa atin sa school?"

"Wala pa naman, pero nagtaka sila kasi nakita nilang madumi uniporme ni Mama e."

"Nako, baka may alam na 'yong iba doon."

"Wala na kaming paki ni Mama doon sa mga ganiyang tsismis, sanay na kami sa ganiyan. Deadma kumbaga."

"Sa bagay," ikling sagot ko.

"Oo nga pala, balik tayo sa usapan kanina. Bakit ka pala humihingi ng pasensiya sa akin?" tanong ko sa kaniya.

"Nasigawan kasi kita kahapon, 'di ba?"

"Hayaan mo na 'yon, Brad. Wala lang ako sa mood n'on."

"Ganoon ba? Pero sorry pa rin, Brad ha?"

"Okay lang, ano ka ba?"

"Okay na tayo, ha?"

"Oo naman."

"So... ano palang ginagawa mo rito ngayon?"

"Ito nanonood ng TV. Tagal ni Kuya e."

"E saan ba pumunta 'yong Kuya mo?"

"Bibili raw siya ng paborito kong pagkain, pero maggagabi na Brad, wala pa rin si Kuya."

"Ganoon ba? O sige, i-text ko lang si Mama na dito muna ako."

"Dito ka lang? E magbihis ka muna ng uniform mo, Brad."

"Okay lang Brad, malapit lang naman bahay namin dito."

"Sa bagay, hehe."

"Oo nga pala, may napaginipan ka na naman ba kanina?" curious na tanong ni Yves sa akin.

"Oo e," sabi ko agad.

"Ano nga ba ulit 'yon? Nakalimutan ko na e."

"Sa piloto 'yon na naghatid sa akin sa Maynila."

"Ahh.. Iyon pala 'yon. Buti ka pa may napapanaginipan kang ganiyan. Sa akin kasi... about horror."

"Weh? Gusto ko nga rin 'yan e, e kaso iba naman napanaginipan ko."

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon